Naabutan niyang nagkukumpuni na naman ng sasakyan si Hanna suot ang isang maong na jumpsuit na pinalooban ng puting t-shirt.Ang cute nitong tingnan kahit pa nga dungisan ang maputi at makinis nitong balat.Maging ang maganda nitong mukha ay hindi rin nakaligtas sa langis nang pahirin nito ang pawis na lumalandas sa kanyang pisngi.
Sa tagal na panahon nilang magkaibigan ngayon niya lang ito napansin nang ganoon.High school palang ay magkakilala na silang dalawa pero ni minsan hindi niya ito nakita bilang isang babae.Masyado kasi itong makulit at galawgaw.Malapit din ito sa mga lalaki.Fourth-year siya noon at second year naman si Hanna.Pero lagi itong nakabuntot sa kanya.Daig pa nga nito ang gwardiya.Sa twing may magkakagusto sa kanyang babae agad nitong hinaharang at sinisita.Kinakaibigan naman nito ang mga barkada niya sa pamamagitan nang pagbibigay ng kung ano-ano.Maging ang mama niya at kapatid ay hindi rin nito pinaligtas.
"Hello,Tita Liz. Nandiyan mo ba si Trish?" masayang bungad ni Hanna na ang tinutukoy ay ang pitong taong gulang na kapatid na bunso ni Terrence.
Nakangiti namang pinagbuksan siya ng gate ng mama ni Terrence.
"Ginataang bilu-bilo po, Tita.Padala po ni Tatay Bert." sabi niya sabay abot ng dala sa mama ni Terrence.
"Naku,paborito namin ito ni Trisha.Nilulutuan kami dati nito ni Mama," nakangiting sabi nito.
Lihim namang napangiti si Hanna.Hindi naman pala nagkamali ang source niya talaga namang palang paborito ito nang mag-ina.
"Tita, nandiyan po ba si Terrence?" nakangiting tanong niya.
"Nandoon sa loob.Tara pasok ka," nakangiting sabi nito.
May kung anong nabago sa kanya mula nang habulin niya sa airport si Hanna.Bigla niyang na-realize kung gaano ito kahalaga.Sa dinami-dami kasi nang masasakit na nangyari sa buhay niya,laging nandoon si Hanna.Lalo na nung time na namatay ang kapatid niyang si Trisha.Hindi siya nito iniwan,lagi itong nasa tabi niya.Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kung sakaling natuloy umalis si Hanna.Baka naging mas malala pa siya sa dati.
"Baka matunaw," nangingiting bulong nito Tatay Bert nang mapadaan sa likod niya.Kanina pa kasi siya nito pinagmamasdan nang tila natulos siya sa kinatatayuan niya.Napangiti na lang siya at napakamot sa ulo.Nilapitan niya ang pawisang si Hanna atsaka niya ito inabutan ng panyo."Tigilan mo na nga 'yang kinukutkot mo na 'yan.Maligo ka na, ililibre kita sa sine."
Bigla nangislap ang mga mata ni Hanna.Kapag naririnig niya kasi ang sine parang naamoy niya ang paborito niyang Shawarma.Tuwing manonood kasi siya ng sine nadadaanan niya ang mga cart ng Shawarma na tila tinatawag siya."Libre mo ko ng Shawarma ha?" nakangitng sabi niya.
"Oo, na.Bilis na.Ligo ka na," anito na humawak na sa magkabilang balikat niya at dahan-dahan siyang itinulak papasok.Nagmamadali namang tumakbo paakyat si Hanna.
Napangiti na lang siya.Para kasi itong bata kung magtampo.Abutan mo lang ng candy,ayos na.
"Nakakatuwa talaga siya."
Kanina pa tuwang-tuwang pinagmamasdan ni Terrence si Hanna.Para kasi itong bata na sarap na sarap sa kinakaing Shawarma.Wala itong pakialam kahit kumalat pa ang sauce sa maganda nitong mukha.Napakasimple at low profile nito kahit pa nga anak mayaman din ito.
Pag-aari ng pamilya ni Hanna ang isa sa pinakamalaki at sikat na cosmetic brand sa Canada, na ngayon ay mina-manage ng ate niya at ilan nilang kamag-anak sa Canada.Mula nang namatay sa plane crash ang mga magulang nila,naiwan na siya kay Tatay Bert.Habang ang ate niya naman ay nag-stay sa Canada para sa negosyo.Third year high school pa lang kasi noon si Hanna kaya nagpaiwan ito sa Pilipinas para tapusin ang high school.Bago siya mag-college bumalik ang ate niya sa Pilipinas para sunduin siya, pero tigas na tanggi niya dahil hindi niya maiwan-iwan noon si Terrence.Humaling na humaling siya kay Terrence noon kahit pa harap-harapan siyang tinatanggihan nito.
BINABASA MO ANG
Catching Feelings
RomansMeet Terrence Han ang nag-iisang lalakeng nag mamay-ari ng puso ni Hannah.Ngunit tila walang epekto rito ang mga diskarte ni Hannah.Kahit lantaran na ang ipinakikita niyang pagkagusto sa binata ay tila wala paring epekto rito.But not so long...dahi...
