Chapter 2 - He

21 0 0
                                    

Three days na ang nakakalipas matapos nung eksena ng SC sa field pero usap-usapan pa din sila ng mga estudyante.

Maski ako ay hindi iyon makalimutan dahil until now, di pa din ako makapaniwalang kinausap ako ni Pres.

I mean, alam ko naman na kilala niya ako since ako nga ang Captain ball ng basketball team pero never in my entire stay dito sa SA na kinausap niya ako.

Oo nga pala, baka iniisip niyong ang OA ko ha, bihira lang kasi silang magpakita as in sa personal kaya talagang hindi mabilis makapagmove on ang mga estudyante dito sa tuwing nagkakaroon sila ng appearance at bihira nga lang magsalita si Pres kaya wag kayong malisyoso!

Usually kasi ay sa tv lang sa canteen at sa lobby namin sila nakikita or naririnig sa speakers sa school kapag mayroon silang announcement.

Makikita lang kasi sila  sa personal kung mayroon silang paparusahan, kung may event o kung nag-iikot sila upang i-check kung may nangyayaring kalokohan dito sa school which is bihira lang din naman mangyari dahil marami nga ang takot sa kanila.

Hindi din naman kasi namin sila madalas makasalamuha dahil may sarili silang klase at building na nasa gitna ng academy at ang mga myembro nito ay pinipili ng mga board of trustees ng paaralan. During the entrance exam sila pinipili at binabase ito sa skills and intelligence ng mga students maging sa rank ng family nila sa society. Four years na mamumuno ang mga napiling members nito. Maswerte ang kung sinumang mapipili na mapasama rito dahil sobrang daming benefits ng mga myembro nito.

They have the freedom to do whatever they want to do. Sila ay hinahayaang gawin ang kahit na anong parusa ang gusto nilang gawin sa mga estudyanteng lumalabag sa batas ng paaralan. Kung hindi daw kasi sila gagamit ng dahas, baka walang sumunod at rumespeto sa kanila. They are also allowed to break the rules if the reason behind it is to teach the students a lesson. Aside from that, sobrang ganda daw ng building nila at makikita dito mga bagay na talagang "to die for." Choice na din nila kung gusto nilang pumasok o hindi.

Dahil nasimulan ko na namang magkwento tungkol sa kanila at wala pa naman ang aming guro ay lulubos-lubosin ko na. Wala kasi akong magawa eh tsaka nakakahanga talaga ang myembro ng SC kaya they're worth sharing.

I don't actually envy them dahil I already got my fair share of spotlight. In fact, I really admire them dahil nama-maintain nila ang kaayusan dito sa school though medyo harsh talaga sila minsan.

Bago pala 'yon ay ipapaalam ko muna ang pangalan ng paaralan namin, ang Stardust Academy. Oh na-amaze ba kayo? Haha. Hindi ito magical school, okay? Trip lang daw iyon ng presidente ng school dahil paborito niya ang movie na 'yon. Ang school namin ay sikat na school for the elites pero hindi naman ibig sabihin nun eh mayabang na ang mga estudyante dito. Mababait naman kami. Hehe.

Teka, sisimulan ko na pala ang pagkkwento tungkol sa mga myembro ng Student Council. I'll start sa lowest position para mas exciting.

Johann Browman, 16, Male Public Relations Officer, pinakamabait at ang pinaka-palakaibigan sa mga myembro ng SC.

Chanelle Cortez, 15, Female Public Relations Officer, the daughter of SA's owner, ang pinaka-hyper sa SC, palakaibigan din siya ngunit sa mga babae lamang. Manhater ata siya eh.

Nile Austin Sy, 16, Peace Officer, pinakamainitin ang ulo. Nakakapagtaka na tagapangalaga siya ng peace pero maikli ang temper niya, madalas mapaaway sa labas ng paaralan at overprotective sa kanyang kakambal. Ang weird lang. Haha.

Ashley Sy, 16, Peace Officer, kakambal ni Nile, maingay at parang laging nakalunok ng megaphone, brat, maarte at may pagka-flirt.

Raze Chavez, 16, Treasurer, ang pinakamabait sa SC, tahimik pero matulungin naman sa kapwa. Siya ang pinakamahaba ang pasensya sa kanila.

Jessica Villania, 15, Secretary, a major fashionista who is famous for being a great theatre performer. Siya ang bestfriend ng president na mukhang bukod tanging nakakakita ng tunay na personality nito.

Troy Princeton, 16, Vice President, maangas at magaling DAW sa lahat ng sports. Hindi ko pa kasi siya nakikitang magbasketball kaya hindi ko pa masasabi na magling siya sa lahat ng sports. Maikli rin ang kanyang pasensya katulad ni Nile pero hindi mahilig magsimula ng gulo. He's willing to do anything for the president since she's his first love.

And last but definitely not the least...

Jiana Carly Eirella, 15, President, cold-hearted, beautiful, brave, lady of few words, top student of SA, the daughter of the owner of the world's richest and largest company, a martial arts expert, a very talented girl,  and well,

she's undeniably perfect.

Truth is, I find her interesting. Ayan na, inamin ko na! Pero I won't say na I love her already or whatsoever dahil hindi pa naman ganoon kalalim ang pagkakakilala ko sa kanya dahil she built walls around her to protect herself from people pero she's someone who really caught my attention.

And I'd do anything just to break her walls.

He Who Fell HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon