"Every story has an end, but in life every ending is just a new beggining."
•°•°•°•°•
"Nandito na po ako!"
Nakauwi na 'ko galing sa school, mag a-alasais na rin ng gabi nang makauwi ako. Niyayaya nga ako ni Mina mag mall kaya lang sinabi ko na wala ako sa mood. Tsyaka isa pa may iniwan kasing assignment yung Math teacher namin.
"Nandyan kana pala, Faye. Kumain kana dito. Sabay-sabay na tayo."
"Sige po. Iaakyat ko lang ho itong gamit 'ko."
"Sige." Sagot ni Mama saken.
Umakyat na 'ko para ilagay sa kwarto ko yung mga gamit ko.
Pagdating sa kwarto ko ay humiga agad ako sa kama at nilapag ang mga gamit ko. Magpapahinga muna ko saglit bago bumaba para kumain.
fast forward ......
Nagising ako sa tunog ng alarm clock sa tabi ng kama ko. Umaga na pala, mukhang di ako nagising kagabi. Di tuloy ako nakakain.
Hayaan na nga. Mag-a-almusal nalang ako.
Naligo na ako at nag ayos para makababa at mag-almusal.
"Goodmorning anak. Hindi kana kumain kagabi ha? Pumunta ako sa kwarto mo pero tulog kana kaya di na kita ginising."
"Goodmorning din Ma. Oo nga po e. Nakatulog kase ako. Sorry po di ako nakasabay sainyo."
"Okay lang yun. Kumain kana ng almusal para makapasok kana sa eskwelahan mo."
"Sige po." Kumain na ako ng almusal at pagkatapos ay nagpaalam na ako kay mama at sa kapatid kong si Aj na papasok na ko.
Si Aj ay nakababata kong kapatid. 7 years old palang siya. Malambing din sakin yung kapatid kong yun dalawa lang naman kase kameng magkapatid e.
Hindi ko kasabay pumasok si Mina ngayon. Nagtext kase siya saken kanina na ihahatid daw siya ng Dad niya.
Papasok na ko sa gate ng school namin ng may mabunggo akong lalake.
"A-ah. Sorry sorry. Di ko po sinasadya." Hinging paumanhin ko sa nabunggo kong lalake.
"Okay lang miss. Ako nga dapat yung mag sorry e, naliligaw kase ako. Nahulog ko pa yung mga libro mo." sagot niya saken.
Tinulungan niya kong pulutin yung mga libro ko. Infairness, Gwapo siya, matangkad, medyo maputi, mabait, gentleman at mukhang matalino din.
BINABASA MO ANG
A Promise of Forever
Teen FictionNaniniwala ka ba sa FOREVER? Eh, sa LIFETIME? Maraming nagsasabi na WALANG FOREVER. Madalas sa mga nagsasabi nito ay yung mga taong nasaktan, iniwan, bitter at mga nagbi-bitter bitteran. Mga gustong gumaya o sumabay sa uso. Pero ikaw, naniniwala ka...