At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay ng
kanyang mukha, muli niyang ipinamalas ang mga nagtatagong kagandahan sa aralin
naming sa Panitikan. Ang karikatn ng katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy
anuman ang kulay ng buhay.
At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa
pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging isang
manggagamot din balang araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang
araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At
naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon
ay naunawaan ko ang lahat.
end
ang kwentong ito ay isinulat ni Genoveva Edroza-Matute
na aking kinopya para sa aking assigment.....