"Mga anak,okay na ba kayo,naku eto talagang Daddy mo,nagabala pa,puntahan natin siya sa Tokyo tokyo. Nagtaka ang magandang magkapatid at hindi napigilang magtanong," Mommy,bakit ganun? biglang nagyaya si Dad eh hindi ba busy siya sa work?" "Oo nga eh,pagsang ayon niya sa mga anak." Hindi ko din alam mga anak,alam mo naman ung Dad niyo,bigla na lang yayayain tayong manood ng sine,gusto niyo ba yun?" nakangiti niyang tanong sa mga bata." Opo! Mommy! Yehey! Nagtatalon ang dalawa habang siya ay nahihiwagaan. Sabay sabay na nagdasal ang mag iina bago umalis gamit ang isang sasakyan nila. Ng nakarating sila sa nasabing restaurant,nakangiting sumalubong si Jojo sa kanila. "Mare,salamat naman at nakapunta ka. Di mo makokontak si Nick,ang daming ginagawa sa work nun,kakakita lang namin kanina." "Ah,ganun ba?" tipid niyang sagot. "Asan ba siya ngayon,bakit wala dito? pagatataka niya. "Ah,oo puntahan natin dun sa office,dun un babad sa computer." Sumunod ang magiina sa taong akala nila mapagkakatiwalaan nila.
Nagtataka si Bella bakit nagiiba ang direksyon ng sasakyan ni Jojo,hindi niya napigilang magtanong,"Pare,saan ba tayo pupunta? Bakit sa damuhan mo na kami dinadala?"
Medyo galit ng sagot ni Jojo,"Mare! Relax! Wala kong gagawin sa inyo,kelangan niyo lang magbayad sa atraso ng asawa mo sa akin. Kilala mo naman ako iba ako magalit!" Niyapos niya ang magiina at natakot sa sinabi ni Jojo. "Sana dun na lang kami sa sasakyan namin sumakay,hindi ka na nagabala pa." nagpapakatapang niyang sambit. "Mare,wag ka magalala,mageenjoy kayo sa takot,ayaw mo nun,sabay sabay kayong magiina mamamatay dahil sa asawa mo,hahahahaha!" ma ala demonyo niyang banta sa tatlo.
BINABASA MO ANG
I love the way You Lie.
غموض / إثارةSi Nick at Bella ay mag asawang hinahangaan ng marami dahil sa angkin nilang magandang mga katangian. Mahal na mahal ni Bella si NIck pati na ang mga anak nila na sina Miley at Ariana. Ang akala ni Bella si Nick na ang pinakamasasabi niyang mabuting...