Na-total na ang bill ng mga pinamili kong damit at sapatos ng dumudukot nako sa bag ko kung nasan ang wallet ko, nakailang hanap na ako pero wala until ilabas ko ng lahat ang laman nito hanggang madiskubreng wala ang wallet ko. Nagprisinta na si Laura na siya na muna ang magbabayad ng bill at saka namin alamin at isipin kung panong nawala ang wallet ko.
"Feeling ko gurl, doon naiwan sa clinic nila Doc Carlo yung wallet mo, di ba remember nalaglag yung mga gamit mo kanina?" paghihinala ni Laura.
"Wh---what did you say gurl???? Doc Carlo?? Carlo????" laking gulat na tanong ko kay Laura.
"Hmm yes gurl, Doc Carlo, sya yung Dentist ko, nagadjust ng braces ko kanina. Why?? Is there something wrong?? Bakit gulat na gulat ka, and nanginginig ka??? What's wrong???" nagaalalang sagot ni Laura.
"Pe---pero narinig ko kanina na sinabi mong Doc Jam ang name ng Dentist mo???" nanginginig ng sagot ko kay Laura.
"Ah okeey...Yes si Doc Jam nga, Doc Jam Carlo Lismoto. People used to call him either Doc Jam or Doc Carlo. Bakit ba gurl?? Ano ba talagang nangyayaring di ko alam??? Nagwoworry na talaga ko ah" paglilinaw ni Laura.
"Okay gurl, may pictures kaba ng Doc Jam or Doc Carlo na yan, or---or can you describe him??? Taga LP na ba talaga siya? Saan dun???" mas lalo ko pang nanginginig na sagot kay Laura.
"Have no pictures of him pero I can describe him, matangkad siya gurl, I think nasa 5'8 to 5'10 yung height niya, maputi, nakasalamin, singkitin ang mata, magandang magsmile and laging simple lang manamit. Walang kaarte kaarteng manamit, always clean and properly groomed. Lumaki talaga siya sa LP, alam ko taga Pamplona Uno siya. I don't know the exact name of Village or Street pero ang alam ko Pamplona Uno sila nakatira. Wait, that's your hometown before kayo lumipat ng Parañaque di ba??? Oh my gosh!!! Please don't tell me...." pagdedetalye ni Laura na kalauna'y tila narealize na rin kung anong tumatakbo sa isip ko.
Maya maya ay biglang nagring ang cellphone ko, pagsagot ko ay boses ng isang babae, hinahanap ako dahil nasa kanya daw ang wallet kong nawawala. Tama ang hinala namin ni Laura, sa clinic nga nila "Carlo" naiwan ang wallet ko. Nilinaw niya na since taga Las Piñas lang din daw ako, baka may magdala nalang ng wallet ko sa address na nasa contact card ko sa loob nito. Agad naman akong nagpasalamat at humingi ng paumanhin sa abala na naidulot ko. Mga ilang minuto pa ang nakakaraan ng marealize kong mali ang address na pupuntahan ng magdadala, dahil matagal na kaming wala sa bahay namin sa Las Piñas. Nakailang ring ang number na tinatawagan ko pero walang sumasagot hanggang sa marealize kong until 8pm lang palang open ang Clinic kaya malamang na wala ng sasagot sa telephone. Kinabukasan ay dali dali akong umalis ng bahay para dumiretso na sa Las Piñas, naisip ko na abangan nalang ang magdadala ng wallet ko sa address namin sa Las Piñas. Natitira pa naman nakatira dito ang Uncle ko sa side ni Mommy at ilang mga katiwala dahil once a year din kaming umuuwi dito.
"Haaaaaay!! Ano ba naman to, ang aga aga traffic na kagad!!! Urrrghhh! Goshh!!!" wala pako sa area ng palabas ng Parañaque ay badtrip na badtrip na agad ako. Maya maya pa'y nakarating nako sa bahay namin sa Las Piñas. Mga nasa thirty minutes ko ng niriring ang doorbell pero wala pa rin lumalabas para pagbuksan ako ng gate. Hanggang sa kinausap ako ni Mrs. Lopez, nakatira sa katapat naming bahay. Kahit nagdalaga na nga talaga ako'y kilala niya pa rin ako.
"Uy Clair, bata ka ikaw pala yan. Kamusta na? Dalaga ka na talaga at
ang ganda gandang bata pa. Hinahanap mo ba mga tao jan? Ibinilin sakin ng Uncle Johny mo na may business trip sya sa Hawaii, yung kasambahay niyo namang si Maricel pinauwi muna ni Manang Elsa sa probinsya dahil namatay ang Lola, yung isa naman si Krisel ayun at ninakawan ang bahay niyo may mga kasabwat kaya't pinalayas nalang ng Uncle Johny mo. Si Manang Elsa naman, tuwing ganitong kaaga eh dinadalaw ang Nanay Aya mo, palagay ko nandun pa siya sa bahay ng Lola mo." pagdedetalye ni Mrs. Lopez. Isa sa pinagkakatiwalaan nila Mommy and Daddy si Mrs. Lopez dahil Ninang nila ito sa kasal at isa pa pangalawang ina na ang turing nila dito."Si Nanay Aya po nakauwi na? Kelan pa po?? Anyway, thank you po Mrs. pupunta nalang po ako kina Nanay Aya." sagot ko kay Mrs. Lopez.
