Segundo

67 8 7
                                    

Dun ko na lamang muli siyang nakita, matapos ang halos sampung taon. Nagkataong wala ako sa mood ng mga oras na iyon hanggang sa mapansin kong may taong nakatitig sa akin ng mariin sa bandang gilid ko sa kaliwa habang ako'y naglalakad.

Tatlo, apat na segundo siyang nakatitig sa akin. Pinagmamasdang maiigi ang aking mukha at postura. Sa tingin ko'y nagaabang rin siya ng trycyle sa may kanto ng aming street.

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko, pakiramdam ko ay lalong lumiwanag ang umagang yun, agad akong natigil sa paglalakad ng makita kong siya pala iyon na wari gustong sabihin, "Kamusta? Matagal na rin nung huli tayong nagkita".

Childhood Crush Series: KARMA (Book 1) -OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon