Alden's POV
"Nahanap ko na po yung address ng sinasabi nyong Anita Perez. Nakatira na sya ngayon sa Cavite."
Umabsent muna ako dahil sa isang misyon. This mission is to find Meng. She's my childhood friend. She means a lot to me. Hindi lang dahil special sya sa'kin kundi dahil niligtas nya ang lola ko sa sunog nang magbakasyon kami sa lugar nila. May bahay-bakasyunan kasi kami at nagkataong kapitbahay namin sila.
Nagkaroon ng sunog at nailigtas nya ang lola ko. Simula nun, naging magkaibigan kami. Pero nagkalayo kami dahil kailangan na naming bumalik sa Manila. Ayaw naming iwanan ang isa't isa dahil naging malapit na kaming magkaibigan.
At dahil wala kaming magagawa...napilitan na lang akong iwan sya. Kahit na ayoko talaga. Since then, nawalan na kami ng komunikasyon. Wala na akong balita sa kanya. I tried to find her pero parang hindi talaga kami pinagtatagpo.
Nagbiyahe kami ng matagal bago namin nahanap ang bahay sa address.
"Is it the place?" I asked her while looking at the house in front of us.
"Opo. Ito nga yung tinutukoy sa address nya."
At lumapit kami sa may pinto para kumatok.
"Tao po! Tao po!" sabi ni Maine habang kinakatok yung pinto.
Agad naman kaming pinagbuksan at bumungad sa'min ang isang babaeng nasa mid 50-60.
Sya si Anita Perez. Ang care-taker ng bahay namin noon.
"Sino sila?"
"Ako po si Alden...apo ni Barbara. Hindi ba kayo si Anita Perez?"
Bahagya syang napaisip...
"Ahhh! Oo, ako nga. Ano bang kaiangan nyo?"
"May itatanong lang po sana kaming mahahalagang bagay sa inyo."
"Ganun ba? Sige,pasok muna kayo."
At pinapasok na nya kami.
***
"Pasensya na hijo pero simula nang umalis kami sa bahay ng lola mo, wala na kaming balita sa tinutukoy mong si Meng. Ang mas maganda siguro nyong gawin ay bumalik na lang kayo dun. Baka sakaling may mapagtanungan kayo kung saan sila lumipat."
Gaya ng sinabi ni Aling Anita, bumalik nga kami sa bahay-bakasyunan namin. Patuloy kaming nagtanong-tanong at naghanap pero lahat sila iisa lang ang sagot...hindi nila alam kung nasaan na sina Meng.
Hindi ko alam kung tama bang pumayag ako kay Maine na muli syang hanapin. Parang naulit lang kasi yung dati kong ginawa noon...at ngayon, mukhang imposible ko na yata talaga syang makita.
BINABASA MO ANG
His Proposal
FanfictionHis Proposal by:post_it_girl His proposal failed because something went wrong! Without any idea...it's his first love who ruined it!