One

43 3 0
                                    

"I love you" does not always mean "I won't ever leave you".

•°•°•°•°•

"Faye bumaba kana nandito na si Mina!"

"Opo. Bababa na!"



Hayyy. I'm still stuck on him. Anong gagawin ko? What if magkita kame sa school? Di naman maiiwasan na magkita kame dun dahil iisa lang yung school na pinapasukan namen.

"AHHHHHHHH!" Sigaw ko habang nakaharap ako sa salamin. Gosh! Di ako makapag-isip. Di pa ko nakaka-get over.

May hang-over pa ko sa Break Up namen! huhu

"Alexandria Faye Eastwood! Ano ba?! Kanina pa may naghihintay sayo. Di ka pa ba tapos sa ginagawa mo ha!"

"Ay! break up!" Nakakagulat naman to si Mommy. Grabe ha! Kung may sakit ako sa puso kanina pa ko na deads.

"Opo. Ito na nga po bababa na." Bumaba na ko at baka kumatak pa si Mudra. Ang aga-aga e.






"Lex-lex!!!!" Bungad sakin ng napaka-ganda kong Best Friend pagbaba ko ng hagdan sabay yakap sakin. "I missed you lex-lex! Grabe sis! Tagal ng sembreak. Na miss tuloy kita ng sobra!! Waaaah!" Ito talagang babaeng to. Kahit kelan ang drama.

3 weeks lang naman yung sembreak namin e. HAHAHA!

"Ja-ja, namiss din naman kita no! Pero tatlong linggo lang naman yung SB naten, tsyaka lagi naman tayo magkausap sa phone. OA ka nanaman."

"Sorry na sis. Namiss lang talaga kita. Iba parin naman kase yung nakikita kita e. hihi!"

"Nako! Tara na nga. Baka malate pa tayo. :)"

"Aye-aye!" sagot niya habang naka-salute saken. haha! Ang kulit talaga. "Tita Andeng, alis na po kame ni lex." Paalam niya kay Mommy at umalis na kame.









Nag-commute lang kame papunta sa school. At ayun, sumakto na traffic kaya pagkadating sa school ay tumakbo na kame papunta sa room namen, sa third floor pa naman yun ng building.



"Bilis lex-lex! Baka mahuli tayo sa klase."

"Sandali lang naman Ja! Ang hirap kaya tumakbo sa hagdan."






Sa wakas .... nakadating din kame sa floor namen.





Pumasok na kame sa room namen at umupo sa bandang gitna. Ayaw kase namen sa harap dahil laging tinatawag ng teacher yung mga umuupo dun.

Sa likod naman mga maiingay at magulo, kaya sa gitna lang kame umuupo. hehe



Maya-maya lang ay dumating na rin yung teacher namen. If i'm not mistaken he's our adviser. Oo, lalake. Pinalitan kase yung dati naming adviser, si Ms. Aquino dahil kailangan siyang ilipat sa second year level.

Sa totoo lang ayoko ng lalaking adviser, mas gusto ko kase pag babae ang adviser mas magaan sa pakiramdan at the same time feeling ko mas makaka-close ko. Tsyaka hindi kase nakakatakot mag approach. Diba?










Si Mina na yung magsasalita. Nagpapakilala kase lahat sa harap dahil nga bago yung adviser namen.


"Hi guys! Kilala niyo naman na ako. Pero magpapakilala ako ulit. hehe. I'am Mina Jane Salazar. 16. You can call me Mina or Jane, only my bestfriend can call me Ja-ja. You know naman guys who is she right? And one more thing maganda ako, mabait ....." Ang jolly talaga ng best friend ko kahit kelan. haha pero ang lakas din makapagbuhat ng sariling bangko hahahahaha

I'm so blessed and thankful at binigyan ako ni God ng ganitong klaseng kaibigan. Di man ako swerte sa pag-ibig, atleast may kaibigan akong di ako iniiwan. Siguro kung papapiliin ako between having a relationship and my bestfriend, syempre pipiliin ko ang bestfriend ko no! :)

*fingers snap* "Sis! Ikaw na."

"a-ah? Sige." Natulala pala ako sa pag-iisip. Ako na pala ang susunod ...

"Hello! I'am Alexandria Faye Eastwood. You can call me Faye or Drea. Just like what Mina said earlier onl---"

"Sorry, Sir. I'm late!"

Sa gitna ng pagpapakilala ko bigla nalang may lalakeng nagsalita kaya napahinto ako.

Parang pamilyar yung boses, pero hindi pwede siya 'to.

Nung una, hindi ko na tinignan pero nung magsalita ulit siya .......

"Sorry po talaga sir may emergency lang po kasing nangyari."




Oh My G . . . .

WHAT THE ?!




🌻🌻🌻🌻🌻
ENJOY READING. Follow me on twitter @pbrealino_
Don't forget to Vote guys.😘

A Promise of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon