Aaliyah's POV
Nagising ako dahil sa lamig na nagmumula sa aircon dito sa kwarto ko kaya hininaan ko na lang ito. Tumingin ako sa alarm clock na nasa gilid ng kama ko. 5:00 A.M. palang kaya nagdecide akong magjogging muna. Hindi na kasi ako nakakapag-excercise, hindi ko na rin maharap dahil palagi akong late. Humikab muna ako at nag-unat bago ako dumiretso sa banyo at maghilamos ng mukha.
Sumalubong sakin ang malamig na simoy ng hangin buti na lang at jogging pants at jacket ang naisipan kung isuot sa umagang ito. Inikot ko na lamang muna ang buong subdibisyon kung saan ako nakatira habang hinihintay ang magbukang-liwayway. Nang mapagod ako sa dalawang ikot ay sakto naman na huminto ako sa park malapit sa bahay kaya naman napagpasyahan kong magpahinga muna dito. Umupo ako sa swing doon at idinuyan ito ng bahagya habang ninanamnam ko ang pagsikat ng araw.
Pabalik na ako ng bahay dahil 6:00 A.M. na at maghahanda pa ako upang pumasok sa Eskwelahan. Nadatnan ko si Mama na naghahanda na ng almusal, kasama niya si Yaya Linda.
"Good Morning Mama, Good Morning Yaya" Bati ko sa kanilang dalawa. Nag-Good Morning din sila sakin at ipinaghanda ako ng paborito kong Hot Chocolate at Bacon with Sunny Side Egg. Hmm ang sarap talaga nila magluto.
Pagkatapos kong kumain at umakyat muna ako at nag-ayos muna, may 30 minutes pa akong paghahanda at 30 minutes pa ulit sa pagpunta ko sa school.
Kasalukuyan akong nagsusuklay ng may kumatok. Nakita ko si Mama na dumungaw mula sa pinto ng aking kwarto.
"Anak may bisita ka" nakangisi niya pang sabi at hindi na ako pinagsalita dahil umalis na agad siya. Sino naman kaya yun? Wala naman akong hinihintay na darating ah. Baka si Nikki lang yun.
Nagmadali na akong mag-ayos ng sarili ko dahil ayaw talaga niya na pinaghihintay siya.
Nasa kala-gitnaan na ako ng pagbaba sa hagdan ng muntik na akong madulas at literal na napanganga sa aking nakita.
"Good Morning Ali my Loves!" Hyper na hyper niyang bati sakin. Hindi ako makapaniwala na bumalik na siya at nakatayo mismo sa harapan ko.
"Kamusta?" dag-dag niya pa. Hindi na lang ako nagsalita at niyakap ko na lang siya, na-miss ko siya ng sobra-sobra.
Nikki's POV
Pagbukas ko ng pinto ng bahay namin upang pumasok na sa school ay tumambad sakin si Prince Kyle na parang kakatakot palang. Ngumiti siya ng napakalapad sakin dahil dun bigla na lang bumilis tibok ng puso ko.
"Ahm may sasabihin sana ako sayo" Sabi niya sakin. My Ghad, Bakit parang ang sexy pakinggan ng boses niya. Ipinilig ko ang aking ulo at ipinikit ng mariin ang mata ko para mawala ang kung ano man na pagnanasa ang bigla-biglang pumapasok sa pasaway kong utak.
"A-ano yun?" ano ba yan? Bakit ba ako nauutal? Tumikhim ako para maging maayos ang pananalita ko.
"I know this is crazy but--" He paused for a minute. "I think I'm falling inlove with you" hindi siya makatingin ng diretso saking mga mata at parang nahihiya pa. Mataman kong siyang tinignan at literal na mapanganga ng magsink-in sa utak ko ang kanyang sinabi.
"W-what? W-what did you said?" I asked him. Hindi niya ako sinagot bagkus ay hinalikan niya ako sa aking mga labi. M-my first kiss. He got my first kiss. My crush is my first kiss! Parang may biglang sumulpot na mga butterfly sa aking tiyan at parang may narinig pa akong mumunting tinig ng anghel na kumakanta. I felt heaven in this kiss. Napapikit na lang ako at dinama ito.
Aaliyah's POV
"So dito na ba ulit kayo titira?" tanong ko sa kanya.
"Yup, and guess wat? I'm your neighborhood" nakangiti niyang sabi sakin.
BINABASA MO ANG
Friendship #wattys2015
Teen FictionA sweet girl, lovable and friendly. yan si Aaliyah De Asis, isa sa mga rich girs ng DISU. Lima silang magkakaibigan, sila Nikki, Jessica, Sophia, Karen Faith at siya pero ang pinaka bestfriend niya sa lahat ay si Nikki. Magkaibigan na sila since nun...