3. Part 2
Narinig ko sa kabilang linyang inagaw nya ang phone ni John, wow! Just wow! Mukhang mas maganda ang magiging conversation namin ngayon ha, compared to last na naging conversation namin.
"Sinong matawag-tawag mong flirt, bitch, at hoe ha! Kung hindi lang tayo sa phone nag-usap ngayon baka kanina ka pa nandun sa isang branch ng funeral sevices!!" Halata sa tono nya ang galit.
"Huwag kang puro salita, last time na nag-usap tayo ng personal buti sa hospital lang ang abot mo, pasalamat ka pa. Hindi ba matatawag na flirt ang ginagawa mo ngayon? Nilalandi mo ang boyfriend ng may boyfriend, bitch!" Walang kahirap-hirap kong sinumbat sakanya habang hindi maalis ang mga ngiti ko sa labi.
Hindi sya nagsalita sa kabilang linya.
"What's wrong with you bitch? Did the cat got your tongue?" Sarkastiko kong sinabi sakanya, ramdam ko ngayon na nagtitimpi sya ng galit.
"Y-you!...y-you..! I am not a hoe!" Utal-utal nyang pagkakasabi. Tumawa ako ng pagkalakas-lakas dahil sa sinabi nya.
"You're not a hoe? Everytime I check my facebook, twitter, instagram yung mga feeds ko punong-puno ng mga pictures mong kita ang sobrang liit na d*d*, at pw*t mong mukhang nilagyan lang ng foam! Sa totoo lang, mukha kang pato!" Tuloy-tuloy parin ang pagkakasabi ko sakanya.
And what happened to the hoe? She cried. Yeah, the flirty hoe cried dahil sa mga panlalait ko sakanya. Sabi ko nga naman, what's mine is mine. Teka bakit pa ba sya tinawag na bitch kung isa syang iyaking bata? Hahaha.
"HAHAHAHAHA! Crybaby! I already told you in the first place, don't flirt with what's mine! Well, good morning nga pala nakalimutan ko! Thank you sa pag-abala nyo ng tulog!" At in-end ko na ang call, puro hagulgol lang naman na ang naririnig ko dun eh.
Dahil sa pag-abala nila ng tulog ko para sa kalandian nya, yan ang napapala. Wala na akong nagawa kundi bumangon sa kama at dumeretso agad sa kusina para maghanap ng pagkain. Habang abala ako sa paghahanap ng pwede kong makain na de lata ay biglang may tumakip sa mga mata ko.
"Sino 'to?" he chuckled.
"Ugh. Fran!" Tinanggal naman na nya ang pagkakatakip ng kanyang dalawang mga palad sa mga mata ko.
Pagkaharap ko sakanya ay napasimangot sya.
"Bakit?" Medyo halata ang pagkairita ko sa tono ko.
"What's with those eyes?" Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya.
"What do you mean?" Nakataas parin ang kilay kong tinanong sakanya.
Hinawakan naman nya ang aking mga balikat at itinulak papunta sa harap ng...salamin? Hindi ko parin magets ang sinasabi nya.
"What now?" Tanong ko.
"Ang la-laki ng mga eye bags na yan ha!" Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Mang-aasar nanaman ba sya? Obviously! Harleen asan ang common-sense!?
Tiningnan ko si Fran ng masama. Sobrang nakakaasar talaga ang mga pinaggagawa nya, pero hindi ko parin alam kung bakit nagiging komportable ako sakanya minsan.
Natigil sya sa pagtawa, at naging seryoso na ang mukha.
"Harley, nagkakaproblema ba kayo?" Tanong nya.
"Ha? Bakit halata ba?" tumango naman sya sa sinabi ko.
"Pwede huwag na natin yun pag-usapan? Gutom nako eh." Pagrereklamo ko sabay hagod ng tiyan ko.
"Palusot. Kilala kita Harley!" Sagot nya. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Oo nga eh, alam mo nga yung pangalan ko so sigurado akong kilala mo'ko duh!" Pambabara ko.
"Tsk! Umagang-umaga naman oh Harley!" Sinamaan ko sya ng tingin sya sinabi nya.
"So ano nakahula ka na ba ng paraan kung pano yung theme ng magiging party natin sa birthday ni John?" Tanong ko, ngunit sa ngayon sinamaan nya ako ng tingin.
