Dear Crush 04

588 42 0
                                    

Chapter 4

Dear Crush,

Haaay. So ayun na nga, nag-open ako ng topic tungkol dun sa pagiging artista mo. Nagulat ka kung bakit ko alam ang tungkol dun.

Sinabi mo sa'kin na nagkaroon kayo ng short film dun sa States tapos nagkataon na Filipino Director pala yung nanonood sa inyo kaya ayun, kinuha ka since artistahin ka nga. Edi ikaw na!

Hindi ko namalayan na ginabi na pala tayo kauusap. Nagpaalam ka na sa'kin kasi hinahanap ka na ng manager mo. Kapag artista nga naman, may curfew. Haaay. So ayun, umuwi ka na at di na ako nagpahatid.

Wala naman akong number mo kasi ipinagbabawal ng manager mo yung pagce-cellphone sa ngayon para sa privacy mo. Naiintindihan naman kita kaya di na ako nangulit. Ewan ko nalang kung kailan pa ulit tayo magkikita. Bahala na si tadhana.

*********************

Tumingin ako sa tally ko.

6/7 na.

Haaay. Magiging artista ka na crush. Mapapansin mo pa kaya ako? High ka na nga dati, mas ha-high ka pa ngayon. Jusme. Pa'no na ako niyan?

Araw-araw, pumupunta ako sa kaparehong mall kung saan tayo nagkita noon. Hoping na pupunta ka rin dun pero wala eh.. Walang Caleb ang nandun.

Kaya ngayon, papunta na naman ako sa mall na yun. Sana pumunta ka. Sana..

Umupo na ako dun sa bench malapit sa snowpy.

Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko. Kaya napalingon ako.

^_^

Napangiti nalang ako. Di ako nagkamali nang pagpunta dito. Ikaw crush! Nasa harap kita!

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong mo sabay upo sa tabi ko.

Nilagay mo yung kamay mo sa likod ng leeg mo at nakanumber four ka pa.

"Nagpapalamig lang." Lies.

Ang saya ko talaga at nakita kita! Shems!

"Sama ka?" Sabi mo kaya naman tumayo na ako agad.

"Tara!" Sabi ko.

May naisipan na kasi akong pwede nating puntahan kaya hinila na kita. Di ka na nagreact.

"Sa'n tayo pupunta?" Sabi mo.

Sinabi kong secret kaya di ka na nagsalita.

Dinala kita sa world of sweets. Balita ko kasi, mahilig ka sa mga matatamis. At mahilig ka rin magbake.

"Oh anong ginagawa natin dito?" Sabi mo. Umaakto kang ayaw mo pero klarong klaro sa mga mata mo na naeexcite ka.

"Gagawa tapos kakain." Sagot ko naman.

Umiling ka. Shemays. Ang cute mo talaga

"If I know, paborito mong kumain ng mga ganito." Sabi ko sayo.

"Bawal daw yan sabi ni Manager. Baka magkadiabetes--- sige na nga. Ikaw talaga." Sabi mo.

Tignan mo to. Aayaw tapos gusto rin naman pala. Ang labo mo crush!

Kaya ayun na nga, nagdecorate na tayo ng mga desserts, especially the cakes. Epic yung ginawa mo. Wala kang pake sa hitsura nung sayo as long as madami ang makakain mong matatamis. Haaaay.

Nagbatuhan tayo ng flour. Sapul mo ako sa bungo, de joke lang.. Sa ulo ko. Pero yun na ata ang pinakakilig na nangyari sa tanang buhay ko. Jusme!

"I'm sorry, Erin! Ok ka lang ba? Hindi ko sinasadya! Masakit ba? I'm sorry talaga." Sabi mo sabay himas nung mukha kung puro flour.

May maliliit na particles na tumama sa mata ko pero hindi naman masakit.

Unti-unti akong kumuha ng isang kamay na flour. Tapos...

*pook*

Nilagyan kita sa noo sabay takbo. Hinabol mo ko. Nagtakbuhan tayo. Jusme! Ang saya ko talaga!

Pero sabi nga nila...

WALANG FOREVER.

Kaya ayun, tinawagan ka nung manager mo. Haaaay. Ba't ganun? Yung tipong enjoy na enjoy mo na yung moment pero may eeksena. Kailan kaya ako dadating sa puntong walang eepal sa'min? Siguro hindi ako aabot nun. Imposible. Tapos bukas, magiging artista na siya. Ewan ko lang kung anong mangyayari. Haaaay.

But at least, the day went great crush.

Still loving,

Your admirer

Dear Crush | Ong SeongwooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon