Chapter 13: Reason

394 24 9
                                    

Reason


Sinuot ko ang T-shirt na binigay ni Courtney saka lumabas ng CR at pinuntahan sila. Lahat sila nasa labas ng ER at naghihintay ng balita sa lagay ni BAM. Pinaupo ako ni Stacey sa pagitan nila ni Lyndon.

"Worried about him?" Tanong ni Lyndon sa akin. Isang simpleng tango lang ang naisagot ko. May goose bumps pa rin sa akin ang mga pangyayari, masyadong mabilis ang lahat. Parang kanina lang iniiwasan ko pa si BAM, ngayon, eto siya, nakikipag jack en poy kay kamatayan dahil sa akin.

"Thank you, dumating kayo. Papano nyo pala nalaman kung nasaan kami?" Nakakapagtaka kasi, pano nalaman ni BAM kung nasaan ako pati sila?

"Ah, ganito kasi yan girl. Nakita ka ni Papa BAM na nagmamadaling sumakay ng taxi. Tapos saktong paalis na kami ni Courtney ng lounge nilapitan niya kami. Alam kasi niya tayo yung magkakaklase sa huling subject kaya tinanong niya kami. Sinabi namin pupuntahan mo si Jem kasi kakausapin mo. bigla siyang tumakbo palabas ng school. Tinatawag pa nga siya nitong mga gangmates niya hindi siya tumigil, kaya lumapit sila sa amin. My Ghad girl sana nakita mo yung itsura nung mga babae dun sa lounge kanina, grabe inggit na inggit sila! Anyway, basta yun. Sinabi namin yung tinanong ni BAM." Pagkukwento ni Stacey.

"Kinutuban kasi kami ng masama nung malaman naming kina Charlz punta mo. Matagal ka na kasing kursunada nun. Kundi lang dahil kay BAM, baka matagal na nyang nagawa ang balak nya." Untag naman ni Lyndon.

"Ahm, Lyndon tama?" Tumango sya saka ngumiti. "May mga gusto sana akong malaman." Mukhang nagets naman niya ang gusto kong ipahiwatig kaya tumayo sya saka naglakad palabas ng ER.

"Yung tungkol sa Gang, t-totoo ba yung mga nabasa ko sa blog ni BAM?" Ibinulsa nya ang dalawang kamay saka sumandal sa pader. "May mga taong pinipiling gawing gago ang sarili nila, maprotektahan lang ang taong mahal nila. You're lucky BAM's one of those idiots."

Nakagat ko ang labi ko sa sinabi ni Lyndon. Naalala ko nanaman ang lahat ng ginawa kong pagtataboy kay BAM. Hindi ko magawang sumagot kaya itinuloy ni Lyndon ang pagsasalita.

"Nasa senior high na kami nung una kang makita ni BAM. Kaibigan namin noon si Charlz at madalas ka niyang maikwento. Palagi niyang sinasabing idadaan ka niya sa santong paspasan kaya nag alala si BAM. Binantayan ka niya ng palihim, at dahil sa pagmamatyag niya sayo mula sa malayo, unti unti siyang nahulog sayo. Hanggang sa isang araw, natagpuan na lang niya ang sarili niyang nakikipagbasag ulo kay Charlz para sayo. Nalaman ni Jem na may gusto si BAM sayo kaya kinaibigan ka niya, kaya kahit anong subok ni BAM na lapitan ka hindi niya magawa dahil laging nasa tabi mo si Jemimah at nakabantay din ang gangmates ni Charlz. Jem hates you coz she's madly inlove with BAM." Hindi ko na napigilan ang iyak ko dahil sa sinabi ni Lyndon. All this time akala ko may gumustong makipag kaibigan sa akin, yun pala, isa lang siyang ahas na nagbabalatkayo.

"Habang tumatagal, lalong nababaliw sayo si BAM. Dumadating na yung puntong nagiging desperado na siya.At kapag nagiging desperado na ang taong nagmamahal, dun na nakakagawa ng mga bagay na hindi niya akalaing magagawa niya para sa pag ibig. Yun ang naging dahilan kung bakit nabuo ang Phantom Spade, Amber. Ikaw ang rason kung bakit meron ang gang namin ngayon. Dahil sa sobrang pagmamahal sayo ni BAM, nagawa niyang bumuo ng gang." Napatingin ako kay Lyndon sa sinabi niya.

"Pero bakit niya pa kailangang bumuo ng gang?"

"Dahil marumi maglaro si Charlz. Hindi mo ba napansin? Ikaw lang ang nag iisang introvert sa school na hindi kayang galawin o pagtripan ng mga bully? Dahil yun sa Phantom Spade. Were protecting you from a far, we stay in the shadow, at kung sinomang mangahas na tumarantado sayo, tulad ng meaning ng spade, kamatayan ang aabutin nila." Natutop ko ang sariling bibig sa sinabi niya. Hindi ko alam ang dapat sabihin. Hindi ako makapaniwalang kayang gawin yun ni BAM alang alang sa kaligtasan ko.

"Love can turn someone into a monster. At yun ang nangyari kay BAM. Handa niyang gawin ang lahat para sayo. Palagi siyang nakabantay, alam niya ang lahat ng tungkol sayo, maging ang mga paborito mo, ang phobias mo, lahat. He's obsessed with you, Amber." Nag uumpisa ng manlambot ang mga tuhod ko, all this time pinagtatabuyan ko yung taong deserving na magstay sa tabi ko. I even insulted him para lang lubayan niya ako, pero ang totoo pala, siya ang taong dapat na makasama ko.

"Not all angels are nice, same as not all gangsters are bad. Sadyang may handa lang talagang gawin ang lahat para sa pagmamahal. Kaya isa lang ang hihilingin ko sayo Amber. Bigyan mo ng chance ang sarili mong kilalanin si BAM."

Tumango ako at ngumiti kaya ngumiti rin siya sa akin saka niya ako inaya pabalik ng ER.

"Zeus, balita?" Tanong ni Lyndon sa naka eye-glass na kasamahan nila. Siya na lang kasi nadatnan namin sa pwesto namin kanina. "Nalipat na si BAM sa kwarto niya. Ang babakla mamalo ng grupo ni Charlz." Natatawang sabi nung Zeus.

"Bakit? Anong damage sa katawan ni BAM?" Tanong naman ni Lyndon habang naglalakad kami papunta sa kwarto ni BAM. "Tatlong buto sa ribs bali. Yun lang, the rest nabugbog lang." Nanlaki ang mata ko at napahinto sa paglalakad sa sinabi ni Zeus.

Nag-aalala namang napatingin sa akin yung dalawa. "Bakit Amber?"

"May bali siya?" Bahagya silang natawa sa tanong ko samantalang naiiyak na ako. Masugatan pa nga lang ang sakit na mabalian pa kaya?

"Sisiw yun kay BAM. Normal na yun sa kanya kaya wag kang mag alala. Mga dalawang linggo lang malakas nanaman yung gagong yun. No need to worry." Assurance ni Zeus sa akin. Sumang ayon naman si Lyndon kaya naglakad na ulit kami. Pagdating namin sa kwarto ni BAM, halos maiyak ako. Nakikipagtawanan na siya sa mga kasama niya na parang walang nangyari. Nabaling ang attensyon niya sa akin at ngumiti ng malaki kaya napatakbo ako papunta sa kanya at napayakap.

"I hate you, BAM! Akala ko kung napano ka na." Hindi ko na napigilan ang iyak ko kaya nirub niya ang likod ko. "Tahan na, eh sino bang hindi mabubuhay sa I love you mo." Kumalas ako sa kanya saka siya pinalo sa dibdib pero dumaing siya kaya nataranta ako.

"Hala, sorry!" Oo nga pala, may bali siya. Hinawakan niya ang mga kamay ko saka nilagay sa pisngi niya.

"Awts! Nilalanggam na tayo dito, pati bubuyog nandito na, labas na muna tayo!" Sabi nung isang medyo mahaba ang buhok sa harap at may pagkabrown.

"Gago ka talaga Pons!" Kinutusan siya ni Hainz saka inakbayan. "Labas muna kami, boss." Tumango si BAM at isa isa na silang nagsilabas. Nagwave pa sa akin sina Stacey at Courtney habang ang lalaki ng mga ngiti. Pagkasara ng pinto ay hinalikan ni BAM ang mga kamay ko. Seryoso ko siyang tinignan kaya kumunot ang noo niya. "Why?"

"Bakit hindi ka lumaban?" Nag aalala kong tanong sa kanya. Ngumiti siya saka hinawi ang buhok ko saka inipit sa tenga.

"Kasi ayaw kitang bitawan. Dahil baka pag lumaban ako, makakuha siya ng pagkakataon para mahawakan ka. i swear to God I wont let him touch even a single strand of your hair. No one touches my girl. Even those who's name is No one can't." Ngumiti ako sa kanya at ganoon din naman ang ginawa niya. Hinatak niya ako papalapit sa kanya.

Biglang bumilis nag tibok ng puso ko nung magkalapit na ang mga mukha namin. Ilang pulgada na lang ang layo ng mga labi namin kaya napapalunok ako. Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nung seryoso niyang tinignan ang labi ko. Dahan dahan niyang inilapit ang labi niya hanggang sa maglapat ang mga labi namin.

Dahan dahan ang galaw ng labi niya hanggang sa hindi ko namalayang humahalik na rin ako pabalik sa kanya. Masidhi at nakakalasing ang halik na yun. Ni hindi mo maiisip ang mga bagay bagay, bigla mong makakalimutan ang lahat. Para bang ang lahat ay perpekto. Dahan dahang gumapang ang kamay niya papunta sa beywang ko at hinigit ako papalapit kaya bahagya akong napasandal sa kanya.

Habol namin ang hininga namin ng matapos ang halik. Ngumiti siya sa akin saka ako hinalikan sa noo at niyakap ng mahigpit.

"I'm addicted to you, Amber. At wala akong balak iparehab ang sarili ko dahil sa sobrang pagkabaliw sayo."

"Bakit BAM? Bakit ganyan ka sakin?" Ngumiti sya at hinawi ang buhok ko. "I liked you for so many reasons but I got addicted to you for a single one. It's because you're Amber and I love you."

Natawa ako sa sinabi niya, and the next thing I knew. He's already kissing my lips again.



------------------

[A/N: Thank you sa lahat ng nagcocomment at nagvovote sa story ko.. MAr


Phantom Spade Series #1: Courting The IntrovertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon