(Rice’s POV)
“What? Ayoko! Okay naman ako kay jed kuya ehh. Bakit kailangan mo pa siyang palitan?” pagrereklamo ko kay kuya. Kasi naman ehh! Bakit kailangan pa niyang palitan si jed bilang taga-hatid ko? Nakaka-inis lang kasi. Makikisama nanaman ako sa ibang tao ganun? Psh!
“Okay nga sayo. Alam ko naman yun ehh. Dahil pag hindi okay sayo malamang hindi tumagal kahit isang linggo si jed sa pagsusundo sayo dahil sa mga sasabihin at gagawin mo sa kanya. Pero ang tanong okay ba kay jed yun? Isipin mo naman yung tao. Medyo nakakasakal kaya yung may obligasyon siya every after school. Wala na siyang time para sa sarili niya.” Sabi naman ni kuya. Pero si jed? Hindi ba okay sa kanya na siya ang nagsusundo sa akin? Ehh diba araw araw pa nga niya akong nililigawan ehh.
“Teka. Kuya sinabi ba sayo ni jed na ayaw na niya na magsundo sa akin? Kaya ka naghanap ng bago kong taga-sundo?”
“Hindi naman niya sinabi sakin yun. Nagkusa akong gawin yun kasi ako na mismo ang nakapansin na nawawalan na siya ng oras para sa sarili niya.” Ehh? Dahil ba talaga sa akin? Kaya wala na siyang panahon para sa sarili niya? Hmp! Nakaka-guilty naman.
“Ehh kuya kahit pa! Paano naman kung ikaw lang talaga ang nakakapansin nun? Na para sa kanya hindi pa naman niya napapabayaan ang sarili niya.” Ipaglalaban ko talaga to! Tsk. Kasi naman May tiwla na ako kay jed. Yun lang ahh, wala nang iba pang dahilan.
“Rice. Hindi man sinabi sa akin ni jed. Alam ko masayang masaya siya dahil hindi ka na niya susunduin after class dahil makakabalik na siya dati niyang hobby.”
“Ang alin? Ang pambabae? Ano bay an kuya! Kailan niya ba bubuwagin yang grupo niyo?! Masyado na kayong maraming babaeng naloko kuya! Sapat na siguro yun para sa paghihiganti mo diba?”
Haaays. Alam niyo na ba ang rason ni kuya? Kung bakit siya bumuo ng grupo na tutlong sa kanya sa paghihiganti sa MGA babae? Iyon ay dahil sa iniwan siya ng ka-isa isang babeng minahal niya. Si ate Elaine. Kababata siya ni kuya, frst crush siya ni kuya, at first love din. First date. First kiss. And lastly FIRST HEARTBREAK.
Pinagpalit kasi siya ni ate Elaine sa ibang lalaki. Kaya simula nun sinumpa na niya ang lahat ng babae pwera sakin at kay mama. At siyempre kay mama marry. Kahit sa ugali ni kuya, makikita mong wala siyang takot sa Diyos. Marunong pa din naman yan magdasal. Pero para nalang sa aming pamilya niya.
“Hindi pa rice. Hindi pa sapat yun. Sasabhin niyong pare-pareho lang ang mga lalaki? Na babaero? Pwes papatunayan ko yun. At isa pa papareho lang din ang mga babae. Hindi din sila loyal.” Nagdrama nanaman si kuya psh. Dapat hindi ko nalang pala binanggit. Ehh kaso hindi ko naman mapigilan yung inis ko ehh. Bakit kasi hindi pa nila to itigil ehh.
“Ouch ahh kuya. Grabe ka! Alam mo yun? Babae ako kuya!”
“Huh? Babae ka pala? Sa sobrang siga mo kasi hindi na halata ehh. Pareho kayo ni mommy!”
“Whatever kuya. Pero kuya, please naman itigil mo na to. Hinayaan ko na nga to dati kahit alam kong mali ehh. But that’s enough! Lahat ng pinaghigantihan niyo inosente.”
“I know rice. Pero Sorry sila, tinaguan kasi ako ni Elaine ehh. Kaya sila nalang paghihigantihan ko.”
“Hay nako kuya! Nakakainis ka talaga! Kung anong gusto mong gawin gagawin mo nalang kahit alam mong hindi tama. Hmp! Dyan ka na nga!” tapos umalis nalang ako sa harap niya at pupunta nalang ng room ko. Pero may nakalimutan pa pala akong sabihin.
“Nga pala kuya. AYOKOng magpasundo sa sinasabi mong bago kong sundo. Kung ayaw na ni jed, kaya ko na naman mag-isa ehh. Third year na ako kuya. Big girl na to noh! Yun lang. Goodnight kuya.” Tapos ayun dumeretso na ako sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
The other side of DEVIL [COMPLETED]
Teen FictionJed Hernandez. A well-known HEART BREAKER for fame. What is he's OTHER SIDE?