Dear Crush 10

530 49 0
                                    

Chapter 10

Dear Crush,

I thought that all of these were just my imagination. I never thought that this will happen. You see, you're just my dream. A dream that will never come true. But look at this now, you're confessing that you also love me. Seryoso?

Natapos na ang break time.

"Magkwento ka na dali!" Sabi ko.

Excited na talaga kasi ako eh. At isa pa, gusto pa kitang makasama ng matagal kaya magkwento ka na muna.

"Hahaha wag kang masyadong excited. Di ko pa nga nauubos tong burger eh." Sabi mo sabay subo nung burger.

Ay oo nga pala. Ako lang pala yung tapos kumain. Ang dami mo na kasing kinain eh. Tapos sabi mo pa sa'kin, ganti mo lang yun sa napakahabang panahon mong balanced diet. Shems! Kahit kumain ka pa ng napakarami hanggang sa tumaba ka, tanggap pa rin kita! Mabuti na siguro yun para wala na akong kaagaw. Hihihi. Selfish na naman po ako.

Hinintay muna kitang ubusin yung burger mo. Jusme. Ang cute mo talaga!

(After 20 minutes of waiting)

"Tapos ka na?" Sabi ko.

Tinaasan mo lang ako ng kilay. Haaay. Parang gold ata yang boses mo ah. Magsasalita ka lang kung kinakailangan.

"So ayun na nga... After nung graduation, I flew all the way to the States. Alam ni Kisha na may nararamdaman pa rin ako sayo. She broke up with me, not because of long distance relationship, she broke up with me because she knew that I liked you pretty much and I was not yet over you."

"I'm sorry." Sabi ko.

"Wala kang dapat ika sorry. It's my fault. Eh kasi nakipagbalikan ako sa kanya kahit na alam kong hindi tama kasi masasaktan ko lang siya. Wala kang kasalanan dun. But it's all in the past." Sabi mo.

I flashed a smile.

Kung panaginip po sana to, wag niyo nalang po akong gisingin! Ghaaaad!

"Anong nangyari sayo dun sa States? Bakit di ka nagpaparamdam?" I opened up a topic.

Di kasi ako sanay sa mga awkward scenes eh. Nakakailang.

"Sa campus kasi namin dun, kakaiba sa mga normal schools. Sa loob ng school, may city. Bawal ang gadgets dun. And to tell you honestly, I was locked there when I was studying college. I spent my college life na nasa isang lugar lang. Good thing, may surprise screening. Kaya ayun, ako yung natanggap."

Ang cool pala noh! Pero nakakasawa ring dun ka lang sa loob palagi. Imagine, mga ilang years ka nakalock dun sa school na yun? Buti't nakasurvive ka dun.

Iba kasi ang system ng pag-aaral dun sa labas compared to the system here in the Philippines. Mas madali kang gra-graduate at makakahanap ng trabaho dun.

"Ah.. Teka, ba't ka tumakas? Papagalitan ka ng manager mo sa ginagawa mong yan eh." Sabi ko.

Ang gusto ko sanang sabihin, "bakit pag may camerang nakatutok, di mo ko kilala?" Pero di ko nalang yun tinuloy. Ayoko nun. Masyadong di pormal.

"Nasanay na akong pinapagalitan." Sabi mo.

Huh? Hala!

"Bakit naman?"

"Palagi kasi akong tumatakas at pumupunta dun sa mall para makita ka."

O.O

Aaaaaah! Kalma na tong puso ko kanina eh! Mini heart attack na naman ako ngayon. Huhuhu. Ang tindi mo magpakilig crush. Pati yung pusa na tumawid, napaihi. Jusme.

"Sorry nga pala ah."

Anong sorry?

"Para sa'n?"

"Para dun sa inakto ko nung first appearance ko sa TV. Takot ko lang kay manager. Baka kung ano yung gagawin niya sayo eh. Alam kasi ni manager na may gusto ako sayo. Di kasi niya muna ako gustong ma-involve sa love life para sa career ko."

Awe. I really can't believe this. Pang ilan ko na inulit tong sentence na to? Eh basta. I really can't believe this!

Ngumisi ako. Ginulo mo yung buhok ko. Kitang inosente tong buhok ko, dinadamay mo pa. Huhu. -,-

"Oh by the way, here.. Take this."

May binigay ka sa'kin.

O.O

Aaaaah! Ano to?!

Hehehe pabitin ba? Sorry, matutulog na ulit ako.

Ang babaeng di makapaniwalang nangyayari to,

Erin

Dear Crush | Ong SeongwooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon