Maine's POV
Hindi ko namalayaang mali pala ang daang tinatahak ko. Napunta na ako malapit sa may bangin at dahil madilim at maputik ang daan, nadulas ako. Bago pa ako magdire-diretso sa may bangin, nakakapit ako sa ugat ng puno.
Halos hindi ko na makaya kaya napasigaw na lang ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang kumapit.
"Maine?!!"
Nakita kong dumating si Alden at alalang-alala nang makita ako. Agad nyang inabot sa'kin ang kamay nya.
"Maine, kumapit ka lang sa kamay ko. Huwag kang bibitaw!"
Kinuha ko yung kamay nya at pilit nya akong hinihila pero masyadong madulas.
"Alden, hindi ko na kaya..."
"Hindi Maine! Kumapit ka lang sa'kin!"
Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagkalas ng kamay ko sa kanya. Hanggang sa tuluyan na akong mahulog.
"Maaaaaiiiinnneeee!!!!!"
Ramdam ko ang malakas na pag-untog ng ulo ko sa isang matigas na bagay. Bigla itong kumirot at iba't ibang imahe ang nakikita ko sa isip ko.
Yung ancestral house...yung sunog.
Isang batang babae at lalaki sa may puno ng mangga.
Dalawang singsing....at si Tisoy.
Ibig-sabihin...ako si
....Meng!
Napapikit na lang ako at bigla na akong nawalan ng malay.
Alden's POV
Sumilip ako sa may glass window at nakita ko mula sa labas, si Maine na nakahiga at may benda sa ulo.
May kinuha ako sa bulsa ko at pinagmasdan ko itong mabuti.
Kwintas ito na may nakalagay ng singsing. Binigay ito sa'kin ng isa sa mga nurse na nag-asikaso kay Maine.
Ang tagal ko syang hinanap at ngayon kung kelan ko pa sya nakita...dun pa sya napahamak.
Sana magising ka na...Meng!
Hindi ko akalain na yung taong hinahanap ko ay yung tao palang tumutulong sa'kin sa paghahanap.
Kanina, pumunta dito ang nanay nya. Alalang-alala ito dahil sa nangyari. Humingi ako ng tawad dahil kahit na aksidente ito, in the first ako pa rin ang may kasalanan. Kung hindi ko lang sana sya pinayagan...hindi mangyayari 'to.
Inamin ko rin na ako si Tisoy, ang kababata ni Meng. Nagulat pa nga sya pero nakilala pa rin nya ako. At doon nya pinaliwanag sa'kin ang lahat ng nangyari kay Meng nang bumalik na kaming Manila.
Kaya pala hindi alam ni Maine na ako ang kababata nya dahil nagkaroon sya ng amnesia. Pagkaalis namin, naaksidente sya at naapektuhan ang utak nya. Nagkaroon sya ng amnesia kaya hindi nya naalala ang lahat.
Umamin naman sa'kin ang nanay nya na hindi na nila binanggit pa kay Maine ang tungkol sa akin. Hindi rin naman daw nito maaalala at baka ma-depressed lang kapag nalaman ang bagay na yun. Hindi raw kasi nito matanggap na iniwan ko sya.
Pero kahit na ganito ang nangyari, nagpapasalamat pa rin ako dahil sa mga natuklasan ko. Hindi ko akalaing sa ganitong paraan ko mahahanap si Meng. At masaya akong malamang kailanma'y hindi nya ako kinalimutan. Ang isip nya lang ang nakakalimot sa'kin pero alam kong hindi ako kinalimutan ng puso nya.
BINABASA MO ANG
His Proposal
FanfictionHis Proposal by:post_it_girl His proposal failed because something went wrong! Without any idea...it's his first love who ruined it!