Chapter 7: Waiting

372 28 11
                                    

Waiting


"SAME SCENARIO, SWEETIE, OT NANAMAN. I'LL MAKE IT UP TO YOU ON SUNDAY. LOVE, MAMA." Nilukot ko ang sticky note na iniwan nanaman ni mama sa harap ng electric fan. Alas kwatro pa lang ng hapon, ano bang pwede kong magawa para hindi ko maisip ang mga nangyari?

"Ah, makapaglinis na nga lang." Binago ko ang kurtina ng kwarto ko, maging ang ibang hindi na kailangan ay inalis ko na para naman umaliwalas. Yung dating kulay orange na kurtina, ginawa kong blue para naman nakakarelax, hindi masakit sa mata.

Inaalis ko ang mga kalat sa study table ko nung makita ko yung kahong naglalaman nung regalo ni BAM na ipod. Isang linggo na rin itong nasa akin pero hindi ko pa alam kung anong mga laman, sinubukan ko kasing ibalik sa kanya pero hindi talaga siya pumayag. Kinabit ko ito sa speaker, hindi ako pamilyar sa mga kantang nandoon kaya minabuti kong pakinggan lahat.


"You and I were like fireworks and symphonies exploding in the sky,

with you im alive like all the missing pieces of my heart they finally collide,

so stop turn right here in the moonlight coz I dont ever wanna close my eyes.

Without you, i feel broke like im half of a whole,

without you ive got no hand to hold,

without you i feel torn like a sail in a storm,

without you, im just a sad song..."

Hindi ako fan ng mga ganitong klaseng kanta, pero nagustuhan ko ang isang ito, SAD SONG by We The Kings. Habang pinapakinggan ko ito, naalala ko yung mukha niya nung nakita niya kami ni Kuya Charlz sa harap ng sinehan, kung papaano niya pinagbantaan si Kuya Charlz, at kung paanong nagdilim ang mukha niya nung bitiwan ko ang masasakit na salitang nasabi ko kanina.

Nagiguilty ako. Pero sa kabilang banda, gusto ko na lang isiping tama ang ginawa ko. He's a womanizer and I'm just Amber, the nobody. Baka kapag hindi pa siya tumigil, unti unti akong maniwala sa mga kasinungalingang ipinapakita niya, baka malasing ako sa pagmamahal na ipinapadama niya, or worse, baka mahulog ako sa kanya, at yun ang ayokong mangyari.

Coz once you fall, mahirap ng bumangon. Mahirap ng bawiin ang puso, lalong mahirap ng buuin ito kapag nawasak. I'm not yet brave enough to fall in love and to fall apart gaya ng nangyari kay mama.

Niyugyog ko ang ulo ko dahil sa mga iniisip ko. "Ano ka ba naman Amber, kaya ka nga naglilinis para hindi mo siya maisip, eto ka nanaman!" Para akong sira na nakikipagtalo sa sarili ko. Pinatay ko na lang yung tugtog saka dinampot yung basurahan. Araw nga rin pala ng basura ngayon kaya kailangan mailabas ko na lahat ng basura namin bago pa dumaan yung truck na pipick up.

Hawak ng dalawang kamay ko yung dalawang garbage bag. Papalabas na ako ng bahay nung makita ko si BAM na nakasandal sa harap ng sasakyan niya. Yakap yakap niya yung teddy bear at diretso ang tingin niya sa akin. Napaka blangko talaga ng ekspresyon niya. Ano bang meron sayo BAM at hindi kita mabasa?

Nag iwas ako ng tingin saka dumiretso sa labas ng bahay kung saan dapat ilagay itong mga basura. Malas lang dahil mismong sa tabi niya yun.

"Amber..." Malumanay pero bakas na malungkot ang boses niya. Hindi ko siya tinignan, hindi ko rin siya kinibo. Pumasok na ako sa bahay. Paniguradong aalis na rinnaman siya mamaya.

Ilang oras na kaya akong paikot ikot dito sa bahay? Nalinis ko na ang buong paligid hanggang sa CR, napakinggan ko na rin lahat ng tugtog sa ipod ko. Nabasa ko na ang lahat ng dapat basahin. Tinignan ko ang orasan, alas dyis na ng gabi, kanina pa umuulan, may payong kayang dala si mama? Alas dos ang uwi nun panigurado, sana wala ng ulan mamaya.

Umalis na kaya siya? Siguro naman umalis na siya? Ang lakas kaya ng ulan magmula kanina. Wala naman sigurong siraulong magpapaulan sa loob ng dalawang oras.

