LOL five

46 18 5
                                    

FIVE (Confession)

Sa mga dumaan na araw naging busy ako, school at bahay lang ako. Hindi na kami nakakapag bonding ni Jema at hindi ko na rin nakikita si Jeremy.

May sakit kasi ang Lola kaya tuwing uwian nagmamadali na akong umuwi para mapainom sya ng gamot.

Isang araw habang naglalakad ako sa corridor nagmamadali na ako dahil may inutos pa ang adviser namin sa akin kaya medyo late na ko uuwi.

Nagtataka ako dahil ang daming tao sa daan tila may pinagkakaguluhan. Dahil sa curiousity tinignan ko.

Nakita ng dalawang mata ko ang mga pangyayari.

Sana hindi ko nalang tinignan edi sana hindi ako nasasaktan.

Nandoon sila Jeremy at Jema.

"Ano ba Jeremy! Ilang araw na kitang inaabangan sa classroom at pati sa practice room nyo pero hindi mo ko hinaharap... iniiwasan mo ba ako?" Sabi ni Jema sa malakas at pahinang boses.

Si Jeremy naman ay nakatalikod sa kanya, hahakbang na dapat para maglakad ng marinig nya si Jema na humikbi.

"Harapin mo naman ako, mag-usap tayo..pls? Kahit ngayon lang" sabi ni jema sa nagsusumamong tono. Agad namang napaharap sa kanya si Jeremy.

"Ano pa bang sasabihin mo Jema? Pagod na ko.. pagod na kong mabaliwala, bigyan mo naman ako ng oras para kalimutan ka." Ramdam ko ang sakit sa mga salita ni Jeremy. Si Jema naman ay parang napatulala sa mga narinig niya at mapayuko nalang.

Tatalikod na sana ulit si Jeremy ng biglang nagsalita si Jema.

"Mahal kita.." nanlaki ang mata ni Jeremy na tinignan si Jema, tila hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Lumakas naman ang bulungan ng mga taong nakikiusyoso.

"A--anong sabi mo?" Tanong ni jeremy

"Sabi ko mahal kita! Mahal na kita Jeremy!! Mahal na mahal" Sigaw ni Jema at naglakad patungo kay Jeremy at niyakap ito.

Gusto kong umalis at tumakbo pero parang napako yata ang mga paa ko at di makakilos.

Rinig na rinig ko ang mga taong nagsisigawan at kinikilig sa kanilang nasasaksihan.

Kitang kita ko rin sa harapan ko mismo, ang saya sa mukha ni Jeremy habang yakap yakap si Jema ng mahigpit biglang napatingin sa direksyon ko si Jeremy at nagtama ang mga mata namin.

Nginitian nya ako at pilit ko naman syang ginantihan ng ngiti.

Pagngiti ko sya namang bagsak ng luha ko, agad akong tumalikod at tumakbo paalis habang pinupunasan ang mga luhang nag-uunahang bumagsak.

-

Binalak kong umiwas pero mahirap, magkaklase lang kami ni Jema pero dahil hindi kami magka-seatmate bihira lang kami mag-usap.

Tuwing time na ng reccess or lunch maging uwian isa ako sa unang lumalabas ng room dahil gusto kong umiwas. Lagi nga akong tinitext ni Jema kung nasaan daw ba ako, sasabay ba akong kumain at umuwi sa kanila. Dahil gusto ko muna silang iwasan nagdadahilan nalang ako na may gagawing importante at nauna na.

Alam kong napapansin na din nila na umiiwas ako.

-

Habang naglalakad ako galing sa faculty ng teacher namin dahil may pinahabilin sya na gawain, as president ng klase kaylangan ko namang ipaalam sa mga classmate ko, pagliko ko patungo sa classroom namin nakasalubong ko si Jeremy.

Nagmadali akong naglakad at nagpanggap na hindi siya nakita pero nahawakan niya ang wrist ko.

Napatingin ako sa kanya at seryoso naman siyang nakatingin sakin.

"Iniiwasan mo ba kami Trisha?" Seryoso niyang sabi, hindi ako sumagot.

"May problema ba Trisha? Kung may problema ka nandito lang naman kami ni Jema handa kang tulungan at damayan" sabi pa nito sa na puno ng pag-aalala.

"Wala akong problema, madami lang talagang kaylangan gawin." Pagsisinungaling ko

"Magkaiba ang busy sa umiiwas Jema" sagot naman nya.

"Kilalang kilala na kita alam kong nagsisinungaling ka lang." Alam mo rin ba ang nararamdaman ko? Sayo?

"Hindi mo alam.." mahina kong sabi.

"Sabihin mo para maintindihan ka namin, maintindihan kita" napabuntong hininga nalang ako ng malalim.

"Gusto mo talagang malaman?" Agad naman siyang tumango.

To be continued..

Love or Lost (LOL) [On-going]Where stories live. Discover now