"Trust me... I love you... From the man waiting for you."
Paulit ulit ko pang kinurap kurap ang mga mata ko dahil baka nananaginip lang ako. Bakit ako sinendan ni Believe Dalies ng ganitong mensahe?
Gusto ko mang tanungin siya pero nakadeactivate na ang account nya. "Amber, kailangan mo ng magbihis." Napalunok ako nung madinig ko ang boses ng mga pinsan ko sa labas ng pinto.
Sinulyapan ko ang sarili ko sa salamin. Napakaitim ng ilalim ng mata ko, namumugto rin ang mga ito at sobrang stressed ng mukha ko.
Great. Ako na ang pinakapanget na bride...
Binuksan ko ang pinto at bumulaga sa harap ko ang mga pinsan ko, si Ellis, si Courtney at si Stacey. Nakabihis na silang lahat. Suot nila ang mga cocktail gowns na gawa ni Ellis. Kulay baby blue ang mga ito at bawat damit ay ibat iba ang disenyo. May mga paru parong disenyo rin ang damit nila.
Inilapag ni Ellis ang kahon ng gown sa kama. Ano kayang gown itong dala nya? Eh sinuot ko kahapon yung dapat na wedding gown ko. Napanganga ako nung buksa ni Ellis ang kahon. "Ellis, di ba ito yung gown ni Kits?"
Nakangiti syang tumango saka nagpamewang. "Actually, pinagawa nya ito para sa'yo. Isa pa, hindi kayo magkasukat no! Mas sexy ka naman sa kanya. Gusto lang naming makita kung anong dating pag suot mo na kaya nya gustong ipasuot sayo."
"Oo nga girl! Wala namang pamahiin ang mga laking France." Nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Courtney. Ewan, lalo lang akong nawiwindang. Mas naging magulo pa lalo ang utak ko. What have I done to deserve all of this on my wedding day?
Inayusan na muna ako ni Courtney habang si Stacey naman ang nag aayos sa buhok ko. Dahil sa mahaba ang buhok ko, isang simpleng maluwag na pagkaka braid ang ginawa nya pero meron syang inipit sa mga hibla ng buhok kong parang maliliit na pearls. Ito ang nag highlights sa bawat tupi ng buhok ko.
Simple but elegant look naman ang make up na ginaw ni Courtney, bumagay sa maputi kong balat ang eyeshadow na nilagay nya. Huli ay ang lipstick na fuchsia pink.
Tinulungan naman ako ni Ellis sa pagsusuot ng gown. Heart shape ang disenyo ng dibdib nito kaya nakalabas ang balikat ko. "Bagay sayo ang ganitong gown, nakikita ang ganda ng figure mo lalo na ng shoulder mo." Untag ni Ellis habang niriribbon nya ang tali sa likod.
Matapos ikabit ni Ellis ang belo ay nagpaalam na sila sa akin. Hawak ko ang bouquet ng white and pink roses, tumayo ako sa harap ng salamin. I look perfect but I'm not happy...
Hindi ko maiwasang malungkot. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalis sa isip kong nagawang hilingin ni BAM sa akin ito at ang tanga tanga kong nagawa kong pumayag.
Pumasok si Mama at Papa sa loob ng kwarto at sabay nila akong niyakap. Napaka elegante ng mga suot nila pero halatang kanina pa sila nag iiyakan dahil namumugto na ang mga mata nila.
"You look beautiful, anak." Humalik si Papa sa ulo ko, hindi ko maiwasan ang mapaiyak. This day was supposed to be the best day of my life, pero sa tuwing naiisip kong hindi si BAM ang naghihintay sa akin sa dambana, gusto kong isumpa ang araw na ito.
"Oh? Tahan na." Hinagod ni Mama ang likod ko para tumigil ako sa pag iyak pero hindi ko magawa. "Ma, parang hindi ko kaya."
Nagkatinginan sila ni Papa saka sabay na napangiti. Hinawakan ni Mama ang magkabila kong balikat. "Gawin mo ito. Pinapangako namin sayo, sasaya ka sa lalaking naghihintay sayo sa simbahan." Gusto kong lokohin ang sarili ko pero sa tuwing naiisip kong ibang lalaki iyon at hindi ang mahal ko, gumuguho ang mundo ko.
"Lets go?" Nakaabang na ang mga braso ni Papa para sa amin ni Mama. Mahigpit ang hawak ko sa kanyang braso habang naglalakad kami palabas ng bahay. This is it, the decision of a lifetime. Wala na talagang atrasan ito.