Chapter 1 - He

82 0 0
                                    

"Guys! Tara sa baba! May pinaparusahan na naman daw ang SC!" sigaw ni Marshi, ang dakilang google ng klase, alam nya kasi lahat ng bagay-bagay. Lol.

"Tara mga pre! Mukhang exciting na naman ang mga pangyayari sa baba!" yaya naman sa'min ni Robi De Guzman, isa sa mga kabarkada ko. Siya ang pinaka-madaldal sa barkada at pinaka-hyper.

Dahil sa curiosity eh sumunod nga kami sa kanya, di kami chismoso ha! Sadyang masaya lang talagang manuod ng mga ganito. Kakaiba kasi ang mga myembro ng SC eh lalo na yung president namin, kababaeng tao parang walang kinakatakutan.

Ay! Nga pala, ako nga pala si Josiah Earl Concepcion, Jec for short, 16. Ang Captain ball ng basketball team dito sa SA. Tsaka ko na sasabihin ang meaning ng SA, baka kasi ma-amaze kayo masyado eh.

Pasensya na nga pala kung late nakapagpakilala, masyado kasi akong nafocus sa pagbabalita ng kaganapan dito sa school eh. Haha.

"Hoy Jec! Bilisan mo nga! Kupad mo boy! Pag tayo walang naabutan, lagot ka sa'kin!" sita ni Zeke Davis na nagpabalik sa'kin sa realidad. Siya naman ang pinakamalakas mang-asar sa'min. Para siyang walang pasaning problema sa mundo dahil palagi siyang masaya.

"Tss. Di 'yan! Tara na nga! Babagal nyo! Hahaha!" asar ko sa kanila.

Inunahan ko na kasi sila eh. Hah! Sino nang makupad ngayon ha?

Nag-asaran pa kami hanggang sa makarating na sa baba. Pagdating namin dun kahit na maraming tao eh chill pa din kaming naglakad hanggang sa makarating sa unahan. Kusa kasing nahawi yung mga tao pagkakita sa'min eh. Medyo sikat kasi kami dito. May narinig pa nga akong mga nagbubulungan na kesyo ang gagwapo daw namin at kung ano-ano pang papuri. Tsk. Maliit na bagay! Yabang ko dre! Hahaha!

"ANO HINDI PA RIN BA KAYO HIHINGI NG TAWAD?!" sigaw ni Troy, siya ang SC vice president.

Nakita ko naman sa tabi nya si Pres na nakatayo lang kasama ng isang babae na umiiyak ngunit galit na nakatingin doon sa dalawang lalaking sinisigawan ngayon nina Nile at Troy na puro na sugat ang katawan at putok na ang labi. Sa likod naman nila ay ang iba pang myembro ng council.

Mukhang kanina pa sila pinag-iinitan ng SC ah. Hindi pa ba sila nadadala? Ang dalawang iyon ay kilalang mga bully dito sa SA at sila ay mga myembro din ng basketball team. Patay 'tong dalawang 'to sa'kin mamaya. Maybe 200 laps will be enough to stop their stupid acts.

Ano na naman kayang ginawa nila this time?

Narinig ko naman si Robi na tinanong yung katabi nyang babae kung anong nangyari. Nabasa niya ata yung nasa utak ko eh.

Lahat kami ay napatingin dun sa babae kaya bigla siyang namula at napaatras.

Huminga muna siya ng malalim na tila pinapakalma ang sarili. Masyado ata siyang nagwapuhan sa'min. Haha.

"A-ah. E-eh kasi kanina ay nakarinig kami ng impit na sigaw ng isang babae mula sa rooftop. Yun pala eh tinali siya nung dalawang lalaki sa isang upuan at niloloko na ilalaglag siya ng mga ito. Sakto namang dumating sila Nile kaya ayan at pinarusahan sila." kwento naman nung babae.

Tumango-tango naman kami na ibig sabihin ay naiintindihan na namin ang nangyari.

"Thank you, miss. May reward ka sa'kin later." sabi naman ni Seth Lazaro at kinindatan pa yung babae. Kahit kailan talaga ay napakalandi nito! Siya ay kilalang cassanova dito sa paaralan at kahit kailan ay hindi ko tutularan ang kalandian niya!

Binatukan naman siya ni Hanz Manuel at sinigawan na ang landi niya kaya napatawa nalang kaming barkada. Si Hanz ang pinaka-matured sa barkada at pinakamasipag mag-aral sa amin.

Ngumisi naman si Wayne Thompson na katabi niya. Siya naman ang pinakatahimik sa grupo na parang wala laging pakialam sa mundo.

"Tsk! Bat kami hihingi ng tawad dyan? Tama lang naman yung ginawa naming pagtali sa kanya sa upuan dahil masyado syang maarte! Rinding-rindi na kami sa kanya kaya ayan lang ang nararapat sa kanya!" singhal nung isang lalaki na si Lucas, kaya lalong napaiyak yung babae, pinakalma naman siya ni Chanelle.

"ABA! ANG TIGAS MO PA DIN HA!" Diniinan na naman ni Nile ang pagkakahatak niya sa kamay ni Lucas na nilagay niya sa likod nito.

"AAAAAAH! TAMA NA!" sigaw naman nito pero mukhang wala pa din itong balak na humingi ng tawad. Hayy. Ang taas din ng pride nito eh.

Diniinan pa nila Troy at Nile ang pagkakahawak dun sa dalawa na mukhang ayaw talagang sumuko. Nakita ko namang may binulong si Jessica kay Pres na nagpailing dito at napatingin sa kanyang relo.

"Troy" malamig na tawag ni Pres. Lahat kami ay halos napatindig ang balahibo kahit na isang salita lang naman ang sinabi niya. Nakakatakot talaga to si Pres eh. Bigla siyang lumapit dun sa dalawang lalaki.

Lagot! Bihira lang makisali si Pres sa pagpaparusa kaya alam ng lahat na once na mangialam siya, may kalalagyan ka talaga.

"Tayo." sabi ni Pres. Agad namang tumayo yung dalawa na nanginginig na ngayon sa takot. Parang kanina lang, ang lalakas pa ng loob ng mga 'to ah. Ibang klase!

Pagkatayo nila ay hinawakan sila pareho ni Pres at inangat mula sa lupa. Lahat kami ay nagulat sa kanya. Sa balingkinitan niyang katawan ay nagawa niyang buhatin ang dalawang lalaki na medyo malaki ang katawan. Gangster ba 'tong president namin?

"Hihingi kayo ng tawad o ihahagis ko kayo papunta doon sa puno na iyon?" banta niya. Napatingin naman kami doon sa puno na tinuro niya na medyo malayo sa kinatatayuan namin. Kung akala niyo ay nagbibiro siya, pwes nagkakamali kayo dahil never ko pa atang narinig na nagbiro siya.

"S-so--sorry. H-hindi na n-namin uulitin." sabay nilang sabi. Pinatagal pa eh, magsosorry din pala. Tsk.

Napangisi naman si Pres dun pagkatapos ay inihagis pa din ang dalawa duon sa may puno. Grabe! Paano niya nagawa yun?! Nawalan ng malay ang dalawa at lahat naman kami ay napanganga sa ginawa niya.

Nagpagpag siya ng damit at naglakad na palayo kasunod ng ibang mga myembro ng SC na nakangisi lang at tila sanay na sa mga ganoong eksena. Akala ko'y aalis na sila pero biglang nagsalita si Raze.

"Show's over, people."

Pagkasabi nya non ay para namang mga ewan ang mga estudyante na mabilis na nagsibalikan sa kanilang mga klase. Aalis na din dapat kami nang may biglang tumawag sa'kin.

"Concepcion, take charge." sabi ni Pres na nakatingin dun sa dalawang lalaki at tuluyan na ngang naglakad paalis.

Did she really talk to me?

He Who Fell HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon