Epilogue:
(Rice's POV)
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, at nasilaw ako sa liwanag na dala ng sinag ng araw. Bakit ang liwanag ata sa kwarto ko? Kinusot ko ang mga mata ko at napagtantong wala pala ako sa kwarto ko, kundi nasa ospital.
"Anak. I'm so glad that you're awake." Bungad sa akin ni mama pagkatapos ay niyakap ako. Bakit nga ba ako nandito? And with that question unti-unting bumalik sa alaala ko ang mga nangyari.
-Flashback-
"Kuya! Tama na!" Sigaw ko at pumasok na sa loob. Nakadapa si Jed at halatang bugbog sarado na siya kay kuya. Gustong gusto ko na siyang lapitan at yakapin pero kailangan ko munang kausapin ang kuya ko.
"Rice? Bakit ka nandito?" Galit na tanong ni kuya sa akin.
"Kuya, mahal ko rin si Jed. Please tama na. Wag mo siyang patayin." Pumatak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Rice, lolokohin ka lang ng g@g*ng 'to."
"Alam kong hindi magagawa ni Jed 'yon kuya." Umiiling na sabi ko kay kuya. Sa tagal na panahon naming magkasama, at nanligaw sa akin si Jed alam kong hindi biro lang ang nararamdaman niya para sa akin. Alam kong hindi niya ako niloloko at mas lalo ko pa iyong napatunayan nung nalaman ko na bawal makipagrelasyon sa mga taong malapit sa myembro ng evil kings. Hindi naman niya isusugal ang buhay niya kung hindi niya talaga ako mahal.
"Akala mo lang yun Rice." Itinaas muli ni kuya ang kahoy na hawak niya at akmang hahampasin na naman niya si Jed.
"Kuya wag!" Pagpigil ko kay kuya pagkatapos ay tumakbo para harangan ang katawan ni Jed kaya ako ang nahampas ni kuya ng kahoy na hawak niya. Sobrang nakaramdam ako ng sakit sa likod ko. Ang lakas ng pagkakahampas ni kuya. Paano pa kaya kung kay Jed iyon tumama? Kakayanin pa ba niya ang sakit?
"Rice!" Narinig kong sumigaw si kuya at ibang evil kings pagkatapos ay unti-unti na akong nawalan ng malay.
-end of Flashback-
"Ma si Je---" Hindi ko naituloy ang tanong ko, naisip kong hindi naman pala nila kilala si Jed.
"Si Jed ba? Yung suitor mo?" Nagulat ako sa sinabi ni mama.
"Ma? paano mo po nalaman?"
"Sinabi na sa amin ng kuya mo ang mga kag@g*h@ng pinag-gagawa niya." Sabat naman ni papa.
"Nasa kabilang kwarto siya. Stable na siya pero may fracture ang both arms niya pati na ang right leg niya. Muntik na siyang mapuruhan ng kuya mo, tsk tsk." Pagkasabi ni mama niyan ay sakto naman ang pagpasok ni kuya sa kwarto ko.
"Iwan muna namin kayo ng kuya mo Rice, you guys need to talk." sabi ni mama then hinatak na niya si papa paalis. Kaming dalawa na lang ni kuya ang nandito sa room ko ngayon. Hindi ako kumikibo. Galit pa ako sa kanya, mas lalo na nung nalaman ko na ang laki ng naging pinsala ang nagawa niya kay Jed.
"Rice." Mas lalong uminit ang ulo ko nang tawagin niya ang pangalan ko na para bang walang nangyari. Kaya pinilit kong bumangon, balak kong layasan na ang siya, pero natumba ako sa sahig dahil masakit pa din ang likod ko.
"Rice!" Salo niya sa'kin bago pa ako tuluyang mahulog sa lapag.
"Bitiwan mo nga ako! Pupuntahan ko si Jed." Galit kong sabi.
"Rice, please. Pakinggan mo lang ako kahit hindi ka makipag-usap sa akin." Pina-upo niya ako sa kama. Hindi na lang ako umimik. "Rice, alam kong sobrang laki ng kasalan ko. Hindi lang sayo, kundi pati na rin kay Jed, at sa mga babaeng nasaktan ko at ng evil kings. Rice, sorry. Alam kong matagal mo nang sinabi sa akin na tumigil pero hindi ako nakinig, hindi ko akalaing aabot sa punto na ikaw na ang masasaktan ko."
"Mapapagaling ba ako at si Jed ng sorry mo?" Pagmamatigas ko. Hindi pa rin sapat ang sorry niya pra patawarin ko siya.
"Rice, alam ko walang magagawa ang sorry ko''
"Alam mo pala eh. Wala ka na bang sasabihin? Pupuntahan ko pa si Jed."
