Prologue

1.3K 44 28
                                    

Prologue

Nagsimula ang lahat sa isang simple at napakaboring na libro. Librong naging dahilan para manggalaiti ako sa kanya ng sobra.

"Im looking for the book entitled PSYCHO THE RAPIST" nakangisi niyang sabi. Matagal ko na siyang kilala dahil bantog siya bilang isang lalaking kadikit na ata ng pangalan ang salitang womanizer at pagiging matinik sa babae. No doubt bakit ganoon yung title ng librong hinahanap niya.

Kumunot ang noo niya nung hindi agad ako kumilos.

"Hind ka ba nakakaintindi ng english miss? Gusto mo ba itranslate ko para sa'yo?" Umarko ang kilay ko sa inis. Anong akala niya sa akin? Tanga? Excuse me, AB English kaya ang kurso ko no?

Bumunot muna ako ng isang malalim na hininga bago ko siya ulit binalingan. "Pardon for that Mr. Ceverino. But the school library doesn't have an erotic section. Maybe it'll be better if you'll look for that book somewhere else, some place where it is appropriate to be kept." I leaned my back on the swivel chair.

Halatang nainis siya dahil sa inasal ko. Kumunot ang noo niya pero agad din itong nawala saka napalitan ng isang nakakalokong ngiti. He crossed his arms then gently touched his lower lip using his fingers on his left hand. Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Halos matumba na ako sa kinauupuan ko dahil sa kakaatras. What the hell is he doing?

Halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Ang lalamunan ko ay unti unti ng nanunuyo dahil sa walang patid na paglunok ko. Shit naman! Ano bang kailangan niya? Eh wala ngang bastos na libro dito! For pete's sake, this is a University library!

Kalahating dangkal...

Three inches...

One...

Napapikit na ako dahil sa kaba kung ano mang balak niya. Alas otso na ng gabi at konti na lang ang mga estudyanteng nandito at ako pa ang nakatokang magsara ng library ngayong gabi! Great. Just great!

"You might wanna scan the shelf behind you, Amber. Malay mo, nandoon yung librong kailangan ko." Napamulat ako nung maramdaman ko ang pag atras niya. Prente na siya ngayong nakapangalumbaba sa harap ko at mukhang nagpipigil ng tawa. Bwisit!

Padabog akong tumayo saka pinuntahan yung tinutukoy niyang shelf.

"Bakit ba kasi ang kulit niya? Wala ngang erotic dito! At papano magkakaroon ng ganong klase ng libro dito kung general science to-" naputol ang pagmamaktol ko nung mahagip ng mata ko ang isang libro sa hilera ng psyche references.

Halos pumutok lahat ng ugat ko sa katawan dahil sa galit. Agad kong kinuha yung libro saka padabog na inilapag ito sa mesa kung saan prenteng prente ang hinayupak.

"DAMN YOU, FUCKIN IDIOT! THIS IS PRONOUNCED AS PSYCHOTHERAPIST NOT PSYCHO THE RAPIST!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napasigaw na ako sa sobrang bwisit sa kanya. Lintek! Sa dami ng pwede niyang pagtripan ako pa! Tahimik ang buhay ko. Hindi lalampas ng limandaang salita ang lumalabas sa bibig ko kada araw, at ng dahil sa kanya, sumobra na ng apat, may kasama pang mura! Lintek talaga!

Tatawa tawa niyang dinampot yung libro saka inipit sa kili kili niya.

"Chill miss librarian. Sinubukan ko lang kung papano ba magalit ang mga introvert na tao. Grabe pala no? Mala dragon? Haha!" Kumindat siya saka tawa ng tawang naglakad paalis. Naiwan ako doong nanggagalaiti sa galit. Ngayon lang ako nagalit ng ganito sa isang tao.

"Leche!"

Humanda ka Bam Ceverino!




---

A/N: Mamaya ko rin po ipopost ang chapter 1. Thank you!


Votes and comments are higly appreciated.


Phantom Spade Series #1: Courting The IntrovertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon