LOL three

66 18 2
                                    

THREE (Confused)

Jema's POV

Napapansin ko hindi ko na masyadong nakikita si Jeremy hindi nya na ko kinukulit tulad ng dati.

Nakakapanibago bakit kaya?

-
Nag aayos ako sa restroom ng may dalawang babaing pumasok hindi nila ako napansin dahil busy sila sa pag-uusap.

Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng bigla akong napatigil.

Ang lakas ng boses nila kaya di maiwasang marinig ko ang kanilang pinag-uusapan.

"Girl balita na sa buong campus na may bagong nililigawan si Jeremy" -Girl1

Jeremy ba ang pinag-uusapan nila? Wait, may bagong nililigawan? Kaya pala di ko na siya nakikita these past few days may bago na palang pinopormahan. Tsk!

"Ang suwerte naman ng girl. Sana ako nalang haha " -Girl2

Sino kaya ung girl? Hmm. Dahil curious ako nag stay lang ako at nagpanggap na nag- aayos pa.

"Ambisyosa ka Friend wag ka nga haha.. di yan mangyayari kasi mukhang nagkakamabutihan na sila at take note mukhang may gusto rin ung girl sa kanya" -Girl1

"Naku friend hindi na ko magugulat dun sa gwapo ba naman ni Jeremy"

"Oo nga. Siguro nagsawa na si Jeremy kakahabol kay Jema. Kilala mo ba kung sino bago nyang nililigawan? " -Girl2

"Hindi pero sabi sa nasagap kong balita. Ang pangalan daw nung babae ay Trisha at ayon sa nasagap ko ung girl daw ay bestfriend ni Jema. " -Girl1

"Grabe naman-- "

Hindi natapos magsalita ng isa dahil sumulpot ako sa kanilang harapan. Nagulat sila.

"Anong sabi nyo si Trisha? Sure ba kayo sa pinagsasabi nyo? "

Silent

Nagtinginan sila at nanlaki ang mata na animoy nagtuturuan kung sino ang magsasalita.

"H-hi... J-jema.. hehe.."

-_-

"Hmm.. U-una na k-kami may klase pa kami.. Friend t-tara na.."

"Wait!"

"B-bye"

Umalis sila at napatulala nalang ako sa pintuan na ngayon ay nakasara na.

What the! Tsk. Makaalis na nga din

Naglalakad na ko sa corridor.
Halong halong emosyon ang nararamdaman ko. Nawalan ako ng ganang pumasok sa next class ko.

Bakit wala manlang sinabi si Trisha tungkol dito anu pat magkaibigan kami. Kailangan pa ba nasa iba ko pa malaman.

**

Trisha's POV

Late akong nagising kaya hindi ako nakapasok sa first class namin. Tinapos ko na kasi ung search paper ko, hindi pa naman ngayon ang submission next week pa pero dahil sinisipag ako tinapos ko na, mas maganda kasi matapos ang mga gawain days before submission.

Hindi ko nakita si Jema ngayong araw sabi ng mga classmate ko pumasok naman daw sya sa first class namin kanina. Bakit kaya nag aalala ako kanina pa ako tumatawag sa kanya hindi naman nya sinagot last kong called out of coverage naman. Anu kaya nangyari don?

**

Last class ko na, kanina pa ko tingin ng tingin sa wrist watch ko ang tagal naman mag-time. Balak ko kasing pumunta sa bahay nila Jema.

Krrrgg! Krrrgg! (Tunog ng bell)

Yes! Dali dali kong inayos mga gamit ko at nagmamadaling lumabas.

*Phone vibrate*

Palabas na ko ng gate ng mag vibrate ang phone ko pagtingin ko si Jema pala.

Jema /Trisha we need to talk, meet me at Sweety's Resturant I'll be waiting./

Paglabas ko ng gate pumara agad ako ng taxi.

Medyo natrapik pa ko kasi may dalawang sasakyan na nagbanggaan hindi ko na ikukuwento kung bakit kasi nagkasundo naman sila agad.

Mabilis lang naman ang biyahe papunta sa resturant na sinasabi ni Jema. Pagkabayad ko sa driver bumaba na ako.

Pagkapasok ko nakita ko sya agad
Lumapit ako at umupo. Mag kaharap kami.

"Jema bakit di ka pumasok? First class lang pinasukan mo. Tinatawagan kita pero nakapatay naman phone mo. " bungad kong tanong sa kanya

Napatingin sya sakin at napabuntong hininga. Uminom sya ng juice at nagsalita.

"Totoo ba na nililigawan ka ni Jeremy?"

"Huh?"

"Bakit di mo manlang sinabi sa akin? May gusto kaba kay Jeremy?"

"Ano bang sinasabi mo Jema? San mo naman nalaman yan?"

"Magkaibigan tayo Trisha bakit wala ka manlang nasabi sakin. Sa iba ko pa nalaman.."

"Wait! I get it."

"What?"

"Mali nasagap mong balita"

"So hindi totoo na nililigawan ka ni Jeremy"

"Oo."

"Totoong totoo?"

"Oo nga.. teka bakit nakangiti ka? Wag mong sabihing may gusto kana kay Jeremy? " -Ako

Love or Lost (LOL) [On-going]Where stories live. Discover now