Alden's POV
Isang araw ng naka-confine si Maine. I cancelled all my meetings just to be here. Ayokong gumising sya nang hindi ako ang nasa tabi nya.
Okay lang kahit hindi nya muna ako makilala...basta ang gusto ko lang gumising na sya.
Naramdaman ko ang paggalaw ng daliri nya at nang tingnan ko sya, unti-unti nyang iminumulat ang mga mata nya.
I was really happy when I saw her awake. And at the same time, a bit nervous.
"Maine! Okay ka lang? May nararamdaman ka ba?"
Tumingin sya sa direksyon ko pero wala akong nakuhang response sa kanya. Bigla akong kinabahan. Wala pa ang findings ng doktor para sa kanya.
What if...may malubhang naging resulta yung pagkahulog nya?? Hindi ko yata kakayanin.
"Maine! Say something! Do you still remember me? Ako 'to....si Alden."
"Hindi ikaw si Alden..."
What?? Anong ibig-sabihin nun? Hindi na nya ako naaalala?
"Pero ako 'to..."
"Hindi ikaw si Alden dahil....si Tisoy ka!"
Napangiti bigla ako dahil sa narinig ko. Hindi lang sya nagkamalay, pati alaala nya bumalik din.
"Meng...tinakot mo ko dun. Akala ko kinalimutan mo na talaga ako."
Hinawakan nya yung kamay ko...
"Hindi kita kinalimutan. Yung isip ko lang pero yung puso...kilalang-kilala ka pa rin Tisoy!"
Bigla kong naalala yung kwintas nya. Kinuha ko ito sa bulsa ko at tinakid ko uli sa kanya.
"Buti na lang at hindi nawala ang singsing na 'to sa'yo." I said.
Nagpagawa si grandma ng mga singsing na may naka-engrave na pangalan namin. Meng yung nakalagay sa singsing ko habang yung sa kanya ay Tisoy.
"Iningatan ko yan. Kahit na hindi ko alam kung paano napunta sa'kin, hindi ko nagawang matapon dahil may sentimental value ito."
Maine's POV
After two weeks...
Balik trabaho na ulit ako. Kahit naman bumalik na yung alaala ko, hindi ko pa rin naman bibitawan yung pagiging secretary ko dahil pinaghirapan ko ang pwestong yun.
Masaya ako dahil bukod sa bumalik na yung alaala ko, gumaling na rin ang lola ni Alden. At idagdag pa yung pagkakuha ng kumpanya namin sa mga malalaking investors. Kaya naman nag-conduct ng isang party si Alden.
Halloween party dahil magno-November na.
Late na yata ako sa party dahil nakasara na yung pintuan ng hall. Pagpasok ko, andami ng mga tao sa loob at nagulat ako nang makita ko dun ang nanay ko.
"Ma, anong ginagawa nyo dito?"
"Inimbitahan ako ng boss mo."
"Ha? Eh bakit hindi nyo man lang sa'kin binangggit para nagsabay na lang tayo?"
"Anak, wag ka ng maraming tanong. Sige na, pumunta na lang tayo sa may harapan dahil mukhang magsisimula na ang event."
At tinulak ako ng nanay ko papunta sa may harapan.
BINABASA MO ANG
His Proposal
FanfictionHis Proposal by:post_it_girl His proposal failed because something went wrong! Without any idea...it's his first love who ruined it!