Chapter 11 - The Meet Up

23 0 0
                                    

* The Meet Up *

<LIANNE's POV>

Papasok na ako ngayon sa school. Hindi ko nga pala nasabi kay Mama na umabsent ako. Mamaya na lang siguro. Alam ko magagalit sya. Pero ayos na siguro un, masaya naman ako kahapon e.

Hindi ko akalain na ganun si Renz. Kung titignan mo naman kasi sya, parang ang yabang nya. Ung tipong di mo makikitang ngumiti sa mga babae. Salamat naman at nakita ko ung other side nya. Nakakatuwa.

"Aray!" masyado bang malalim ang iniisip ko para bumangga ako kay.. sino nga ba 'to?

"Ako na nga ung binangga mo, ikaw pa nasaktan. Tss." inangat ko ang ulo ko kasi kilala ko na kung sino. Boses at tono pa lang.. alam ko na.

"Sorry naman. Hindi ko po sinasadya. (insert sarcastic tone here)." umagang umagang panira ng mood.

"Tara na nga. Sabay na tayo pumasok. Ang init agad kasi ng ulo e. Papangit ka nyan Babe. Hahaha." ano raw?! BABE? Babe nya mukha nya. Kapal nya, grabe.

"Anong sabi mo? Gusto mo bang masapak?"

"......."

"Hoy. Bakit di ka nagsasalita?!"

"......."

"Bakit mo ba ako tinititigan? May dumi ba sa mukha ko?"

"Wala. Masaya lang akong makita ka."

Now, it's my turn to be speechless. May sinabi ba syang nakakakilig? Wala naman. Wala lang talaga akong maisagot.

"Nababaliw ka na ata Dylan. Tara na nga, pasok na tayo."

7:10am. Naghiwalay na kami nung nasa room na kami. Medyo maaga pa pala. May 20 minutes pa. Maka-idlip muna.

"Uy, pare! Nandyan ka na pala. Buti naman naisipan mo ng pumasok. Hahaha."

"Sira! Pumasok ako kahapon kaso late kaya umabsent na lang. Hahaha."

"Saan ka naman nagpunta? Sana sinama mo ko! Psh."

"Hindi pwede e. May chix kasi akong kasama."

"Chix? Asa pare. Ni minsan, wala kang pinansing babae dito."

Ano ba yan. Ang ingay naman ni Dylan! Sino ba kausap nito? Nakakaimbyerna. Kitang may natutulog e!

Inangat ko ung ulo ko saka sumigaw.

"Dylan!!! Ang ingay mo! Sino ba yang--"

Shete. Bakit nandito sya?! Nananaginip ba ako? "Dylan, pakisampal nga ako."

"Araaay! Ang sakit naman Dylan!"

"Ikaw may sabing sampalin kita. Sinunod ko lang. Haha."

Hahampasin ko sana sya pero bigla syang nagtago sa likod ng lalaking hindi ko malaman kung anong ginagawa sa loob ng room namin.

"Renz? Anong ginagawa mo dito?"

"Pinapanood kayong mag-away ni Dylan?"

"Tss. Bakit ka nandito?"

"Bakit ang sungit mo?"

"Bakit nga kasi?"

"Kasi dito ako nag-aaral?"

"Bakit ka nasa room namin?"

Hindi kaya.. kaklase namin sya? Pero bago pa nya masagot. Sumingit na sa usapan etong mahangin na lalaking 'to.

"Pare, kilala mo sya?" sabay tingin kay Renz.

"Babe, kilala mo sya?" tapos tumingin sa akin. Tinignan ko sya ng masama.

"Gusto mo na bang mamatay ngayon, ha Dylan?" kasi dahil sa kanya, este sa sinabi nya. Nakatingin sa amin mga kaklase namin. Badtrip talaga sya.

"Reeeeenz! You're back! Namiss kita."

Ohh. Here goes the epal na babae nung first day. Close kaya sila ni Renz? Anong name nya nga ulit? Je.. Jessa? Whatever.

"Good morning class! Kayong apat, may importante ba kayong pinag-uusapan ng ganitong kaaga? Back to your seats!"

Dahil mukhang bad mood si Ms. Jana, umupo na lang kaming apat. Nakakagulat na katabi ko pala sya. Sya pala ung seatmate ko na 1 week ng absent. Tapos nag-cut class pa kami kahapon. What a day. Sana matapos na 'tong Math subject.

"Okay. Class dismissed! Ms. De Vera and Mr. Hann, I need to see you at the teachers' office during break."

"Yes, Miss." bakit ako lang ung sumagot? Saka sino ba ung Hann? Sya ata anak ng may-ari nitong school? Bakit kaming dalawa? Anong meron? Hays.

"Babe!" ayan na naman po sya. "Uy. Pansinin mo naman ako!"

"Bakit? Hindi naman BABE pangalan ko. Bakit kita papansinin?" pauso talaga to e. Ma-issue pa kami.

"Ikaw nga un. Aynako. Pero bakit kayo pinatawag na dalawa?"

"Huh? Sinong kami?"

Kaming dalawa nino? Sino ba si Hann? Bakit kasi di ko kilala mga kaklase ko? Buhay nga naman o! -____-

"Ako un Ms. De Vera. Ako." ung lalaking katabi ko na tahimik lang kanina, nagsalita na. Pero sya?

"Ikaw? Paanong-- naguguluhan ako."

"Ako si Renz. Renz Austin Hann."

"Babe, hindi mo ba alam? Hahaha."

"Mukha bang alam ko? Edi sana hindi ako nagtanong. Sasampalin na kita."

"Sorry na! Osya. Babe, si Renz. Bestfriend ko at bunsong anak ng may-ari ng Hann Academy. Renz, si Babe... aray!" hinampas ko na talaga sya. Kanina pa e.

"Si Lianne, ung kinukwento ko sayo. Ung transferee dito sa atin."

Kinukwento? Ako? Ni Dylan? Kay Renz? Bakit di naman nya nabanggit un kahapon?

Pero teka! Naka-date.. okay. Mali. Naka-'friendly' date ko ang anak ng may-ari ng school na pinapasukan ko?!

--

AN:

Sobrang ikli ata. Sorry. Bawi ako. Enjoy reading! :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Should Follow Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon