Chapter 4
Tuesday November 29 (part 2)
Buti nalang nabutan ko si Jared bago pa sya sumakay ng jeep. :I
“Jared!”Uhhh.. wait naman.
Lumingon ang loko. Pshhh.
Ano ba. Kaya mo nga tinawag e. Loko ka din e noh.
Arggg!! Pshhh.. :I
He started walking towards me. “Ivy?! Wait, abou last week-”
“-sus! Wala yun. Ikaw talaga.” Syempereds tameme ang loko. “Wala naman akong dapat ikagalet e. Sori nga pala gumawa pa'ko ng eskandalo.”
Sus eskandalosa ka pala e!
Leche! Shattap pa epal ka pa e!
“Uhmm. Jared, like what Ive always been saying, sayo... eehh... it's okay lang naman kung magbreak tayo eh.” Waaaa. Ang conyo ko! Hahahaha. “Hindi pa naman tayo kasal e. So... definitely walang problema dun.” Shieeet. Ano ba tong mga sinasabe ko. Walang kwenta. Hohoho.
“I'm sorry Ivy.” Tumango sya.
“I know. Sorry din. Siguro masyodo kitang sinolo. Ganun naman talaga, you have to keep looking kung gusto mong mahanap yung happy ending mo, diba.” Woah... Teary eyed na ako. Pshhhh... Anyway, niyakap ko paden sya. Namiss ko yung amoy nya. And probably mamimiss ko paden for a long time. Naalala ko kung gaano katanga yung ginawa ko dun sa SM. Kung pinalampas ko uli yon, kasakasam ko paren sana si Jared ngayon. Hindi siguro to yung last na mayayakap ko sya. :I
Otor: Grabe~ Eto na ata pinaka corny na story na nabasa ko. Lol.
“Hmmm... So I guess this is it.” Eto na nga yon. Eto na ba yon. :I Uhhh... How do I say 'break na tayo'? “Uhhh.. Okay.” Pumikit ako. “Break na tayo.” Meh... Ang cheap nang pagkakasabe ko.
“Ivy...”
“Uhh. Sorry, I need to go.” Ngumiti nalang ako. “Thanks for everything. And wait-” Niyakap ko sya ng mahigpit. Napapaluha nako pero pinigilan ko. “One last hug. Mamimiss kita. Sobra.” And I let go.
Hindi ko madiscribe kung ano yung expression nya. Umalis nako. Iniwan ko na sya. Bakit nga naman ba kasi ako mag-iistay e nasabi ko na. At least lumuwag-luwag naden yung pakiramdam ko. Naiyak din ako nung mdyo malayo-layo na ko sa kanya.
Sana naman yung other girl e hindi na nya saktan gaya nang ginawa nya saken. Alam ko namang hindi sya ganun kasama. Kaya ko nga sya nagustuhan e. Basta merong something sa kanya na hindi ko alam kung ano. Ganun naman talaga e. Aminin nyo. May something talagang hindi nyo ma-explain kung baket. Hayshhh. Basta yun na yun kung anu man yun. Hahahaha.
Umuwi nako.
Malamang. Haha.
...
Pagdating ko sa bahay wala si Mama. Pero andun si Tyrell. Sitting pretty sa sofa namen. Pshh...
“Tyrell? Uh... At pano ka napunta dito? Sinong nag-invite sayo?” Tumingin lang saken ang kumag. Hahaha. Lol. Nanonood pa ng Adventure Time.
“Wala. Nakikinood lang ako. Hahaha.” Hello? Stalker ata to ah. I gave him a wierd look. “Oi. Grab ka naman. Anong iniisip mo ah! Hindi ako stalker a!”
“What?! Wala akong sinasabi ah! Ikaw yong nag-iisip non a!” Babatukan ko na talahga to ah! Hahaha.
Suddenly, bumukas yung pinto. “Opps. Tama na yang away. Ano ba kayo? Naiwan lang saglet eh.” Si Mama pala.
“Oo nga. Eto talagang dalawang to oh. Lei, hindi mo man lang kame hinintay ah. Nalimutan mo na bang birthday ni Peachy (aso si Peachy. Hahaha. Hindi ko nga alam kung baket Peachy e kulay brown naman sya.) ngayon. Sabe ko hintayin mo kame ni Hanna sa tapat ng 7-11 eh.”
“Hanna, sinabi nya yun?" Sabi ko.
“Hmmhmm.”Tumango si Hanna. Waaa. Kinakampihan nya si Devi.
“Tamo!” -- Devi
“Che! Ewan ko sayo. Sorry. Nalimutan ko. Pre-occupied ata ng mga kung anu-ano yung utak ko nang sinabi mo.” Hahaha. “Sa kwarto lang ako ha.”
Umakyat nalang ako sa kwarto ko. At sa kasamaang palad e nakita ko yung mga pictures namen ni Jared. Sumampal saken yung mga nangyare. Lalo na yung kanina lang.
Mga nakangiti yung mga pictures namen. Siguro hindi nya lang talaga mahanap saken yung perfect na girlfriend na gusto nya. At kahit na nagbreak na kame, hindi naman ako siguro malaking kawalan sa kanya. Bale wala yung almost two years na pagpapakamartyr ko sa kanya.
Kung lagi ba namang ganito nakikita nila saken e. I guess may something na kulang saken. Hindi ko alam kung anong hinahanap nila na wala saken.
“Huy. Anong ginagawa mo jan?”-chu~ Jusko po. Kala ko kung ano na. Si Tyrell lang pala.
Medyo matagal na pala akong nakatitig sa mga pictures, Hindi ko napansen lumuluha nako.
“Uh. Tyrell...”
Lumapit sya saken. “Alam mo ganyan din ako date. Alam ko iniisip mo. Na masyado kang incomplete para mahalin ng isang tao. Iniisip mo kung anong kulang sayo." Kinuha nya yng mga pictures.
“Pumili ka ng isa dito, yung magkasama kayo.” Tinuro ko yung picture namen nung nasa Star City kame. “Ayan. Tapos...”
Chshsh-
Pinunit nya yung iba.
“Ayan. Kalimutan mo na lahat ng masama sa kanya pati lahat ng sobrang ganda na magbibigy sayo ng doubt na ibreak sya at magpapabigat ng loob mo. Ang alalahanin mo nalang, isa syang tao na kahit papaano eh naging bahagi ng masasayang araw mo noon. Hindi mo kasalanan kung bakit hindi mo nameet yung expectations nya. You did your best as his girlfriend at sya ang hindi naka appreciate nun.”
Lumipat sya sa tabi ko. “Wala nang pedeng magpaiyak sayo ngayon.” Ngumiti sya.
Nakinig lang naman ako sa kanya. Nagkwento sya tungkol sa girlfriend nyang si Naime Anjean. Este ex-girlfriend. Naku. Andameng sinabeng kung anik-anik kanina, sya rin pala halatang hindi pa nakakaget over.
Ganun lang siguro talaga. Kahit abutin pako ng kasing tagal ng kanya... what, almost a year? No matter how long it will take, I still have to let go.
~end of chapter 4~