"I don't even care! Lagi nalang John ang nasa isip mo, kahit sinasaktan ka nya ano? John parin!? Ano bang problema mo kasi patay na patay ka sakanya? Ano bang ginawa nya para maging ganyan ka!? Ibang-iba yung Harley na nakilala ko two years ago! What did he do to you para mas mahalin mo pa sya kapag mas sinasaktan ka nya?! Har----" pinutol ko ang sasabihin nya.
"Why do you say all the things that you say?" Tanong ko habang suot ang blanko kong expression.
"Because I care for you in the first place!" Halos sigaw nya. Ano bang problema nya?
"Are you sure you aren't sick?" pagdadalawang-isip kong tanong.
"Harley, were f-ing bestfriends!" He replied. What's wrong with with him really?
"Hey, you need to rest. You're sick." I answered.
"Bakit ba hindi mo makuha ang pinu-point ko!?" Padabog nitong tanong.
"Saying me to stop loving him is like saying me to hold my breathe." Kalmado kong sagot habang nakatingin sakanyang mga mata ng deretso.
Ramdam ko ang pagkadismaya sa mga mata nya, nagiging makinang ang mga mata nito at may nakita akong namumuong mga luha sa kanyang magkabilang mga mata. Umiwas sya at kaagad tinakpan ang mukha nya ng kanyang mga palad para hindi ito mahalata. Tiningnan ko lamang sya ng malamig.
"A-ah, nevermind! Wag mo nang intindihin ang mga sinabi ko kanina, kalimutan mo nalang.." Mahina nyang sambit pero nagpipiyok nyang sinabi.
"Hoy, Fran! Iyakin ka dyan, para kang bata! Haha." Pang-iiba ko ng usapan kahit alam kong ako ang dahilan kung bakit sya naiyak. Sorry Fran, kung nasasaktan ka dahil sakin.
"Ha. Ha. Ha." sarkastiko nyang tawa at ngayon ay humarap na ito sakin.
"San na nga ba yung usapan kanina?" Magsasalita pa lamang sana ako ngunit inunahan na nya ako. "Ah naalala ko na, yung theme ng magiging party ni John sa birthday nya." Tumango nalang ako at ngumiti.
"May ideya ka?" Tanong ko.
"Hmm...wala! Pero balita ko ngayon daw ibibigay ang mga invitation cards sa magiging party nya." kaagad naman nyang sagot, at ngumiti. Isang pilit na ngiti. Bakit kaba ganyan, Fran?
Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ay biglang may nag-doorbell galing sa labas. Agad naman akong umalis at iniwan si Fran sa kusina para tingnan kung sino iyon.
Isang mailman? May ibinigay itong kulay dark green na card na may black na ribbon. Pagkatapos iniabot ng mailman ang card ay umalis na ito.
Tinanggal ko ang black na ribbon nito at binuksan ang card. Isang invition card pero sulat-kamay lamang ito, at alam ko kung kaninong sulat-kamay ito.
Dear Harleen,
Be my henchgirl on my party tonight at 9:30pm. Don't be late or else I'll kill you!
-J.
Sweet sana pero yung huling sentence lang talaga panira. Maganda ang pagkakasulat nito sa katunayan naka-calligraphy pa ito.
Pumasok na ako sa loob ng bahay para balikan kung nasan si Fran. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay nasa tapat na pala si Fran hawak ang isang kahon--isang malaking kahon. Dark green rin ang kulay nito at may black na ribbon.
"Para san naman yan?" Pagtataka kong tanong kay Fran.
"It's for your costume for tonight's party. John said you have to wear this or else?" Napataas ang kilay ko sa sagot nya.
"Or else I'm dead!" Pagtutuloy ko sa sagot ni Fran at kinuha na ang box.
Binuksan ko ang box na binigay daw ni John at bumungad saakin ang isang pang-clown na damit?
"Balak ba nya akong gawing clown talaga sa party nya?!" Iritable kong sambit.
"Nah. It's a costume party anyway," pagtatanggol nya. At kinuha ang costume para matingnan ito ng buo. "But it's look like you're sexy if you wear it." Napataas ulit ang kilay ko sakanya.
"Excuse me? Hindi pa ba ako sexy sa paningin mo kahit hindi ko isusuot yan?" Napamewang ako.
"Hindi naman." He chuckled. Napairap ako sakanya.
Well, good luck for me.
VOUS LISEZ
Finding a remedy
Roman pour AdolescentsIt all started when it used to be just a simple life, where a fourteen years old girl named Harleen Xena Quinzel lives with.