Aaliyah's POV"Waaahhh i'm so excited. Kailan ka uuwi dito? Enrollment na bukas at sa monday na ang pasok baka mahuli kana" si nikki yan nakaskype kasi kami eh. Nagbakasyon kasi ako sa america at pauwi palang hihihi madaling araw na ako makakarating ng pilipinas.
"Chill Lang girl, andyan naman na ako ng madaling araw. So wala na kayong dapat alalahanin, sabay sabay na tayo" pampalubag loob ko sa kanya.
"Siguraduhin mo lang ha. We miss you na"
"I miss you too besfriend, so gotta go. Lapit na flight namin baka malate pa kami, bye"
"Bye ingat ka bestfriend"
-------
"Ali, Ali, wake up, were here na" gising sakin ni mom. Inat-inat akong nag-ayos ng sarili ko mula sa loob ng kotse at pumasok na sa loob ng bahay at nagtuloy tuloy ako sa aking malaking kwarto.
Bago pa ako tuluyan makatulog. Nagtext muna ako sa barkada.
To: nikki, jessica, sophia
Good morning girls. Kararating lang namin sa bahay, 1pm na tayo paenroll, papahinga pa kasi ako. So see you there. I miss you all.
Sent
Naghilamos muna ako at tuloy tuloy na sa aking kama. Pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa malambot kung kama at unti unti akong hinila ng antok.
"WAKE UP GIRL!!" napabalikwas ako. Iginala ko ang mata ko para hanapin kung sino yung sumigaw.
"Tss nikki naman eh, kita mong tulog pa ako eh, nanggigising ka" nagkukusot pa ako ng mga mata ng sabihin ko yan sa kanya.
"Well sa pagkakaalam ko 1pm po usapan natin at 12 noon na" nanlaki mata ko dun at biglang napatingin sa alarm clock ko. OMG!! 12 noon na nga.
"Waaahhh 12 noon na nga, liligo na ako, hintayin nyo nako sa baba. Hala cge layas na at makapagprepare nako"
BINABASA MO ANG
Friendship #wattys2015
Roman pour AdolescentsA sweet girl, lovable and friendly. yan si Aaliyah De Asis, isa sa mga rich girs ng DISU. Lima silang magkakaibigan, sila Nikki, Jessica, Sophia, Karen Faith at siya pero ang pinaka bestfriend niya sa lahat ay si Nikki. Magkaibigan na sila since nun...