"Rice, binuwag ko na ang samahang evil kings." Napatingin ako sa kanya sa sinabi niya. Siya naman ay napatungo. Teka umiiyak ba siya? Bakit? Labag ba sa kalooban niya ang buwagin ang samahang iyon?
"Rice, alam mo ba, ako lang pala ang galit sa mga babae noh? Lahat sila ang rason lang kung bakit sila sumali sa samahan na 'yon ay dahil gusto nilang protektahan ang mga babaeng malalapit sa kanila. Ang sama sama ko palang tao Rice. Nagpabulag kasi ako sa galit at sakit na naramdaman ko." Humihikbi na si kuya. Alam kong sobrang nagsisisi siya sa mga nagawa niya.
"Kuya." Inabot ko siya at niyakap. Kuya ko pa din siya. Alam ko naman na masakit din ang pinagdadaanan niya eh. Kaya kailangan rin niya ako. Ayoko nang magmatigas dahil nakita ko naman na sincere si kuya sa pagsosorry niya.
"Tara Rice, umupo ka dito at dalawin mo na si jed." Hinanda niya ang wheelchair at kinarga ako paupo doon.
"Kuya, naniniwala ka na bang mahal niya ako at hindi niya ako lolokohin?"
"Matapos niyang lumaban para sa buhay niya pagkataos ko siyang bugbugin hindi pa ba ako maniniwala dun?" Napangiti na lang ako sa sinabi ni kuya. Lumabas na kami ng room ko at pumasok sa room ni Jed. Napatakip na lang ako ng bibig ko pagkakita ko sa kaniya. Ang dami niyang benda sa katawan. Tuluyan na akong naiyak nang makita ko siya ng malapitan. namamaga pa ang mga pasang natamo niya. Napatingin ako kay kuya, gusto ko siyang sisihin pero tapos na, napatawad ko na siya eh. Kaya sa kanya na lang ako sumandal at umiyak.
"Sorry Rice. I know this is my fault."
"Magiging okay naman siya kuya diba?"
"o-oo n-na-m-man." Napatigil ako ng iyak ng marinig namin ni kuyang nagsalita si Jed. Gising na siya!
"Jed!"
"Rice. Hunter." sambit niya sa mga pangalan namin, bakas sa boses niya ang kanyang panghihina.
"Jed pare. Pasensya na. Sige iwan ko muna kayo ni Rice." Tapos lumabas na si kuya.
"Jed, bago ang lahat gusto ko sana sabihin sayo na ma---"
"Mahal din kita Rice, alam mo yan. Mahal na mahal kita. Hindi mo na kailangang sabihin pang muli 'yan, dahil narinig ko ang lahat. Narinig ko kung paano mo ako pinaglaban kay hunter." Dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko pinilit ko na lang na tumayo at niyakap ko siya.
"Ahh." Pero tinanggal ko din kaagad 'yung yakap ko. Nakalimutan kong, madami pala siyang pilay.
"Naaalala mo ba yung araw na nagtapat ka sa akin? Yung mga sinabi ko sayo noon?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman! Pwede ko bang makalimutan ang isa sa mga pinakamasakit na mga salitang binitiwan ng mahal ko sa akin?"
"Eeh! kainis ka naman Jed eh! Wag mo nga akong pinapaguilty! Binabawi ko na nga lahat yon eh!"
"Talaga? Pati yung." Tapos sumenyas siya ng nakanguso. Alam ko na ibig sabihin niyan! Nako! yung kiss.
"Oo! Nagsinungaling lang ako non!" Sabi ko at ngumiti.
"Talaga?" Tapos napabangon siya. Inalalayan ko naman siya. Nung maka-upo na siya sa kama ay bigla niya akong hinalikan. At tulad ng dati, nagrespond ako.
"Ayan, wala nang bawian ah." nakangiti niyang sabi.
"Oo na. I love you."
"I love you more." Then we kisssed again.
I really love this man. I admit, nung una hindi ako naniniwala sa kanya, akala ko isang PANLOLOKO lang ang lahat.
Pero hindi pala, pinakita ni Jed sa akin ang ibang side niya. Yung pagiging sweet na alam mong sincere, yung pagtyatyaga, yung pagpapakabait, yung pagiging pasensyoso, at marami pang iba, pero higit sa lahat, sa akin niya pinakita 'yung TOTOONG PAGMAMAHAL na hindi niya pinapakita sa iba.
He shows me the other side of him.
THE OTHER SIDE OF the well-known heartbreaker 'Jed Hernandez' aka DEVIL.
[THE END]
BOOK 2 / SIDE STORY -- "Their second love" (Story of HUNTER OCAMPO.)
Prologue already posted.
BINABASA MO ANG
The other side of DEVIL [COMPLETED]
Teen FictionJed Hernandez. A well-known HEART BREAKER for fame. What is he's OTHER SIDE?