Highschool kami nun, pumunta kami sa bahay ng isa kong classmate. Naalala ko pa noon na magmomovie marathon kami. Bale 4 kami non, yung bahay nila medyo average lang. Yung kusina nasa terrace nila kasi dating tindahan daw yun may screen door doon sa kusina. Habang naghihintay ako sa kanila sa sala at sila bumili ng pagkain may biglang nagbukas nung screen door sa kusina. Pagtingin ko may babaeng nakaputi papuntang kusina mahaba ang kanyang buhok bale napatulala ako sa kanya parang nagslow motion lahat. Nung sinundan ko siya ng tingin sa bintana ng kusina bigla siyang nawala. Grabe takot ko nun sinabi ko yun sa kaklase ko kinabukasan na may nakita ako sa bahay nila ang sabi niya sakin nakita din daw yon ng papa niya. After ng incident na yun hindi na ako pumunta sa kanila.
BINABASA MO ANG
Seen
HorrorSa mga panahong nag iisa ka lang, may mga matang nakamasid ng hindi mo alam. Binabantayan ang bawat galaw at naghihintay ng pagkakataong makita at mapansin mo sila.