Chapter 8 - The Kiss

43 0 0
                                    

* The Kiss *

<LIANNE’s POV>

Akala ko ba itetext nya ako? Bakit hanggang ngayon wala? Nakakainis naman!  -_-

Okaaaay? Ba’t ba ako naiinis? Eh for the first place, wala naman akong number sa kanya. Medyo shunga eh.

Alangan namang hulaan nya dba? Isip din minsan Lianne. USO pa naman gamitin ang utak. :|

Matutulog na sana ako kaso biglang may nagtext. Tsss. Istorbo. Kung kelan inaantok na ako eh!

From: 09057654321

Goodnight my princess. Dream of me! :*

Hala?! Sinong hinayupak naman ‘to? Wrong sent yata.

To: 09057654321

Uhh. Sorry, pero na-wrong sent ka yata.

5 minutes..

8 minutes..

10 minutes..

*vibrate.. vibrate.. vibrate..*

ANO BA?! Takte, inaantok na ako eh! Pambihira naman!

From: 09057654321

Hindi ako wrong sent, princess. Si Dylan ‘to. Sorry to disturb your sleep. Namimiss na kasi agad kita. :’)

O______O OHMYGAHD! Si Dylan?! Pero paanong..

To: 09057654321

Princess ka dyan?! Korni mo po. Haha. Oo, istorbo ka. Jk lang! Wushuuu. Kanina lang tayo magkasama eh? Sige na, goodnight na. See you tmr! :)

Pasaway na bata. Ayan tuloy, kahit inaantok at naiinis ako sakanya, KINIKILIG pa rin ako. :”> HAHAHA. Landi eh. -__-

*alarm clock rings*

“Ano ba! Ang aga pa ang ingay mo na!“

Ok. Magalit daw ba ako sa alarm clock? Teka, anong oras na ba?

*blink.. blink. blink..*

6:30AM. -__________-

“Late na akooooo! Ikaw kasi Dylan eh! Hmp!”

Wala si Dylan sa tabi ko. Baliw lang po, kausap ang sarili.

Ligo.

Toothbrush.

Bihis.

Takboooooo!

Hay. Nakakapagod! Buti na lang malapit lang ‘tong school.

7:00AM. Sakto! Hindi pa nagbe-bell. Wew thank God!

“O, Lianne! Muntik ka ng malate. Bakit? May sakit ka ba? Puyat? Tubig? Gusto mo?” daming tanong.

“Saglit nga! Wala akong sakit. At oo, napuyat ako. Kasi.. kasi basta! Tubig? Inaalok mo ko pero wala naman.”

Tss. Di ko lang masabing, Bakit? Ikaw kasi. Dahil sa mga sinabi mo. Simple pero nakakakilig. Dyahe eh!

“Ay. Oo nga no? Pasensya na. Upo ka na para makapagpahinga ka. Mukhang nakipaghabulan ka sa kabayo eh. Hahahaha!” medyo lang naman. Ikaw ba late magising.

Should Follow Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon