Chapter 31

7.9K 125 9
                                    

ENJOY!

AFTER 3 MONTHS

Tatlong buwan nanaman ang lumipas. Ang bilis talaga ng araw. As usual ay nandito nanaman ako sa school at nagtuturo pa rin. Binisita ko last week si Carmen at nakita kong medyo malaki na ang tiyan niya. 5 months na rin pala ang tiyan niya. For the past months, naging sobrang busy ako to the point na kahit sabado ay nasa school pa rin ako at tuwing linggo naman ay syempre magsisimba kami ni Ralph at kakain sa labas then ayun na, uuwi at aasikasuhin nanaman ang mga paper works ko. Malapit na kasing mag second periodical test kaya busy lahat ng tao sa school including of course the students. Sabay sabay kasi halos ang events at mga program kaya busy'ng busy ang mga estudyante at busy naman ang mga teachers dahil sa pag gawa nang mga test papers at pag compute ng mga grades sa nakaraang monthly test.

"Girl, kain na muna tayo. Haggard mo na simula nung pumasok ang periodical month. Magpahinga ka rin kasi eh no? Hindi naman tatakbo yang mga basura na yan." Ani ni Mia.

"Pwes sobrang daming basura neto. Teka nga Mia, bat ikaw walang ginagawa?" Nginusuan niya lang ako at tinitigan ang kuko bago ako sagutin.

"Alam mo girl marami pang oras. Alam ko kasi kung kailan ako dapat kikilos at kung kailan magpapahinga. Tignan mo ikaw! Mukhang magkakasakit ka pa. Pahinga ka muna. Pare-parehas naman tayong maraming ginagawa pero ikaw lang ang todo effort." Nilabas niya ang cellphone niya at doon nanaman ay nakikipag text sa boyfriend niya. Oo boyfriend lang dahil ayun sa kanya ay feeling niya seryoso na iyon.

"Si Elijah nanaman katext mo ano?" Tinigil niya ang pagtetext at tinignan ako. Napansin ko na konti-konting namula siya. Kinikilig?

"Yeah." Sagot niya at ngumiti ng kaunti. Confirmed, in love ang gaga.

"How long have you been together?" Tanong ko. Itinigil ko muna ang ginagawa ko dahil sumasakit na rin ang katawan at ulo ko.

"Actually we're not... together. More like... MU? I don't know."

"Akala ko ba kayo?" Umiling siya at tinignan ang cellphone niya na tumunog.

"No uhh nagkakamabutihan palang, ata? Ay ewan."

"Paano kayo nagkakilala? Kailan pa nagsimula iyang MU relationship niyo?"

"4 months ago nung magkakilala kami and things we're not okay between us. Madalas kasi kami mag away na parang aso't pusa. Sabi nga ng mga kaibigan niya para kaming mga teenagers na nagaasaran then it just happened. Naging okay na kami and we actually became friends and... ayun...nagsimula itong MU thing namin nung inimbita niya ako sa birthday ng daddy and... ayun." Napangiti ako sa kwento niya.

"Good for you then." I said.

"Yeah." Pinagpatuloy niya na ang pagtetext at ako naman ay ipinagpatuloy na nga ang ginagawa ko.

**

Kakauwi ko pa lang at paakyat na ako ng kwarto. 8:27 pm na at sobrang pagod na ako. Sumasakit din ang ulo ko at masakit din ang mga balikat ko.

Pumasok ako ng kwarto at nakita kong nagbibihis si Ralph. Dumiretso ako ng walk in closet namin ni Ralph at kumuha ng damit at undergarments nang makapag shower na ako at makapag pahinga na.

"Hi Babe." Lumapit sa akin si Ralph at hinalikan ako pero mabilis din akong lumayo.

"I need to go wash up." Patungo na sana ako sa CR nang hinila ako ni Ralph. Niyakap niya ako sa mula sa likod at sinimulang halikan ako sa leeg. Ugh, I'm too tired for this.

"Let go Ralph. Kailangan ko nang mag shower." Inalis ko ang yakap niya at aalis na pero mas hinigpitan niya ang yakap at hindi tumigil sa paghalik.

Not the only one - A wife's pain [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon