Chapter 3 - She

8 0 0
                                    

Hi. I'm Jiana Carly Eirella. My friends call me Iana (Yana) so if we're not friends, then you're only allowed to call me Carly or if you're studying here in SA, you better call me Pres, got it?

I don't like speaking and I was just forced by the weird author to have this POV and it's absolutely annoying to death. Tsk.

Anyway, nasa SC hall kami atm. Today is a very uneventful day dahil wala naman ang mga teacher namin ngayon. Alam na naman kasi namin yung mga tinuturo nila so mas okay na kung di sila pupunta.

Ayaw ko rin naman ng maingay kaya mas okay na yung kami lang ang nandito. Atleast konti lang ang nag--

"HOY JOHAAAAANNIOOOO! IBALIK MO SABI 'YANG NOTEBOOK KO EH! YOU CRAZY MONKEY! UGHHH! I HATE YOU!"

"HAHAHA! NO WAY, CHANELLEON! WHEN YOU'RE READY COME AND GET IT NANANANA NANANANA."

--iingay. Hindi ko naman sinabi na tahimik na dito totally, kaya nga sabi ko konti lang aight? Utak please. Ugh.

Nag-aaway na naman kasi sila Chanelle and Johann eh. Para silang mga ewan dahil araw-araw naman eh ganyan sila. Sanay na nga kami eh kaya dedma nalang.

Sila kaya, di pa ba sila nagsasawa?

"Hayy. Nagsimula na naman silang dalawa. Ay oo nga pala, food is ready!" sigaw naman ni Jessica kaya napatingin kami sa kanya.

She's an amazing cook, I tell you. Hindi lang ako expressive pero gustong-gusto ko talaga yung mga food na hinahanda niya.

"Ayooos! Nagugutom na ako ehhh! Thank you, Jessi--." naputol ang pagkuha ni Raze nang bigla siyang hinampas ni Jess ng plato sa mukha. Ouch, that hurts.

"Hep hep! Tumigil ka nga dyan, Raze! PG ka talaga! Si Iana muna ang dapat tumikim ng niluto ko 'no since siya naman ang inspiration ko kaya heto Iana oh, tikman mo na. Hihi." mahabang litanya ni Jess sabay abot sa'kin nung oreo cheesecake na binake niya.

Tinikman ko naman ito at oh my word! This tastes delicious! Sa sobrang sarap nito ay nanlaki ang mga mata ko pero agad naman akong bumalik sa aking dakilang poker face nang mapansin kong lahat sila ay nakatingin sa'kin.

"Soooo? How's the taste?" excited na tanong ni Jess.

"Great." cold na sagot ko naman.

Napailing na lamang ako nang magtitili si Jess na para bang nanalo sa lotto. Gusto ko sanang sabihin na kumalma siya kaso baka isipin niya na masyado akong nag-aalala sakanya.

Ayaw 'kong ipakita sa kanya na concerned ako kasi.. kasi basta! Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman ninyo kung bakit.

Tsk. Mananahimik na nga lang ako at kakain. Para hindi nila mahalata na masyado akong nasasarapan sa cake ay pinili kong magbasa ng libro upang bumagal ako sa pagkain.

"Carls, d'you want me to help you? I mean, baka nahihirapan kang kumain while reading so gusto mo bang subuan nalang kita?" alok ni Troy sa'kin.

"Hoy Troy, galawang breezy ka din eh! Baby Ianny, gusto mong ako nalang magbasa out loud sayo niyan while you're eating?" suggestion naman ni Johann.

Nagtinginan sila ng masama. Psh. Ano bang trip nila?

"No thanks." sabi ko nalang sa kanila parehas then nagpatuloy na ako sa pagbabasa.

Kakatapos lang naming magmeryenda nang may marinig kaming announcement.

"Attention to all SC officers, please proceed to the blue room. Thank you."

"Attention to all SC officers, please proceed to the blue room. Thank you."

Blue room. Iyan ang meeting room dito sa SC. Si President ang nandyan. Hindi SC President ha? Wag kang slow. Anyway, green room naman yung kay Principal which is nasa building sa left side ng school. May tatlo kasing building dito eh. Para sa mga freshies and juniors yung nasa right then sophos and seniors sa left. Oks na? Ge.

So ayun nga, pinapatawag nga kami and since wala naman kaming choice eh pumunta nalang kami doon.

- BLUE ROOM -

*knock knock*

"Come in!" masiglang bati ni Mr. Sy (President)

Pagkasabi niya nun ay pumasok na kami dahil alangan namang lumabas kami eh come IN nga tsaka nasa labas pa nga lang kami di ba? Hindi din naman kami nagtatago. Psh. What am I saying? Ugh. Nevermind.

"Hey Dad, 'sup?" pambungad na tanong ni Nile pagkapasok.

"Sit down everyone. I have to tell you something really really important." sabi ulit ni Mr. Sy kaya umupo nalang kami.

"O-kay? So what's that really really important matter, Sir?" tanong naman ni Chanelle. Nagmamadali? May pakad ata siya eh.

"Okay, here it is. So as we all know, Sports Week is going to happen in a few months time and in line with that, I just remembered something yesterday."  pambibitin ni Mr. Sy

"And that is what, Dad?" iritableng nang tanong ni Ash. May lakad din ata siya.

"The basketball team's reward." masiglang sabi na naman ni Mr. Sy

"So anong kinalaman namin dyan, Sir?" tanong naman ni Raze. Ang dami talagang paligoy-ligoy nito ni Mr. Sy.

"Here's what I want to give to them as a reward, I want them to stay here in SA Hall for a week and let them experience its perks. Of course, hindi naman lahat sila ay makakasama. Just the mythical five and the Captain ball. The rest, ililibre nalang daw ni Coach since nabigyan ko na naman siya ng pera. Sounds fun, right?" explain ni Mr. Sy

"SERIOUSLY?!" sabay-sabay na tanong nung tatlong babae na may ibat-ibang tone.

Si Chanelle, parang naiirita.

Si Ash, parang kinikilig na ewan.

Si Jessica, parang nagulat lang na ewan.

Sina Nile, Johann at Troy napasmirk lang. Tch. Ano kayang iniisip ng mga 'to?

Well, kung ako and Raze naman, wala. We just simply don't care.

"*ehem* Is that okay with you, Carly?" parang kinakabahan na tanong niya sa'kin. Pati ata siya ay takot sa'kin eh. Tsk.

Tumango nalang ako as a response since kawawa naman si Mr. Sy na pinagpapawisan na habang hinihintay yung sagot ko. May AC naman dito kaya bakit siya pinagpapawisan? Weird.

"Well, kung okay kay Baby Iany ko, okay lang din po sa'min." sabi ni Johann na ikinasama ng tingin ni Troy. Naunahan ata siya nitong magsabi.

Napangiti naman ng abot-langit si Mr. Sy sa narinig niya at pinalabas na kami pero bago namin masara ang pinto ay sumigaw pa siya ng, "Be good to them, okay? Kausapin niyo sila at wag aawayin!"

Be good at wag silang awayin? That's easy.

Pero yung kausapin? Nah.

Even the SC, matagal bago 'ko kinausap ng matino or should I say, well.. nakausap talaga kasi nga I'm not fond of speaking and I don't let other people enter my life easily.

Breaking my walls won't be that easy.

He Who Fell HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon