Tadhana

35 6 5
                                    

Today is my last day of duty in Flammekeuche. Nakilala ko si Chef Fantine, siya ang Sous Chef ng restau. Nasaktong first day ko sa restau nung pumunta sya sa New York for family vacay. Three months syang nakaleave kaya last two months ko nalang sa internship ko ng magkasama kami. Sa lahat ng mga Chef ng Flammekeuche, sya ang naging pinakamalapit sakin. Tinutukan nya kong maiigi sa mga trainings ko sa hot kitchen. Sabi nya, ang totoong kusinera ay palaban, walang kinatatakutan at walang inuurungan. Hindi porket babae ay magpapatalo nalang at hihina hina. Sobrang nakakabilib si Chef Fantine, eight years na syang nasa industry. Three years naman syang engaged na sa boyfriend nyang Pastry Chef, si Chef Vincent. Everytime na inaapi ako nila Katnisse, sya ang nagtatanggol sakin, hindi nya rin kasi kasundo ang mga ito at talagang sa simula palang ay basa na ni Chef Fantine ang ugali ng mga ito. Si Chef Fantine din ang gumawa ng mga way para mapalitan ang impression sakin ni Chef Gusto. Siya ang nagsilbing way para malaman ni Chef Gusto kung gaano ako kadedicated at kapassionate sa career na tinatahak ko.

After kumain ng naging guest namin na mahilig sa Creamy Pesto, lagi na syang bumabalik sa Flammekeuche, twice a week sya kung bumalik. Laging si Ava ang gusto niyang maging server, tanging si Ava lang din kasi ang naglalakas loob na iderekta sakin ipaluto ang special Creamy Pesto na paborito na nito. Pero di tulad nung first time nya dito na nakita ko sya kahit nakatalikod dahil nung mga sumunod na pag dine in nya sa restau, sobrang busy na sa kitchen at mas dumami na ang areas na nakaassign sakin. Malalaman ko lang na nasa restau sya kapag sumilip na si Ava sa round window ng kitchen door at sumenyas ng "two thumbs up" matic na un, alam na.

_________________________
"Chef Fantine...ano napong gagawin natin. Twice napo niyang pinabalik yung pasta, gusto niya yung dating luto daw Chef." alalang alalang sabi ni Ava kay Chef Fantine kaharap ang lahat ng Chefs ng Flammekeuche na lahat din ay nagsisimula ng mamroblema.

"There's no other way but to ask Clair's help, version lang naman nya ng Pesto ang binabalikan dito ni Mr. Lismoto. Ava, can you contact Chef Clair, please favor lang kamo. I hope she'll come." command ni Chef Fantine kay Ava na halos nakahawak na sa noo na parang sumasakit na ang ulo at nasstress.

Buti nalang ay kakatapos lang ng klase ko nung tumawag sakin si Ava para papuntahin ako sa Flammekeuche. Parang maiiyak na si Ava habang pinapakiusapan akong pumunta munang saglit sa restau para lutuan lang ang guest namin ng favorite nyang Creamy Pesto. Sa isip isip ko habang nagdadrive na papunta sa restau, ano bang meron sa pasta na niluluto ko para balikan nya at makabisado nya talaga ang lasa, standard recipe lang naman ang sinusunod ko kapag niluluto yun at lahat kami sa restau yun lang din ang sinusunod?

Maya maya pa'y nakarating na ako sa Flammekeuche. Pagtapos ko ipark ang sasakyan ko sa harap ay dali dali nakong tumatakbo papasok, inisip ko kung gano na rin katagal naghihintay yung guest, nakakahiya na ng sobra sakanya. Nung pagbukas ng glass door sakin ni Kuya Jayme, biglang nagring ang phone ko. I was about to answer the call ng biglang may nakabangga ako.

"Aaaaaah!" tumalsik ako at napaupo dahil sa impact ng banggaan namin. Agad rin naman iniabot ng nakabangga sakin ang kamay niya para tulungan ako. Nung magkahawak ang mga kamay namin, bigla akong may naalala. Parehong pareho ng pakiramdam nung nadapa ako noon at tinulungang makatayo ni "Carlo". Nung itataas ko pa lang ang ulo ko habang papatayo na ay biglang lumabas sina Ava at iba pang servers.

"Nako po, Chef Intern anong nangyari??? Malilintikan pa kami nito kina Chef eh, sorry kakamadali mo nadapa ka pa. Halika Chef, tayo ka tulungan ka namin." alalang alalang sabi sakin ni Ava habang tinutulungan akong makatayo.

"Thank God you came my dear! Thank you sa effort and we're very sorry sa abala. Alam naming dapat focus ka na ngayon sa iba pang subjects mo pero eto, inabala kapa namin." tuwang tuwang salubong sakin ni Chef Fantine.

Childhood Crush Series: KARMA (Book 1) -OngoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon