His Proposal 4

1.3K 84 2
                                    

Maine's POV

Wala kaming nakuhang impormasyon kung nasaan na ba yung kababata ni Sir Alden. Kaya naisipan na naming bumalik sa Maynila dahil dumidilim na.

Pero habang nagbibiyahe kami...tumirik yung kotse. Bumaba sya kaya sumunod ako.

"Bad trip. Nasiraan pa tayo!"

"Ha? Eh anong gagawin natin?"

"Humanap na lang tayo ng pinakamalapit na talyer."

Binubuksan nya yung pinto sa may driver's seat pero-

mukhang locked yata.


"Na-locked yung pinto! Bukas ba dyan?"

Agad kong binuksan yung pintuan na nasa harap ko pero-

...locked din pala!

"Hindi ko mabuksan eh."




Pareho kaming sumilip sa may pinto at nakita nga namin yung susi para sa pinto, nasa loob ito ng kotse.

Pa'no na? Pa'no kami makakapasok?



Kumapa sya sa bulsa ng pants nya.

"Pati cellphone ko pala nasa loob. Ikaw? Dala mo ba yung phone mo?"




Hindi ako umaalis nang wala sa bulsa ko yung cellphone ko. Kaya kinuha ko ito at pinakita sa kanya. Buti na lang!

"Eto! Nandito pero-"




"What's the problem?"






"Walang signal dito!" malungkot kong sabi.








Maghahanap sana ako ng signal pero naramdaman kong may unti-unting pumapatak na tubig. Umuulan na pala!

Hindi agad ako nakaalis sa pwesto ko dahil hindi ko alam kung saan sisilong.

"Ano bang hinihintay mo dyan? Sumilong na tayo!"


At hinawakan nya ang kamay ko para dalhin sa masisilungan. Buti na lang talaga at may lumang bahay na malapit sa lugar kung nasaan kami. Doon nya ako dinala at nang makarating na kami...agad kong binawi yung kamay ko kay Sir Alden.

Hindi naman kami masyadong nabasa. Pasalamat na lang kami at may nasilungan kami kundi basang-basa sana kami.

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng malakas na ulan. Ngayon pa talaga nangyari ang mga bagay na 'to...kung kelan nasa isolated kaming lugar.







Umupo si Sir Alden sa may gilid.

"I hate this!" mahina nyang sabi pero rinig ko pa rin.





Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa may tabi nya.

"Sorry..."






Tumingin sya sa'kin...

"I know nahihirapan ka ngayon dahil sa paghahanap sa kababata mo. What I want to apologize is for making you experiencing these things now. Dapat sana nasa office ka lang at nasa safe na lugar pero ngayon andito ka."




"Pero gaya ng sinabi ko noong una...hindi ko pagsisisihan yung ginawa kong pagtutol sa proposal mo kay Miss Sam. I heard your conversation with one of your friends about the plan. And what I did is to make you realized that it's not the best thing to do."







"Alam kong ginagawa mo lang yun para sa lola mo pero sana maisip mo rin na pa'no kung malaman nya na peke lang yung kasal? Baka yun pa ang maging rason ng pagkawala nya. O hindi kaya matupad mo nga ang hiling nya pero ang hindi nya alam ay...niloloko mo lang sya. I know it's beyond my limitations as your secretary but I did this...as your friend."



Muli syang yumuko. Akala ko hindi sya magrereact sa mga sinabi ko...

"Sorry din..."






"Sorry sa mga masasamang sinabi ko sa'yo last time. You shouldn't heard it from me. And thank you...dahil binigyan mo ako ng panibagong pag-asa na makikita ko si Meng."




"Okay lang yun sir. Wag kang mag-alala...nararamdaman kong malapit na natin syang makita."

His ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon