Chapter 7:

2.6K 81 1
                                    

NAKASUNOD ng tingin ang apat na magkakaibigan sa direksyong kanina pa tinititigan ni Lirika. At habang lumalalim ang gabi ay lalong nadadagdagan ang enerhiya nito na kanina lamang pagpasok nila ng resto ay halos masaid dahil sa maya't mayang reklamo ng ingay at pagkahilo.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ni Wenna na napasulyap na naman sa suot na relo. "Pasado alas dose na, ah?"

"Inaantok na nga ako," wika ni Jazzy na napahikab pa.

"Sino ba kasing hinihintay natin dito?" pag-uulit ni Ellen na kung bibilangin sa kanyang daliri ay anim na beses na niyang naitanong. Wala nga lang siyang makuhang sagot maliban sa salitang 'BASTA' at 'SANDALI NA LANG'.

"Basta. Sandali na lang!"

Nagkatinginan ang apat. Iba na talaga ang nararamdaman nila. Baka nagkaroon na ng epekto dito ang ilang araw na subsob sa review.

"Lirika, umayos ka nga!" asik ni Ave na hindi na napigil ang inis. Humarang ito sa unahan ng kaibigan at nameywang, "Sino ba talaga ang hinihintay natin? Hindi naman siguro si Superman o Batman, 'no?"

"Tiyak na uugatan ang mga paa natin dito kung sila man," yamot na saad ni Jazzy.

"Okay! Para lang matigil kayo, sasabihin ko na. Surprise sana, kaso ang kulit ninyo!"

"Sabihin mo na," apura ni Ellen. "Ang dami mo pang adlib!"

Hinarap ni Lirika ang mga kasama, "Hinihintay ko si Nathan."

"Sino 'yun?" sabay-sabay na tanong ng apat. Minsan lang kasi sa kabilugan ng buwan kung magbanggit ng pangalan ng lalake ang kaibigan nila.

"Si Nathaniel Liemberto."

"Hindi naman siguro 'yung vocalist ng Boyz2Love ang tinutukoy mo?"

"Siya mismo! Mahabang kuwento kung paano kami nagkita at nagkakilala, but we're close." Idinikit pa nito ang dalawang daliri bilang demonstrasyon sa kanyang naging pahayag, "Super close!"

"Umuwi na nga tayo!" asik ni Wenna. "Nasisiraan na 'to ng bait! Kanina may pasigaw-sigaw pang I LOVE MUSIC, tapos ngayon ay si Fafalicious Nathaniel naman ang pinagtripan!"

"Mukha ba akong nagsisinungaling?"

"Hindi!" Taas-kilay ni Ave, "Mukha ka lang minamalarya na may kasamang tigdas at pagtatae. Gan'un kakumplikado ang sinasabi mo."

Ibubuka pa sana ni Lirika ang bibig nang makita nito ang paglabas ng kanina pa niya hinihintay, "Nathan!"

Napatigil naman ang binata maging ang mga ka-banda nito na nakaabay sa kanya.

"Kilala mo, 'tol?"

Inaninag muna ni Nathan sa malamlam na liwanag ang babaing tumawag at nakangiting kumakaway sa kanya.

"Baka fan lang. Halika na!"

Itinulos sa kinatatayuan ang binata. Biglang nawala ang antok at pagod na nararamdaman nito.

"Magkakilala ba talaga kayo?" paninigurong tanong ni Ave.

"Close kami n'yan," magiliw na tugon ni Lirika. At aktong hahakbang sana ito para salubungin ang binata nang may umiksena sa pagitan nila.

"Hi, honey!"

Hindi na nakakilos si Nathan. At sa bilis ng pangyayari ay hindi na niya ito napigilan maging ang paghalik sa kanya ni Alicia.

Pakiramdam naman ni Lirika nang mga oras na 'yun ay binuhusan siya ng malamig na tubig. At hindi na niya hinintay na mag-yelo, mabilis na itong tumakbo palayo.

----

HINDI malaman nina Dina at Gustin kung ano ang gagawin sa humahagulhol na anak. Maging sina Eldrew at Popey ay nagtuturuan para aluhin ang kanilang kapatid.

AWIT NG PAG-IBIG (Book 3: Rancho de Apollo) by: Lorna TulisanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon