Sa isang sikat na university ako nag aaral dito sa Manila at Hindi mawawala sa mga universities and fraternity.
Sumali kami ng kaibigan ko sa frat ng school namin pero bago kami makapasok kailangan dumaan sa initiation.
"Pre hindi na mahirap gagawin nyo ha basta magstay lang kayo dun ng buong gabi hanggang umaga."
Yung ang sinabi ng gang leader nila.Ang tinutukoy niya dun ay ang dare na magstay sa morgue ng hospital buong gabi.
Nung una parang ayaw namin,pero wala naman sigurong mangyayari kaya pumayag na din kami.
Dunating yung gabi na kailangan na namin gawin yung dare. Palihim kaming pumasok sa morgue nilibot namin ito at kahit medyo masangsang yung amoy tiniis na lang namin.
Mga 12 na yun ng madaling araw nababagot na kami kanya tinignan namin isa isa yung mga patay.
Nagulat kami nung titignan na namin yung huling patay sa dulo dahil may nakaupo sa gilid nito.
Nag aalangan pa kami lumapit pero nung naanigan ng flashlight isa pala sa mga nurse nitong ospital.
Napaatras kami hindi dahil baka palabasin kami o ipapulis kundi dahil nabigla kami sa ginagawa niya.
Yung nurse na babae nakaupo hawak hawak yung kamay ng patay na mukang bagong dating palang puro dugo yung kamay pati na rin yung bibig nung nurse.YUNG NURSE KINAKAIN YUNG KAMAY NUNG PATAY! Sa sobrang takot namin mabilis kaming napatakbo palabas ng ospital do bale di makasali sa frat wag lang maulit yung ganung pangyayari.
BINABASA MO ANG
Seen
HorreurSa mga panahong nag iisa ka lang, may mga matang nakamasid ng hindi mo alam. Binabantayan ang bawat galaw at naghihintay ng pagkakataong makita at mapansin mo sila.