Nagdecide akong iwan nalang muna ang sasakyan ko sa tapat ng bahay namin, magtatrycyle nalang ako papunta kina Nanay Aya ilang minuto lang naman ang itatagal. Naglalakad nako sa kalahating parte ng street namin ng may mapansing may lalaking nakatayo. Nakasalamin siya, simple lamang ang puting t-shirt at itim na pantalong suot niya.
Dun ko na lamang muli siyang nakita, matapos ang halos sampung taon. Nakita kong nakatitig siya sa akin ng mariin sa bandang gilid ko sa kaliwa habang ako'y naglalakad. Tatlo, apat na segundo siyang nakatitig sa akin. Pinagmamasdang maiigi ang aking mukha at postura. Sa tingin ko'y nagaabang rin siya ng trycyle sa may kanto ng aming street.
Bumilis bigla ang tibok ng puso ko, pakiramdam ko ay lalong lumiwanag ang umagang yun, agad akong natigil sa paglalakad ng makita kong siya pala iyon na wari gustong sabihin, "Kamusta? Matagal na rin nung huli tayong nagkita".
Hindi ko alam kung ano ang irereact. Gusto sanang umatras pabalik ng mga paa ko pero heto't pakiramdam ko'y nanigas na ako sa kinatatayuan ko. Lahat ng alaala ko sa kanya'y bumalik. Narealize ko rin ng mga oras na iyon na hindi pa rin nagbabago at kahit kelan, hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, parang sasabog ang dibdib ko sa lakas ng tibok. Lahat ng taon na sabik na sabik akong makita siya, ngayon ay heto na, nasa harapan ko na. Titig na titig siya sa akin, at napansing kong ibubuka na niya sana ang bibig niya para kausapin ako ng biglang magring ang phone ko.
"Hello, good morning Ms. Diza, this is Liah, receptionist po sa Lismoto Dental Clinic. Nakarating napo si "Doc Carlo" sa area niyo, siya po kasi actually ang unang nakapansin sa wallet niyo sa flooring, pinulot niya po and dapat daw ieendorse na sakin ng may mahulog pong picture. Ibabalik daw po sana niya nung mapansin na picture niya yun nung bata siya where umattend sila ng Tito at Tita niya sa isang birthday party. After nun Mam, bigla niyang sinabi na siya na daw ang bahala magsauli sa inyo." pagdedetalye ng receptionist sa clinic nila Carlo.
Pakiramdam ko'y lalo akong nanigas. Nanlalamig ang mga kamay ko, kung hindi ko lang napigilan ay malamang na nabitawan ko na ang cellphone ko. Pagkatapos namin magusap ng receptionist ay biglang nalipat ang tingin at atensyon ko kay Carlo.
Nakangiti siyang lumapit sa akin.
"You must be Clair. I'm Doctor Carlo Lismoto and I'm here to return this to you. I found it in our Dental Clinic, may picture pala tayo nung birthday mo? By the way, It's been a long time. How are you??" wagas na nakangiting pabirong approach sakin ni Carlo.
Nanginginig ang mga kamay kong nakipagkamay sakanya. Habang nagsasalita siya'y nakatitig lang kaming dalawa sa isa't isa. Hindi pa ko makapagsalita nung una hanggang sa...
"Di ka pa rin nagbabago, the first time na hinawakan ko kamay mo, nanginginig. Remember nung na out of balance ka nung nagbabike ka? Haha! Paiyak kana sana pero napigilan kasi nilapitan na kita, buti nalang. Ang tagal niyo na daw wala kina Nanay Aya. Gusto ko pa sana makipagkilala sayo nung time na yun kaso bigla ng dumating yung parents mo." ngiting ngiting sabi sakin ni Carlo.
"Ah---Ahh--Ah..Ye--yes I still rem--ember that. Th--at was a lo---ng time ago, per---o yah, I can st---ill remember that. Hin---ding hi--ndi ko maka---kalimutan yun." sobrang nauutal kong sagot kay Carlo habang magkahawak pa rin ang mga kamay namin.
"Clair I know this is unbelievable but I want you to know na matag..." biglang naudlot na sasabihin sana sakin ni Carlo ng biglang magring ang cellphone ko.
"Gurl!!! Kanina ka pa namin kinocontact pero busy yung number
mo. Pleease wag kang mabibigla, nagcrash yung eroplanong sinasakyan ni Chef Griffton pauwi sana dito sa Manila, minadali niyang makauwi dito para sa surprise birthday party namin sayo tomorrow. Pumunta ka na dito sa Hospital gurl, ikaw lang hinahanap niya." umiiyak na paginform sakin ni Laura.Bigla akong napabitaw sa mga kamay ni Carlo,patakbo ng sumakay sa sasakyan ko at dali daling pinaharurot ang sasakyan paalis. Walang ibang nasa isip ko na ng mga oras na iyon kundi si "Griffton".
BINABASA MO ANG
Childhood Crush Series: KARMA (Book 1) -Ongoing
RomanceThank you for being an inspiration to me to do such thing like this. This is a story of a girl, a woman who did everything for her love, her childhood crush.