Dear Crush 05

592 50 11
                                    

Chapter 5

Dear Crush,

7/7 na and it's your first ever television appearance.

Nakapila na ako para pumasok sa studio kung saan ka nandun. Ang style kasi nung appearance mo, i-interviewhin ka muna tapos magpeperform ka sa stage. Just like ASAP or It's Showtime or whatsoever.

I don't know kung may fans ka na agad kasi di ko alam kung surprise ba yung pagiging artista mo o ano. Ako nga rin eh. Nasurprise.

Dahil sa supportive talaga akong... Masakit mang sabihin pero... Dahil sa fan mo nga ako, todo prepare ako kasi makikita kita. Nagdala pa ako ng banner.

At sa wakas, nakapasok na rin ako nung venue. Haaay. Tiis-tiis din pag may time. Ganyan magmahal eh.

Nag-antay pa ako ng ilang oras. Inagahan ko kasi para maka-upo dun sa mas komportable na seat.

***********

"So, anong pinagkakaabalahan mo ngayon?" Sabi nung interviewer.

Jusme. Ako yung kinakabahan para sayo. Eh kasi, nakakatense yung first question. Sa big screen ka lang namin nakikita ngayon. Nasa loob kasi yung interview room.

"I usually play basketball. Also, I'm working hard for my upcoming project." Sabi mo.

Pang celebrity na talaga yung level mo crush.

"Oh, may project ka na pala. What is it?" Sabi nung interviewer.

"Hindi pa po namin yun sasabihin in public sa ngayon. Maybe next week, malalaman niyo po yun."

Habang sumasagot ka, panay ang ngiti mo. Ang gwapo mo!

"So you studied high school here in the Philippines, right?"

"Yes. I studied here from pre-school to high school."

"The rest, dun sa States?"

"Yes."

"I know this is personal but nagkaroon ka ba ng love life dati?"

You smiled. OMO! Yung smile mo crush! Aaaaah! Pang 1 million mo na siguro yun! Nakakatunaw!

"Yes. I actually have an ex-girlfriend."

Ano ba kasi ang nangyari sa inyo ni Kisha? Ba't kayo naghiwalay? You were perfect. Mahal mo siya, mahal ka niya. So anong problema dun?

"Ah.. But do you have a girlfriend?" Sabi nung interviewer.

Napalingon nalang ako sa mga tao sa paligid ko. They're all hoping na sana wala ka ngang girlfriend. At ikaw naman, matagal pa bago ka nakapagsalita. Ano to? Pa thrill?

"No, I don't have one."

Nakita ko yung malalapad na ngiti ng mga tao dito sa studio, na wala lang kumpara nitong sa'kin. Kahit na alam ko na.

"Oh I see.. So, are you ready?"

Tumango ka.

"Yeah, yeah. Sure." Sabi mo.

"It was a nice meeting you Mr. Dela Rosa."

Feel ko papunta ka na dito sa stage. Aaaaah! Makikita na kita! Pero teka... Ba't parang fangirl na ako kung kumilos? S-siguro yun yung totoo. Na simula ngayon, fangirl mo na ako at ikaw yung idol ko. Tama! Idol na kita simula ngayon at ako yung fangirl mo!

Sa wakas at lumabas ka na rin galing sa stage. Ang akala kong ako lang ang sisigaw ng malakas.. Akala ko lang pala talaga. May mga fans ka na agad. Ang daming nagri-raise ng mga cartolina na for sure, ngayon pa lang ginawa.

Haaaay. Tindi mo talaga. Now I know, confirmed na talaga na fangirl mo lang ako.

Nagsisigawan kami ng mga fans mo habang sumasayaw ka dun sa stage. Ang cool mong sumayaw! Parang member ng G-Force!

Jusko! May isang natanggal yung pustiso kakasigaw tapos yung isa naman tumuntong na talaga sa upuan dahil sa height problems para makita ka lang.

Napa-iling nalang ako. From a campus heartthrob, to a TV heartthrob. Naks! Laki ng nilevel-up. Di na talaga kita ma-reach!

At natapos na din yung sayaw mo. Lumabas na yung mga hosts sabay sabing ang dami mo ng fans kahit bago ka pa lang sa showbiz.

Sinabi mo namang hindi mo kami fans kaya natigilan kami..

"They're my family." Sabi mo kaya nagsigawan na naman ulit kami.

Napaka-humble mo pa rin. Haaay. Mr. Perfect ka na talaga!

Biglang nagsalita ang mga hosts na pumick-up ng isang fan dito sa studio at papupuntahin dun sa harap kasama ka.

Oh-oh... Nagtama ang mga mata natin.

Dito nalang muna. 12:00 PM na oh. Sige, para may thrill naman kahit sa diary lang. Jusme. Pasensya na.

Loving as always,

Just your fan

Dear Crush | Ong SeongwooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon