"It's amazing how fast someone can became a stranger."
•°•°•°•°•
Pauwi na ko sa bahay galing sa mall nung maalala ko yung letter na iniwan ni Josche sa table ko.
Hindi ko pa nga pala nababasa yun..
Masyado na kong curious sa kung anong nakasulat doon, kaya naman pagkauwi ko ay binasa ko na yun kaagad ng makaakyat ako sa kwarto ko.
—
Hi Faye! Alam kong hanggang ngayon ayaw mo parin akong makausap. Halata naman e. Pero alam ko naman na nakikinig ka sa mga sinabi ko kanina, hindi ba? Alam ko naman na pinakinggan mo yun. Hindi ko lang alam kung tanggap mo ba o kung galit ka parin ba sakin. Sorry Faye. Gusto ko sana na maging okay na tayo kaya nag explain ako sayo kanina kahit hindi ka sumasagot sa mga sinasabi ko. Hindi ko naman sinasabi na maging tayo ulit after kong nakipag break sayo, gusto ko lang sana na maging friends tayo. Wala naman masama dun diba?
Faye, sana kalimutan nalang natin yung hatred. Let's just start over again, as friends. And sana pansinin mo na rin ako. In fact, namimiss kita. Yun yung totoo. Namimiss kitang kasama at kausap. Lalo na yung ngiti mo, yung totoong ngiti mo. Yung masayang Faye.
- Joscheee
—
Pagkatapos kong basahin yung letter niya sakin. Humiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame. Nakatingin lang ako dun habang pinapakinggan yung tunog ng orasan sa tabi ng kama ko. *Tick-tock tick-tock* Parang sumasabay yung tibok ng puso ko. Mabagal lang.
5 minutes ....
10 minutes....
20 minutes....
30 minutes ....
Ilang minuto na ang lumipas pero nakatulala parin ako sa kisame. Nag-iisip lang. Ano ba ang dapat kong gawin? Should i accept it? Tanggapin nalang na wala na talaga? Maging friends nalang sa taong dati mong minahal? Sa taong sobra mong pinahalagahan? Sa taong halos maging mundo mo na? Kalimutan yung 2 years? Tanggapin na yung taong nag papasaya sayo ng sobra at nag papangiti ay wala na? Tanggapin na WALA NG KAYO at wala narin ang salitang TAYO. Ganun ba?
ANG HIRAP.
Time check 9:00 am
Kakagising ko lang. Late na ko sa klase. Pero parang tinatamad ako pumasok ngayon. Parang gusto kong humiga lang dito sa kama ko at matulog buong maghapon.
Hay 😪
Kinuha ko ang cellphone ko na nasa side table lang sa tabi ng kama ko.
21 missed calls .... from Mina Jane
Nagtataka siguro yun kung bakit hanggang ngayon wala parin ako sa school. Hindi naman kasi talaga ko nalelate sa klase lalo na kung hindi importante yung reason.
Naligo na ako agad at pagkatapos ay bumababa na para kumain ng breakfast.
Wala si mommy ngayon dahil hinatid niya si Aj sa school kaya ang tahimik ng bahay.
Umupo lang ako sa salas at nanuod ng TV. Nakabihis na ako at nakaayos, hinihintay ko nalang ang oras. Balak ko kasing pumasok sa afternoon class nalang, tutal late narin naman ako. Mag dadahilan nalang ako na sumama pakiramdam ko.
10:30 ....
11:00 .....
11:30 ......
11:45 .....
11:45 na, kaya napag isipan ko ng umalis. Lunch time na kasi niyan kaya sigurado naglalabasan na ang mga estudyante sa school. 1pm pa ang klase ko, siguro nasa 20 minutes ang biyahe papunta sa school lalo na pag ganitong oras. Kaya tama lang na umalis na ko.
— SCHOOL
Nandito na ko sa school dahil hindi pa naman oras umupo muna ako dito sa may bench sa may garden ng school.
"Hi miss? Can i sit here?"
Napatingin ako dun sa nagsalita. Tumango lang ako sa tanong niya.
"Alex right?"
Hindi ako nagsalita, hindi naman kasi ako si Alex. Pero mukhang naghihintay siya ng sagot ko.
"Ang bilis mo naman yata makalimot haha Do i need to introduce my self again?"
Napatingin ako sa lalaking nasa tabi ko para malaman kung kilala ko ba siya.
"Sorry, ikaw pala yan." I told him while looking at him ofcourse. It's him again, the guy, Ezkier James.
"Oh nag so-sorry ka nanaman" then he slightly laugh and smiled at me. "You know what, lagi ka nalang nag so-sorry kahit wala ka naman kasalanan."
"Wala e, ganito siguro talaga ako. Ako man yung tama o yung mali ako parin yung hihingi ng sorry." then i gave him a quick smile.
"Parang gusto tuloy kitang mas makilala pa." Then again he smiled at me. His smile was so innocent. I really don't know why is he like this to me.
Siya na ba lord? Parang ang bilis naman yata. Ayoko ng ma-fall nanaman at pagkatapos wala naman sasalo.💔
*bell rings* sign na magsisimula na ang second class at tapos na ang break time, o lunch break rather.
Hindi parin pala siya umalis sa tabi ko. Ng ring na yung bell pero di parin siya tumatayo so i decided na tumayo na at baka naman wala na siyang klase.
"Uhm, Ezkier right?"
"Yes?"
"Ano kasi may klase pa ko. Mauuna na ko ha?" then i gave him a smile.
Nagtaka lang ako kasi bigla na siyang tumayo at ngumiti din sakin. Yung ngiti na para bang excited siya.
"Tara sabay na tayo" ha? Sabay? kami?
"Ha?"
"Told you earlier, i want to know more about you. So here's the start." Again, his so innocent smile.
"Wala ka bang klase?"
Hindi niya sinagot yung tanong ko. Instead he reached for my hands and hold it, then we started walking as if he knows where my class is.
🌻🌻🌻🌻
ENJOY READING. Follow me on twitter @pbrealino_
Don't forget to Vote guys.😘
BINABASA MO ANG
A Promise of Forever
Подростковая литератураNaniniwala ka ba sa FOREVER? Eh, sa LIFETIME? Maraming nagsasabi na WALANG FOREVER. Madalas sa mga nagsasabi nito ay yung mga taong nasaktan, iniwan, bitter at mga nagbi-bitter bitteran. Mga gustong gumaya o sumabay sa uso. Pero ikaw, naniniwala ka...