LOL two

55 18 7
                                    

TWO (Truth Hurts)

Jeremy's POV

Nakaupo ako ngayon sa favorite spot ko sa garden. Napag isipan ko na dito nalang magpratice para sa gig namin ng banda mamaya.

Sometimes love just ain't enough ang kakantahin ko

Sa bawat pagkanta ko sya ang nasa isip ko. Walang duda mahal ko talaga sya sana dumating ang araw na mahalin nya rin ako.

Habang kumakanta na se-sense ko parang may nakatingin sakin nilibot ng mata ko ang paligid wala naman akong nakita.

Hayy! Siguro gutom lang to

Tumayo na ko at naglakad nakita ko si Trisha na tumatakbo mukhang galing din sya sa garden.

Kilala ko si Trisha. Siya ang kaisa isang bestfriend ni Jema.

Napalingon si Trisha sa direction ko nagulat siya. Nginitian ko sya, natawa ako sa naging reaction nya.

Kinabukasan..

Nasa library ako ngayon naghahanap ng iba pang references na maaari kong idagdag sa gingawa kong research ito ay project ko sa isa kong subject.

Nakakita ako ng dalawang books na maaaring mapagkuhanan ng iba pang info. while scanning the book I saw a girl na pilit inaabot ang isang book na nakalagay sa taas.

Kinuha ko un at binigay sa kanya. Napatingin sya sakin

"T-thanks" nauutal nyang sabi

"Welcome" sabi ko at ngumiti

Nginitian din nya ko pabalik. Napatingin ako sa hawak nyang mga books

"Ang dami books ah. Para saan yan?" Pag tatanong ko.

"Para sa research kong ginagawa " sagot nya

"Project nyo din ba yan kay Maam Bertud?"

"Oo. Panu mo nalaman? "

"Actually same here " sabay pakita ko ng mga books na dala ko

"Ah. "

Nilibot ng paningin ko ang paligid baka nandito rin si Jema pero mukhang di nya yata kasama.

"Hindi ko kasama si Jema nauna syang umuwi" bigla nyang sabi

Nagulat ako.

"Pfft kanina ka pa kasi tingin ng tingin sa likod ko "

Nahalata nya pala un! napakamot nalang ako sa batok sa hiya

"Sige una na ko " sabi nya

Tamango nalang ako bilang sagot

Ngayon ko lang nakausap si Trisha pero ang gaan na agad ng loob ko

**

Nagpapractice ako kasama mga kabanda ko dito sa practice room namin.

"Paring Eli! Nagugutom na ko bili ka ng pagkain " sabi ni Paul.ang Lead gitarist ng banda

"Grabe ka paring Paul! sa gandang lalaki kong to inuutusan mo lang?! " sabi ni Eli, ang bass guitarist ng banda

"Wala kang maloloko dito pre! Wag kang umasa masasaktan ka lang" sabat ni Glen ang drummer ng banda

"Woooh! Basag ka pre? Okey lang yan dikit ka kasi sakin minsan para mahawaan ka naman ng Gwapo kong pagmumukha" pang aasar ni Jiro ang pianolist at guitarist ng banda

Love or Lost (LOL) [On-going]Where stories live. Discover now