LOL four

51 17 4
                                    

FOUR (Realization)

"Oo nga.." napangiti sya "teka bakit nakangiti ka? Wag mong sabihing may gusto kana kay Jeremy?"

Namula sya at iniba ang direksyon ng tingin. Napatahimik ako habang nakatitig sa kanya.

Mukhang tama yata ang hinala ko..

Pagkalipas ng ilang minuto tumingin sya sakin.

"Oo gusto ko na sya Trisha" nagulat parin ako kahit inaasahan ko na iyon ang isasagot nya.

Dapat matuwa ako diba? kasi finally may gusto na sya kay Jeremy .. pero bakit ang bigat sa pakiramdam. Parang biglang nawalan ako ng lakas.

-

Nasa cafeteria kami ngayon ni Jema at kumakain ng lunch kakatapos lang ng klase namin.

"Trisha may sasabihin ako "

"Anu un? "

"Kagabi hindi ako nakatulog ng maayos may iniisip ako."

"Ano naman?"

"Narealize ko na may nararamdaman na ako para sa kanya"

"What do you mean?" Confuse kong sabi

"Mahal ko na sya Trisha. Mahal ko na si Jeremy."

"Ano?!" Napalakas kong sagot kung kaya lahat ng tao sa cafeteria napatingin sa direction namin.

"Psst! Lower your voice Trisha masyado ka naman yata nagulat. " natatawa nyang sabi. Hindi parin ako makapaniwala.

"Seryoso katalaga? P-paano mo naman nasabi? K-kaylan pa? Nakakabigla.." naguguluhan ako.

"Hindi ko alam kung kaylan nagsimula at Bakit pero isang araw nami-miss ko ung presence nya simula ng hindi ko sya nakikita, hanggang sa nalaman ko mahal ko na pala sya" nakangiting sabi ni Jema. Ramdam kong totoo ang sunasabi nya at nakikita ko iyon sa mga mata nya.

"Masaya ako para sayo Jema" pilit akong ngumiti.

"Thanks!"

"Naisip mo naba na ipagtapat kay Jeremy ang nararamdaman mo?"

"Oo, sasabihin ko Trisha. Kahit ako pa ang gumawa ng paraan para makita sya. Ako naman ang hahabol sa kanya" full of confident niyang sabi.

"Wish you luck. Tara magta-time na baka malate tayo sa next class natin" tumayo na ko at nauna nang lumabas narinig ko pa syang tinawag ako pero nag-act akong walang narinig.

-

Love or Lost (LOL) [On-going]Where stories live. Discover now