Kinukumbinsi ko ang sarili ko pero hindi ko maiwasang mag alala. Eh pano kung hindi umalis? Aish!

Hindi ko maiwasang isipin siya kaya wala na rin akong nagawa, sumilip ako sa bintana at tama nga, nandoon pa rin siya! Nakasandal pa rin siya sa kotse niya at yakap yakap yung teddy bear habang umuulan. Taranta kong kinuha yung payong saka tumakbo papalabas, hindi ko na nahubad yung tsinelas kong pang loob dahil sa sobrang pagkataranta.

"B-BAM? T-tara sa loob." Nakapikit siya at nakapatong ang ulo sa teddy bear. Hindi niya ako kinibo. Hinawakan ko ang noo niya. Jusko po! Sobrang init niya! Lalo tuloy akong nataranta. Bahagya ko siyang niyugyog. Minulat niya ang mga mata niya saka tumingin sa akin. "Amber..." Ngumiti siya pero laking gulat ko nung bigla siyang matumba. Buti na lang sa akin siya nabuwal kaya lang mabigat siya, hindi ko siya kaya.

"Amber, anong nangyari dyan?" Mabuti na lang nakita ako ni Mang Darwin, yung tindero ng balot sa tapat namin.

"Manong patulong naman ho, ipasok natin sa bahay, inaapoy ng lagnat." Agad siyang pinasan ni Manong Darwin at ipinasok sa loob. "Ay naku Amber, hindi siya magiging komportable dito, mas mabuti siguro kung sa kama natin siya ihihiga. Nagdidiliryo na siya kailangan niya ng mainit na pamunas at maraming kumot." No choice kaya iniakyat siya ni Mang Darwin sa kwarto ko dahil wala naman kaming guest room. Hindi rin naman pwede sa kwarto ni mama .

"Salamat ho, Manong."

"Walang anoman ijah. Maiwan na kita at magtitinda pa ako." Nagpaalam na si Mang Darwin kaya ako na lang ang naiwan. Ano ba kasing katangahan ang pumasok sa kokote nito at hindi man lang sumilong?

Pumunta agad ako sa kusina para maghanda ng ipupunas ko sa kanya saka naghalungkat na rin ako ng malalaking damit ni mama.

"BAM..." Ginigising ko siya para matanggal ko ang mga damit niyang basa dahil paniguradong lalo lang siyang lalamigin kapag di siya nakapagpalit. "BAM.." Nakailang gising na ako pero hindi siya kumikibo. Nanginginig lang siya dahil sa lamig. Lumapit ako sa kanya para tanggalin yung jacket niya.

"Hooh, kaya mo to Amber." Iniangat ko yung v-neck shirt niyang basang basa. "Hmmm." Umuungol siya dahil sa lamig. Grabe nilalagnat ba siya oh sadyang hot lang talaga siya? Aist! Jusme ka Amber! Ngayon ka pa ganyan mag isip!

"BAM, tiis lang sandali na lang to, kailangan nating tanggalin tong damit mo para hindi ka lalong lamigin. Nahihirapan akong alisin yung shirt niya kaya ipinatong ko sa kama ang isang tuhod ko. Saktong pagkaalis ko sa shirt niya ay niyakap niya ako. "BAM, bitiwan mo nga muna ako!" Singhal ko sa kanya pero nanginginig lang siya. Pilit akong kumalas sa kanya.

Eto na, shit pano ba to?

Kinumutan ko siya saka walang tinginang inun buckle yung pants niya. Dahan dahan ko iyong binaba hanggang sa matanggal ko ng tuluyan. Bakit ganun? Ang lamig lamig pero sobrang tagatak ang pawis ko?

Pinupunasan ko na siya para mabasawan ang init ng katawan niya. Nasa parteng dibdib na niya ako nung makapa ko ang alagang alagang abs niya. Napaka toned ng muscles niya kaya naman pala ang daming nagkakandarapa sa kanya. Bahagya kong hinawi ang buhok niyang napunta sa mukha niya para mailagay koyung bimpo sa noo niya. Medyo messy kasi ang style ng buhok niya kaya mahaba ng kaunti sa harap.

Sa malapitan, napaka amo naman pala ng mukha niya, hindi naman pala ganong nakakatakot. Kayalang kapag tumitig na siya, yun na, nakakatakot na siya. Para kang tinutunaw ng bawat sulyap niya.


"NAK! ANO YAN?!"


Phantom Spade Series #1: Courting The IntrovertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon