Chapter 25

8.2K 134 3
                                    

WARNING: SPG!


ENJOY!


Umuwi ako ng bahay na disappointed at naguguluhan. Meron naman akong karapatang mag selos diba? Kasi asawa ako. ASAWA! Gustong-gusto kong tanungin si Ralph kung bakit niya ako tinanggihan para lang samahan si Sam? I mean... SHIT! Kilala ko si Ralph, it must be really important at kailangan niyang samahan si Sam... pero andiyan naman si Phael ah? Bakit si Ralph pa?


Hindi ako nakatiis at tinext si Ralph. I need to, dahil kung hindi ay mababaliw ako kakaisip.


To: Babe


'Hey Babe, nandiyan ka ba sa office mo? Gusto mo dalhan kita ng meryenda? I love you...'


Sent!


Naghintay ako. Ewan ko ba pero this past few days, parang.. parang lang naman ha? parang banas ako sa presensya ni Sam. Tss.. baka naman kasi magkakaroon na ako. Hindi naman ganito ang nararamdaman ko noon sa kanya eh. Gumala pa nga kaming dalawa at nagbonding. Tsaka ko lang naramdaman ito nung... Ah.. that.


FLASHBACK 1 MONTH AGO.


Nagbibihis ako ng isang baby pink above the knee dress, meron itong heart shape sa taas ng dibdib at ang masasabi ko lang ay napaka cute ng dress na ito. Mag di-dinner kami ngayon ni Ralph sa isang italian restaurant na bagong bukas lamang. Next week ay magsisimula na akong magtrabaho kapalit muna ni Carmen. Magiging busy na rin ako next week kaya niyaya ako ng Ralph na mag dinner ngayon. Hindi siya pumasok ngayon at ang ginawa lang namin ay mag date. Pumunta kami kanina sa sikat na sightseeing dito at doon ay nagpicnic kami, matapos nun ay kumain kami sa isang sikat na Japaneses restaurant din. I really enjoyed it dahil nakasama ko mag hapon ang asawa ko at ngayon nga ay magdi-dinner date pa kami.


Naglagay ako ng lotion sa aking legs at kamay, at matapos non ay naglagay na ako ng paborito kong perfume na bigay sakin ni Ate Jenny, ang tita ni Ralph. Naglagay lang ako ng light make up at isang peach-pink lipstick. Binagay ko sa dress ko ang 3 inches creamy white stilettos ko. Nakalugay din ang natural kong kulot sa dulo at mahabang buhok. Suot ko rin ang binigay ni Ralph sakin na pairs nang necklace, bracelet at earrings. Tinignan ko ang itsura ko sa Full body mirror dito sa walk-in closet namin ni Ralph at napangiti. PERFECT.


Bumaba ako at nakita ko si Ralph na nakatalikod sakin at nakatingin sa mga picture namin doon sa grand piano. Mahilig kasi si Ralph na tumugtog ng Piano. Nakasuot siya ng usual black tux niya at yung niregalo ko sa kanya na isang black and gray neck tie, ang gwapo naman ng asawa ko. Habang pababa ako ay bigla siyang napatingin sakin, napangiti siya ng nakita niya ako.


"Hi." bati niya sakin, ngumiti ako sa kanya at pinatong sa kanya kamay na nakalahad sa harap ko.


"Hi." balik kong bati. Hinalikan niya ang likod ng kamay ko habang nakatitig sakin. Mag asawa na kami pero kumakalabog pa rin ang puso ko kapag nakikita ko ang magaganda niyang mata.


"You're so beautiful, and I can't believe that you're my wife, that you're mine." hinawakan ko ang pisngi niya at hinaplos ito ng dahan-dahan.

Not the only one - A wife's pain [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon