The other side of DEVIL -- Chapter 4

337 10 5
                                    

(Rice's POV)

Nilukot ko ang papel na pinag-tripan ko lang isulat noon at dali daling tumakbo papunta sa school nila kuya. Malamang ay nandoon sila. Sana wala pang masamang nangayari kay Jed. Dahil kung meron, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kung hindi ko sinabi yung sinabi ko nung isang araw siguro hindi niya maiisip na gawin 'tong kahibangan na 'to.

Paano ba 'to napunta sa kanya? At ano bang pumasok sa utak? Gusto ba niyang magpakamatay? Pumara ako ng taxi para mas mabilis akong makarating sa school nila. Pero mukhang dapat tumakbo na lang ako dahil sobrang traffic!

"Kuya? Wala bang shortcut?" 'Di mapakaling tanong ko sa driver.

"Ma'am shortcut na po itong dinadaanan natin eh." Sagot naman ni kuyan driver.

"Ehh long cut? Wala bang ibang daan kuya?!" Irita kong sabi. Ano na kayang nangyayari ngayon kay Jed?

"Meron po ma'am pero kailangan din muna nating maka-alis sa trffic na 'to. Eh stuck up po tayo eh." Ayy pambihira naman oh! ANg wrong timing!

"Malayo pa ba 'yun kuya? Hindi ko ba kayang lakarin?" Hindi na ako pwedeng tumagal pa sa traffic na 'to. Feeling ko mas mabilis pa kung tatakbuhin ko na lang eh.

"Hindi na naman po gaano mam, mga 10 minutes away na lang po tayo doon kung makakaa-andar na tayo. Kung lalakarin niyo po baka abutin kayo ng 20 to 30 minutes at nakakapagod yun mam."

"Ah, saan po ba dadaan kuya?" Iyan lang ang itinanong ko, hindi ko na pinansin pa ang ibang sinabi ni kuyang driver.

"Diretsuhin niyo lang po itong kalsadang dinadaanan natin, tapos po may makikita po kayong tatlong stop light dyan. kakanan po kayo paglagpas niyo ng pangatlong stop light tapos po kanan ulit sa unang kanto. Tapos po yung dulo po nun ay dead end, lingon kayo sa kaliwa, yun na po yung school na gusto niyong mapuntahan."

"Ahh. Okay kuya, marami pong salamat. Eto po bayad oh." Pagkabigay ko sa kanya ng sobra sobrang bayad ay bumaba ako kaagad at nagsimula ng tumakbo.

Habang tumatakkbo, hindi ko na kayang pigilan pa ang mga luha ko. Sobra akong nag-aalala kay Jed. Hindi ko kayang mawala siya sa akin, at sa kamay pa ng kapatid ko. Baka hindi ko rin maptawad si kuya sa magagawa niya.

Nakalampas na ako ng dalwang stop light, pagod na pagod na ako sa pag-takbo, mabuti na lang at naka-rubber shoes ako. Pero hindi ko ininda ang pagod, kailangan kong maabutang buhay si Jed!

Takbo ako ng takbo, madami na nga akong nakabunggo sa kalsada pero hindi ko na sila pinapansin. Marami na din ang nagtitinginan sa akin, pero wala pa din akong paki-alam. Nakaliko na ako sa unang kanan at ngayon ay nandito na ako sa street ng school nila kuya. Natatanaw ko na ang dead end at ang malaking school sa kaliwa nito.

Tumigil ako sa pagtakbo nang makarating ako sa harap ng school, napayuko, at napahawak ang dalawang kamay ko sa mga tuhod ko.

Sabado ngayon kaya walang tao sa school pero bukas ito. Ibigsabihin may tao sa loob at malakas ang kutob ko na sina kuya iyon. O sa madaling salita ay amg mga evil kings.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at pumasok na ako kaagad sa gate ng school nila. Napakatahimik. Mukhang kahit guard ay wala dito mabuti na lang at may isang lalaking papalabas, mukhang kumuha siya ng mga naiwan na gamit niya dito.

"Excuse me. Alam mo ba kung saan ang tambayan ng evil kings?" Halatang nagulat siya sa tanong ko, pero itunuro pa rin naman niya sa akin ang daan.

"Salamat!" Pagkasabi ko non ay tumakbo na ako kaagad papunta sa daang itinuro nung lalaki.

Habang palapit ako ng palapit sa malaking bodega, ay unti unti akong nakakrinig ng ingay. Ingay na para bang nag-ch-cheer sa isang awayan at iyon ang dahilan kung bakit mas lalo akong kinabahan.

The other side of DEVIL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon