After ng muli naming pagkikita ni Carlo dahil sa aksidente, di na naiwasang masundan pa ito. Nalaman niyang ang dating tinitirhan namin sa Las Piñas ay isang street lamang ang layo mula sa street ng bahay nila at bahay ni Nanay Aya, di niya maiwasang sabihin na ang liit ng mundo para samin kung bakit ngayon lang kami nagkatagpo.
Kinailangan ng magstay ni Uncle Johny sa Hawaii para sa business niya at isa pa hindi ko na rin mapapalampas pang muli na may manamantala sa mga gamit namin sa bahay para nakawan kaya nagpasya akong dito na muna tumira kasama si Manang Elsa pati na rin ni Marj. Dahil dito, mas lalo kaming naging close ni Carlo. Every morning, dumadaan muna sya sa tapat ng bahay namin para batiin lang ako ng Good morning na lagi niya rin sinasakto sa oras na paalis nako papunta sa work.
"So..bati na ba kayo ni boyfriend? I'm sure may explanation na siya sa naging behavior nya sayo last time kaya better if kausapin mo na siya Chefy." biglang isiningit ni Carlo habang nasa isang coffee shop kami.
"I don't know and wala pa rin ako sa mood na kausapin siya. Bigla nalang siyang nagbago, para kong aso na dapat nakatali at sakal na sakal sa mga rules nya. Yah, mas matanda sya sakin and boyfriend ko rin sya, I know na ginaguide nya lang ako but this time, I don't think na kasama pato sa pag-guide niya sakin sa relationship namin." naguguluhan at malungkot na sagot ko kay Carlo.
"I understand, pero I'm hoping na magkaayos na kayo Chefy, kasi grabe na rin yung effect sayo sa business and work mo eh." pagaalala ni Carlo.
"Yah, sana nga. Eh kayo ni girlfriend mo? Okay ba kayo?" pagbaling ko naman kay Carlo.
"Ayun, same same. Lagi syang busy. Even a single message wala. Minsan naiisip ko kung talaga bang naiisip niya pa rin ako, parang wala na lang kasi sa kanya kahit di man lang nakakamusta yung araw ko. Chefy, wag nalang natin sya pagusapan." malungkot at halatang dismayadong sagot ni Carlo.
Ganito kami, nasanay ng sa isat isa nagsasabihan ng sama ng loob sa mga taong mahal namin. Minsan, di ko maiwasang isipin na kung kami siguro ang unang nagkita at nagkatagpo, malamang na magkakasundo kami at parehong masaya. Chefy ang tawag sakin ni Carlo, ako naman nasanay na Doc ang itawag sa kanya. Until now, hindi ko pa rin akalain na ganito na kami kaclose sa isat isa. Karamihan na ng mga problema at tungkol sa mga sarili namin unti unti ng nalalaman ng isat isa.
__________________
"Oh late na ah, anong meron bakit ka napadaan ng ganitong time??" gulat kong tanong kay Carlo pagbukas ko ng gate.
"Wala lang. Gu--sto ko lang sana..." malungkot na sagot sakin ni Carlo sabay niyakap ako ng mahigpit.
Nagulat ako sa ginawa niyang iyon, sabay naramdaman ko na umiiyak na si Carlo kasabay ng mahigpit na yakap sakin.
"Oh..you're crying?? What happened?? Nagaway nanaman kayo?? May di nanaman sya sinipot na usapan niyo??" pagaalala ko kay Carlo.
Maya maya'y bumitaw siya sa pagkakayakap sakin sabay umiiyak na nagpaliwanag.
"No. Hindi kami nagaway. Family issue. I don't know pero feeling ko magisa nalang talaga ko. Lahat sila wala, lahat sila malayo." umiiyak pa rin sagot ni Carlo sakin.
"Haaay.. That's life Doc, sabi nga nila you can't have everything, di totoong magisa ka lang. Nandito ko, kaharap mo and handang makinig sayo, okay? Here, punasan mo na luha mo, ang panget mo pag umiiyak ka." pangaasar ko sa kanya, habang iniabot ang isang panyo.
"Tinago mo?? Haha! Na sayo pa rin pala tong hanky nato. Wow! Can't believe kung gano katalino ni God para ngayon ikaw naman ang magbigay sakin nito." tuwang tuwa na ngayong sagot sakin ni Carlo.
Hindi niya akalain na ang panyo na binigay niya sakin nung umiiyak ako matapos sumemplang dahil sa pagbabike, ngayon ay na sakin pa.
"You know Doc! Ikain nalang natin to, Okay? Paglulutuan kita. Tara sa loob!" nakangiti kong pagaya sa kanya.
BINABASA MO ANG
Childhood Crush Series: KARMA (Book 1) -Ongoing
RomanceThank you for being an inspiration to me to do such thing like this. This is a story of a girl, a woman who did everything for her love, her childhood crush.