The other side of DEVIL -- Chapter 1

756 22 6
                                    

(Jed's POV)

-Flashback 2 years ago-

"Devil! Kamusta ang first day ng pagiging sophomore natin ha? Ibang iba na ba sa first day ng freshmen mo?" Tanong sa akin ni satan. 

Devil ang tawag sa akin kapag nanito kami sa school at satan naman kay hunter pero pag nasa labas na kami ng school jed at hunter lang ang tawagan namin. Pareho kaming sophomore pero hindi kami magka-klase, matino naman ako pagdating sa pag-aaral ehh hindi katulad nila na kahit sa pag-aaral bulakbol. Kaya nasa A ako at sila naman nasa seection C.

"Oo pre, parang dati lang nag-gi-give way sila para padaanin ako. Hindi katulad ng dati na bago ako makapasok ng classroom halos mapunit na yung damit ko."

"Good. Dapat lang na ipinagpapatuloy nila yung pag-galang nila sa evil kings. Kundi ako makakalaban nila. Tara maupo ka na dito pre."  sumunod nalang ako kay hunter. Umupo ako sa tabi niya. Si hunter maangas nga siya pero itinuturing niya kaming evil kings na pamilya niya at hindi niya hahayaan na kahit sino sa amin na mabastos. Isa yun sa dahilan kung bakit siya ang matalik kong kaibigan ngayon. Kasi kahit demonyo siya sa labas mabait siya sa aming mga kaibigan niya.

"Nga pala devil may favor ako sayo." Kumakain ako ng mani nang mapatingin ako sa kanya. Ano naman kaya yun? Ngayon lang siya hihingi ng favor sa akin.

"Ano yung satan?"

"Pwede bang araw-araw mong sunduin sa school yung kapatid ko? Tutal mas maaga naman ang labasan ng klase mo kesa sa klase ko." ha? May kapatid pala siya?

"Oo naman pwede. Pero saan ba yun nag-aaral? Hindi ba dito? Diba kayo naman may-ari ng school? Bakit ko pa kailangang sunduin? Tsaka wala ba kayong driver?" Sunod-sunod kong tanong. Nagtataka lang naman ako.

"Pre. Babae yung kapatid ko. All boys school kaya to. Tsaka wala siyang driver. Dati kasi hatid sundo siya ni dad ngayon hindi na kasi nag-iba na ang time ng dismisal niya kaya hindi na siya masusundo. Sakin siya pinasusundo kaso nakakatamad tsaka hindi ako makakagimik pag naka-tapak na ako ng bahay."

"Pre okay lang sa akin. Pero alam mo namang wala naman akong kotse dahil ilang taon palang kaya tayo. Hindi naman ako katulad mo na mukha nang ma-ma. hahaha!"

"Umayos ka nga devil. Edi mamasahe kayo. Problema ba yun? Tama nga yun para hindi naman masyadong spoiled yun."

"Okay sabi mo ehh. Pero pre, last na. Bakit hindi nalang kayo mag-hire ng driver at bumili ng bagong kotse para sa kapatid mo? Ang yaman niyo naman ahh."

"Ayaw namin. Wala kaming tiwala sa mga tao na nag-apply na maging driver ni rice. Mukhang mga manyak. Kaya ng ikaw nalang. May tiwala kasi ako sayo." Hindi nalang ako tumanggi, dahil nakakahiya naman kay hunter. 

*****

"Ohh, ayan na pala si rice." Nandito kami sa loob ng kotse ni hunter. Hinihintay namin si rice yung kapaid niya na first year high school na. At nakapasok na din ito sa sasakyan.

"Kuya? Sino to? Driver? Meron na kayong nakuhang driver para sa akin?" Aba't sa mukha kong to na batang bata pa mukha na akong driver? Malabo ata mata netong babaeng to ehh! Maganda naman sana ehh. Kaso nakaka-turn off yung ugali. Masyadong mapanghusga.

"Hahahaha! Rice wag ka ngang mag-joke. Pwede bang maging driver ang second year high school parte siya ng gang ko at matalik ko siyang kaibigan. Siya si Jed. Jed eto nga pala yung kapatid ko. Si rice." 

"Nice meeting you rice." tapos inabot ko yung kamay ko para makipag-shake hands. Pero inirapan lang niya ako at tumingin sa kuya niya.

"Kuya pwede yun noh! pwede namang dayain ang driver's license ehh, parang ginawa mo. Tsaka, may pangit ka palang kaibigan. Mukhang driver talaga." Anak ka ng!!! Kung hindi lang talaga to kapatid ni hunter pinatulan ko na to. Tsk!

The other side of DEVIL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon