Heartaches
"Sundo? Anong susunduin? Ayoko, magpahinga ka na lang dyan sa bahay niyo. Bye, papasok na ko." Pinatay ko na ang tawag saka binigay kay Mama ang cellphone niya, tumawag kasi si BAM, ang tigas ng ulo hindi pa magaling nagpipresinta ng maghatid sa school.
"Ma, papasok na po ako." Nakatitig sa akin si mama habang nakakunot ang noo. "Bakit po?"
Hinipo niya ang pisngi ko na parang may pinakikiramdaman siya. "Natulog ka ba kagabi?" Oo nga pala, dahil sa katigasan ng ulo ni BAM, hindi ako nakatulog, papano ayaw talaga niya akong bitawan kaya hindi ako nakatulog. "Ahm, o-opo. Sige ma, male-late na po ako."
Humalik na ako kay mama saka patakbong lumabas ng bahay para hindi na siya magtanong.
"Good morning, Jem." Isang matipid na ngiti lang ang sinagot sa akin ni Jemimah. Anong problema nito? Dati siya pa ang unang bumabati.
"Ahm, sis, pwede ba akong magtanong? Sana maging honest ka ha?" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jem. "Oo naman, tungkol saan ba?"
Nagulat ako nung hilahin niya ako papunta sa CR saka niya inilock yung pinto. "Si, si BAM ba, nanliligaw sa'yo?" Since first year, madalas mabanggit ni Jemimah si BAM kagaya ng lahat ng type niyang lalaki dito sa campus, kaya may kutob akong hindi maganda ang magiging takbo ng usapan namin.
"H-hindi ko naman siya ineentertain." Napayuko ako, hindi ko kayang tignan si Jem, alam ko kapag masama ang loob niya. "Pero di ba sinabi niya na kay Brenda na ikaw si Mystery Girl?" Simpleng tango lang ang isinagot ko sa kanya.
Lumapit siya sa akin saka hinawakan ang kamay ko. "Sis, alam mo ba kung bakit niya ginawa yun?" Napatingin ako sa kanya. Anong alam ni Jem?
"Look, nakwento sakin ni Kuya Charlz yung nangyari sa sinehan. Alam mo ba kung bakit ganon na lang ang galit ni BAM sa kapatid ko?" Umiling lang ako kaya tinuloy niya ang pagkikwento.
"Nalaman kasi ni Kuya Charlz na balak kang pagtripan ni BAM. Ikaw lang kasi ang nag iisang hindi nagkakandarapa sa kanya dito sa Saint Augustine kaya parang nachallenge sya. Alam naman natin kung gaano kaprotective si Kuya Charlz pagdating sa'yo kaya sinabihan siya ni Kuys Charlz na sasabihin niya sa'yo ang totoo pero nagbanta si BAM na may mangyayaring masama sa ating tatlo nila Kuya kapag nakeelam si Kuya Charlz. Yun ang dahilan kung bakit pinapalayo ka ni BAM kay Kuya, BAM is dangerous, Amber. Leader siya ng isa sa notorious gang dito. Wala silang sinasanto, mapababae man o lalake. May kaya o wala, kaibigan man o kaaway." Nanlambot ang tuhod ko sa sinabi ni Jem.
Matagal niya ng sinasabing playboy si BAM, manloloko,at bad boy, pero ngayon ko lang nalamang isang gang leader pala si BAM. Pero bakit ganun? Iba ang nakikita ko sa sinasabi ni Jem? Ano ba ang totoo BAM? Sino ka ba talaga? Ano ba talagang pakay mo?
"Sis, layuan mo na si BAM, please. Concern lang kami sayo. Masyado kang inosente para sa isang lalaking tulad niya." Nagsisimula ng mangilid ang luha ko kaya niyakap na ako ni Jem. Ganito siya kapag alam niyang napanghihinaan na ako ng loob o kaya'y iiyak na ako.
"I'm sorry sis, pero hindi ko kayang itago sayo ang bagay na to." Hindi ko na napigilan ang luha ko kaya napaiyak na ako. "Shhh. Sige, iiyak mo lang." Patuloy sa pagrub sa likod ko si Jem. Hindi ko na pinigilan ang luha ko dahil talagang nasaktan ako sa mga nalaman ko. Darn you, Ceverino! Ako pa talaga!
Kumalas ako sa yakap niya saka pinunasan ang luha ko. "Salamat, alam ko naman eh. Sino ba ako para magustuhan niya di ba? Matagal ko ng tinanim yun sa utak ko. Wag kang mag alala, lalayuan ko na sya. Thank you Jem." Ngumiti sya sa akin saka ako ulit niyakap.
Pagkatapos ng first subject namin, dalawang oras ang vacant ko kaya minabuti kong hanapi si BAM. Gusto ko syang makausap, para ipamukha sa kanyang wala akong balak makipaglaro sa kanya. Pinuntahan ko si mama sa ospital na pinagtatrabahuhan niya at hiniram ang phone nya.