Dear Crush 03

625 52 3
                                    

Dear Crush,

Nagstart na akong magtally ng days para sa start ng pagiging artista mo. And it's now day 2/7. Haaay.

I'm the CEO of our company now. I'm not that busy kasi di naman masyadong strict si daddy so para na rin lang akong walang trabaho na gala lang ng gala. But I give importance to my job also.

Magpapasama sana ako kay Elisa pero wala eh. Busy daw. So, no choice ako. I'll go to the mall all by myself.

Ayun na nga, nagpagala-gala nalang ako kung saan-saan dito sa mall. Nagsawa ako kaya umupo nalang muna ako roon sa bench na kaharap sa may Snowpy.

Naalala ko nung nagutom ako tsaka bigla nalang tumunog yung tiyan ko kaya binilhan mo ko ng ice cream. Kahit na lalo lang sasakit yung tiyan ko pag kakain ako nun, kinain ko kasi galing sayo eh. Di rin adik noh? Sensya na.

Matapos ang pag-eemo ko, tatayo na sana ako pero may biglang kumuha ng atensyon ko. Isang lalaking naka-checkerd. Bumili siya ng ice cream. Medyo pamilyar pero parang di ko na matandaan.

Sinensor ko yung lalaki at BOOM!

.

.

.

.

.

Nagtama ang mga mata natin.

Ikaw pala yun. Ikaw pala yung lalaking yun. Medyo lumaki yung likod mo kaya di kita napansin agad. Built na rin yung muscles mo. Tsaka ang perfect ng hugis ng katawan mo.

The last thing I knew, nasa harapan na kita.

"Erin! Ikaw na ba yan?"

You mentioned my name. Halos kinapos ako ng hininga nun pero nakontrol ko naman agad. Mga ilang taon ko na rin pinagpa-practisang kontrolin yung sarili ko. Ang tagal noh? Ganun katagal akong nag-effort para sayo at para sa sarili ko.

Tumango naman ako. I can't speak out even a single word. Parang napipi ako dahil sa pagkagulat na nakikita kita ulit ngayon.

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi mo sabay subo nung ice cream.

You sat beside me. Shemays! Parang natunaw yung mga buto ko! Jusme!

"Gala-gala," sabi ko.

Sobrang saya ko lang talaga ngayon. Ewan ko ba. Pero yung sayang yun, hindi umabot sa puntong 100% na talaga. Siguro mga 99.9% lang. Taray, ano yun? Safeguard lang? Eh kasi, may girlfriend ka na at ayokong manggulo sa relasyon niyo noh.

"Ang bitin mo naman magsalita. Gumanda lang eh."

O.O

D-did you say g-ganda?

Pero Erin, iba ang GUMANDA KA sa ANG GANDA MO. =_____=

Ay oo nga naman. Ang tongo ko.

"Gumanda talaga? Di ba yun in born?" Aba ang kapal ko! Sa'n yun nanggaling?

Jusme! Baka iba ang iisipin mo sa'kin.

I was shocked because you smiled.

"So ano? Sama ka sa'kin?"

O.O

Waaaaaah! Niyaya mo kong sumama sayo! Ayan ka na naman ha! Pinapaasa mo na naman ako! Naku Caleb, ewan ko nalang pag pinaasa mo na naman ako ulit.

"Sige ba!" Sabi ko.

Kaya ayun, sumama ako sayo. Nagkwentuhan tayo. Pero ang pinagtataka ko lang, ba't hindi mo nimention si Kisha.

"Nga pala, kamusta na kayo ni Kisha?"

Natahimik ka. Anong problema?

"Matagal na kaming wala."

Natigilan ako nun noh. Hindi ako makapaniwalang wala na kayo. Eh nung nagkita kami ni Kisha, I always thought that everything is fine.

Nagpro-process pa yung utak ko kung ano ang ire-respond ko.

"K-kailan pa?" I stuttered.

Tumingin ka sa taas. Yung parang nag-iisip.

"One week after ng graduation."

Nacu-curious talaga ako kung ano ang nangyari eh.

"Bakit?"

You looked at me. Eye to eye tayo ngayon.

"Hindi daw niya kaya ang LDR."

I really can't believe na madali lang kayong gumive-up. Kahit na si Kisha yung nakipaghiwalay, it doesn't mean na siya yung bumitaw. Sabihin na nating, siya yung unang bumitaw pero crush, ba't di mo pinaglaban ang relationship ninyo?

"Tulala ka diyan" ginulo mo yung buhok ko.

Sinabi ko sayong wala lang. Naniwala ka naman siguro dun.

Siguro dito nalang muna siguro ako. Gabi na eh. Matutulog na ako. Bukas na yung continuation.

Love,

Your admirer

Dear Crush | Ong SeongwooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon