Pito

21 1 0
                                    


/ almost 20 mins ago /



Di ko parin mahanap yung coffee booth na sinasabi ni best. Inuuto ata ako nun eh! Haaays.



Tapos na yung nakakaboring na kanta ni Kystler .. Mabuti nalang at hindi umulan.



Spell bitter?



K-H-R-I-S-L-Y-N



"What the --!" Nagulat ako nung may humigit saakin



Kainis naman kasi >.< napundi ba yung ilaw dito at laging dim ang light?!



Di ko tuloy makita kung sino tong hinayupk na bigla nalang nanghihila.



(Sorry for the term. Broken hearted lang.)



"Hey!" Sabi ko


"Just dance."


"A-anong just dance? Wow ha?! "


"Haha! It was still you Lyn. Di ka parin nagbabago. "


"Ano ba! Bitawan mo nga ako. I don't even know you."


"Shh! "



Sino ba kasi to?



Biglang namatay yung ilaw.


-__- dim na nga, namatay pa. Grabe sila mag tipid ah!



Napahawak ako ng mahigpit sa lalaking nanghigit saakin.



"Don't be afraid. Im here."



Sino ba siya?!


Kung makapagsalita siya akala mo kilalang kilala niya ako.



"Sino ka ba? "



♪We had the right love♪


♪At the wrong time♪



Nagkailaw sa gitna.


Ngayon ko lang napansin na nakabilog pala kami sa dalawang couple ngayon na tinututukan ng spot light.



Ang sarap tingnan nung couple na nasa gitna. Kung hindi lang ako bitter, masasabi ko sigurong sila na ang magpapatunay na may Forever.



♪Guess I always knew inside ♪


♪I wouldn't have you for a long time♪



Kilala ko yung boses na kumakanta. Production number na pala ni Best.



♪Those dreams of yours♪


♪Are shining on distant shore♪



Nagsimula na kaming mag sayaw. Sabay sabay ang ikot naming mga babae. Parang praktisado.



Di ko maiwasang mapagawi ang tingin sa couple na nasa gitna. Naiinggit ako, Oo. Bakit parang ang bilis?! Bakit mag fiance na sila agad?!



"Lyn!"


"Hmm? " inangat ko ang tingin ko sa kanya


T-teka? "Kaiszer? "


"Haha! I thought di mo na ako kilala."


"Teka! Ikaw ba talaga yan?! "


"Alam kong ang laki ng igwinapo ko. I can't blame you kung di ko na ako makilala. Haha! "


Sinapok ko siya sa braso


"Ganun ka parin. Mahangin."



♪And if they're calling you away♪


♪I have no right to make you stay♪



Napayuko ako ulit.


Tandang tanda ko, pagka alis niya noon. Etong kanta ang madalas kong marinig. Maybe kasi, umaasa akong para kami sa isat isa at balang araw magtatagpo ulit ang mga landas namin. Pero tingnan mo naman, nung nagkita kami ipinamukha saakin na hindi talaga ako ang babaeng para sakanya.



♪But somewhere down the road♪


♪Our roads are gonna cross again♪



"Hey! Is there something wrong? "


Umiling ako pero nakayuko parin. Pinapakita ko lang na ang hina ko talaga. Kaya inangat ko ang tingin ko sakanya at ngumiti.



"W-wala. "


Magkamukha sila ni Kystler. Magkahawig talaga. Haha! Malamang, kambal sila eh!



♪It doesn't really matter when♪



"Sure ka? "


"Mm! "


"So?! How are you? May boyfriend kana? "


"Wala pa. "


"Seriously Lyn?! 20 years old kana NBSB ka parin?! Hahaha! "


"Oh! Anong nakakatuwa dun?! Im just waiting for the right guy. I trust God naman na meron siyang inilaan para saakin. Bakit ikaw? May girlfriend ka ba?! "



♪But somewhere down the road♪



"Haha! Oo naman noh. Gusto mo uwian kita ng gwapo?! Yung made in Newyork?! Haha! "


"Talaga lang ha?! Yung mukhang yan?! May girlfriend?! Isa pa, kahit wag na. Maraming nangangandarapa saakin di ko lang pinapansin. "



♪I know the hearts of yours♪



"Haha! Liars go to hell."


"I. Am. Not."


"Haha! Easy. Pero ito, isang tanong isang sagot."


napakunot yung noo ko sakanya



"Do you like Kystler?! "



Napantig yung tenga ko. Parang biglang lumakas yung tibok ng puso ko, what the --!



♪Will come to see♪



"A-ano?! "


"Napansin ko kasi kanina kapa tingin ng tingin sakanya."


Emeged! Ganun ba ako ka obvious?!


"Don't be malicious Kaiszer."


"Haha! Masyado kang guilty Lyn. Tingnan mo."


Ginawi ko yung tingin ko sa tinuro ni Ky.


Nakita ko si Kystler na nakatingin saamin ni Kaiszer. 'Bat naka tingin siya saamin?! And I don't know, parang ang sama ng tingin niya. Bakit?! May nagawa ba ako?!


"Kung nakakatunaw lang ang titigan, malamang tunaw na tayong dalawa. Hahaha! "


Luminga ako kay Ky.

"Ehem! I want to tell you something. "


Di ako umimik.


"Alam mo bang mahal ka ng kapatid ko?! "



♪That you belong to me♪



My eyes widen.


Ano raw?!


Why Can't it Be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon