Bata pa lang ako may kakaiba na akong nararamdaman sa bahay namin. Kada gabi may naririnig ang boses na di ko malaman saan ba nanggaling. Until one day nagising na lang ako na parang may kakaiba sa akin. Tanghali na non at nakatulog pala ako, pag dilat ko nagulat na lang ako ng may nakita akong batang lalaki sa tabi na nakahawak sa noo ko. Sa sobrang gulat ko noon mabilis akong nakababa sa second floor ng bahay namin. "Nika, yung kalaro mo nasa kwarto natin" sabi ko sa kapatid ko. "Ha? Anong kalaro ate wala mga kalaro ko may pasok sila. " Nagtaka ako non, at inisip ko na baka naalimpungatan lang ako. Lumipas ang mga araw at ganun pa din nararamdaman ko sa bahay namin kung ano ano naririnig ko na boses, isang gabi nagising ako dahil sobrang naiihi na ako pababa na ako ng hagdan non ng may napansin akong lalaking nakabarong na nakatayo sa may sala namin. Kaya binilisan ko nun paghiga ko nagtalukbong ako at tumagilid pagharap ko nakita ko dun yung lalaking nakabarong kanina sa sala! Kaya pumikit ulit ako at nagdasal hanggang sa nakatulog ako. Kinabukasan sinabi ko yung nangyari sa mga kapatid ko at magulang ko ngunit ayaw nila maniwala. Kaya pumunta ako sa lolo ko na isang albularyo at sinabi ko sa kanya lahat ng nakikita ko at nararamdaman ko. "Iha, yung nakitang mong bata sya yung nagbukas ng third eye mo napaglaruan ka niya. Yung lalake na nakabarong tatay niya yun, sila yung mga nakatira sa bahay niyo dati. Gusto lang nilang alagaan ninyo mabuti yung bahay peri hindi sila manggugulo at bibabantayan lang nila ang bahay. " Kinilabutan ako sa sinabi sakin ng lolo ko nun, sinarado niya third eye ko kasi hindi ko na kaya mga nararanasan ko. Buti na lang nasara ng lolo ko yung third eye ko bago siya mamatay.
BINABASA MO ANG
Seen
HorrorSa mga panahong nag iisa ka lang, may mga matang nakamasid ng hindi mo alam. Binabantayan ang bawat galaw at naghihintay ng pagkakataong makita at mapansin mo sila.