Chapter 4.1 - A Glimpse of DK's Past

50 1 0
                                    

* A Glimpse of the DK's Past *

< DYLAN's POV >

Unang araw ng klase. Nakakatamad pumasok. Kung kasama ko lang siyang pumapasok sa iisang school.. E di sana, masaya ako.

Kaso hindi.

Mula pagkabata, siya lagi kong kasama.

Kapag malungkot ako, basta nandyan sya sa tabi ko..

Nawawala lahat. Lahat ng lungkot at problema.

Makita ko lang syang ngumiti, ang saya na ng puso ko.

Marinig ko lang ang tawa, dinaig pa nya ang pinakamagandang musika na napakinggan ko.

Pero dumating yung araw na.. kailangan naming maghiwalay.

Hiwalay ng school na pinapasukan.

Hiwalay ng lugar na tinitirhan.

Hiwalay. Walang communication.

Grade 6 kami nung umalis sila. Pumunta sa malayong lugar.

Alam kong may dahilan siya. Pero hindi ko maintindihan kung ano.

At kung bakit.

May isang bagay lang akong pinagsisisihan.

Yun yung bagay na hindi ko sakanya maamin na..

MAHAL KO SIYA.

Matagal na.

Ngayon, senior student na ako dito sa Hann Academy. Pamilya ng matalik kong kaibiganang nagmamay-ari nito.

Si Renz Austin Hann.

Simula nung lumipat ako dito nung first year, sya na nakakaalam ng lahat.

Lahat ng tungkol sakin. Pati tungkol sa babaeng mahal ko.

Tungkol kay Selina Ann Perez.

Ang naging mundo at buhay ko, NOON.

Ngayon? Siya pa rin kaya?

Sinarado ko na ang puso ko simula nung iniwan nya ako.

Hindi ko na hinayaang mapalapit ako sa mga babae.

Lahat iniiwasan ko. Lahat sila..

Alam kong sa huli, IIWAN nila ako.

Not until one day..

I MET HER. The total reflection of Selina.

Parehas ng kilos. Parehas ng tono ng pagsasalita.

At..

Katulad ni Selina.. kaya nyang patibukin ng mabilis ang puso ko.

Nakalimutan na nga ba kita? Handa na ba ako?

Pero tingin ko.. oras na para kalimutan kita.

Oras na para magmahal ulit ako.

Oras na para maging masaya na ulit ang lalaking nagdusa ng mahabang panahon..

Kahihintay sa pagbabalik mo. Pero nasaan ka?

Siguro nakalimutan mo na ako.

Kaya dapat sigurong mag-umpisa ulit ako ng panibagong yugto ng hindi ka kasama.

Ang hindi ko lang sigurado ay kung..

HANDA NA BA AKONG MAIWANAN

AT

MASAKTAN ULIT?

Hayy. Ang drama! Hindi ako ganito. Hindi ganito si Dylan Kim Tolentino.

Makapasok na nga lang ng maaga. Masyado kasi akong excited eh. Gusto ko ng makita ang bagong araw.

Para sa bagong simula. ^____________^

"Uy. May transferee daw sa section natin." Classmate 1 

"Oh? Babae ba o lalaki?" Classmate 2 

"Babae daw eh. Galing sa Garden Ville High." C1 

"Yun yung sa kabilang village di ba?" C2

Ohh. So may bago kaming kaklase. Maganda kaya? Sexy? Mabait? Matalino? Mayaman?

Ano ba iniisip ko! Tandaan mo Dylan.. wala kang pakialam sa mga babae.

Baka maiwanan ka lang ulit.

Pero sinabi ko na sa sarili kong SUSUBUKAN ko ulit.

Tama.. susubukan ko. Ganun naman kapag nagmamahal di ba?

Matututo kang masaktan kasi hindi mo mararamdaman yung tunay na kaligayahan kung di ka iiyak.

Kung di ka makakaranas ng SAKIT.

*riiiiiing. riiiiiing. riiiiiing.*

Bell na pala. Makapasok na sa room. Teka, anong section ba ako?

Isip Dylan. Matalino ka. Kaya mo yan.

*ting!*

Alam ko na. 4A - Loyalty.

Panama lang yung name ng section. Ha ha ha.

(Sarcastic ng tawa mo dude!)

O____________O

Hala! Sino yun? Baka multo? Joke. Alam kong si Ms. Author lang yun. Mahilig sumingit yun sa mga POV eh. Hahahaha! ^_^V

Nasa upuan ko na ako pero mi anino ni Renz, wala akong makita. Haynako. Tinamad na naman pumasok yun.

"Nandyan na si Ms. Ramirez!" Classmate 3

Hay. Puntahan ko na nga lang sa bahay nila mamaya yung lalaking yun.

Pero bago pa makapagsalita si Ma'm may biglang pumasok sa room namin at lahat ng atensyon, nasa kanya.

At sa dahilang di ko mawari..

Hinawakan ko yung kaliwang dibdib ko.

Bakit ako kinakabahan? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Hello. Vote nyo naman to. At pakikalat kung nagagandahan kayo. Kung hindi, okay lang. :))

Alam ko pong bitin. Update ko yung next chapter mamaya kapag natapos ko na. Salamat kasi binabasa mo to. :*

Vote. Comment. Be a fan!

Looooveeeee~

♥ Miss Almonds

Should Follow Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon