Wrong Floor

11 1 0
                                    

Someone's POV


After taking a bath, di muna ako nagbihis dahil nakalimutan ko yung phone ko sa sala. Nagtowel lang ako and lumabas na ng kwarto.

May pumasok, akala ko si Kim pero nagulat ako nung babae yung nakatayo sa may pinto at parang inaantok.

"Who are you?" tanong niya, nagulat ako sa tanong niya. Bakit niya ako tatanungin kung sino ako, eh nasa pad ko siya.

"Who are you?!" Binalik ko yung tanong ko sakanya.

Tinignan niya yung door# at nanlaki yung mata niya. At di ko inaasahan na bigla siyang mahihimatay.


Dumating naman bigla si Kim, at nagulat siya sa nakita niyang babae na nakahiga sa pinto. Binuhat niya at ipinahiga yung babae sa sofa. Pumasok muna ako ng kwarto para mag bihis.


Di namin alam yung gagawin namin sa babae, kaya umupo nalang kami sa may sofa at tinitigan lang siya.

"Dude, sino ba yan? Chick mo ba?" tanong ni Kim.

"G*go, bigla bigla lang yan pumasok. At tinanong pa ako kung sino ako" sabi ko.

"Feeling ko nagkamali lang siya ng unit na pinasukan" sabi ni Kim. "Oh kaya! baka stalker mo tas nahimatay nung nakita ka hahahaha"

"Loko ka talaga, hintayin nalang natin magising" sabi ko. Umabot na ng mga dalawang oras yung tulog nung babae, pero di parin nagigising. Chineck na nga ni Kim yung pulso eh, baka deads na. Joke, biro lang. *knocks on wood*


Di na kami tumuloy ni Kim sa Circuit Showdown namin kakabantay dito sa babae, buti nalang at wala akong laban ngayon.


Napatingin ako dun sa babae nung gumalaw na siya. Lumapit kami agad ni Kim nung nagising na siya.


Elle's POV


Pag dilat ng mata ko, ramdam ko yung sakit ng ulo ko. Ano nga ba nangyari sakin?

Tumingin ako sa paligid, at may dalawang lalaki na naktitig sakin.

Sh*tbricks! Oo nga pala, mali yung pinasukan kong unit.


Di ko na sila pinansin, binilisan kong bumangon at tumakbo palabas.

Kahit na masakit yung ulo ko, tumakbo parin ako. Nakita ko na parang hinabol nila ako kaya mas binilisan kong tumakbo, pero sakto bumukas yung elavator at naiwan na sila.

Bumaba na ako sa floor ko.


Nagmadali akong pumunta sa unit at pumasok na, nakita ko si Thea sa sala habang nanunuod ng cartoon. Chineck ko yung oras, 7pm na pala, ibig sabihin mga dalawang oras pala ako nakatulog.


"Oh bakit ngayon ka lang? at bakit mukha kang binagyo?" tanong niya sakin.

"Besty!! Oh my gosh! huhuhu" naiiyak kong sabi.

"Bakit ba, anong nangyari?

"Pumasok ako sa ibang unit, kasi nagkamali ako ng floor na pinindot sa elevator, eh you know naman na I get dizzy and scared when im in the elevator. Then I found myself sleeping on their sofa" sabi ko. "What have I done? super nakakahiya dun sa dalawang guy na nakita ko"

The Boy Next FloorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon