Chapter 44

10.3K 206 29
                                    

The more you keep on demanding for updates, the slower the updates will be. Your choice.

ENJOY!

Nakaimpake na lahat ng damit na dadalhin ko. Bukas rin ng umaga ang alis ko. Habang maaga pa mas maganda ng alamin ang lahat. Nasasaktan man ako ngayon, kailangan kong lumaban. Nasa living room na ang isang maleta ko. Tatlong araw lang naman ako doon. At sana sa tatlong araw na iyon ay makita ko na kung sino nang Ellixe na iyon.

Alam nyo yung masakit? Yung akala ko naibigay ko na lahat pero hindi pa pala enough. Hindi pa pala para kay Ralph. Wala akong mapagsabihan. Lahat sinasarili ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ako lang ang nakakaintindi sa nararamdan ko. Ang sakit na ng mata ko kakaiyak pero kailangan ko ilabas lahat eh dahil kung hindi baka ikamatay ko.

Carmen texted me earlier na magpapasama sya sa OB nya. Kabuwanan na nya next month which is 2 weeks from now. Ang bilis ng oras talaga. Bago ako nakipagkita kay Carmen ay sinigurado kong hindi namamaga ang mata ko dahil sa kakaiyak. I even wore a sun glasses kahit sa loob ng clinic. Hindi naman ata nahalata ni Carmen dahil hindi naman sya nagtanong.

I look at the clock and it's already 3 in the afternoon. Nandito lang ako sa kwarto. Halos hindi na ako lumalabas ng kwarto kakaisip. I wish I could read Ralph's mind. Kung ano ba ang tumatakbo sa isip nya ngayon. Kung ako ba ang laman ng isip nya tulad ng akin. I feel so alone. I feel so abandoned. Kapag naiisip ko na naman ang gabing yun ay napapaiyak nalang ako. Hindi ko kayang magalit kay Ralph kahit na gusto ko. It turns out that I love him too much and that's all I can feel. I feel so pathetic.

Habang nakatingin sa wedding picture namin ni Ralph na nakasabit sa harap ng kama namin ay bigla nalang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at mahinang nagdadasal na sana si Ralph ito. Pagkakuha ko ay nadismaya lang ako. It's not him.

From: Mia

' Oy girl kamusta na? Nami-miss na kita. Bakit kasi umalis ka pa e. Reply ka ah? Ay oo nga pala, kamusta si baby? Wag ka magpupuyat at kakain ng sushi. Masama yun sa bata. Anyway, sabihan mo ako kapag magpapacheck up ka na. Samahan kita sa ultrasound mo.'

Hindi ko alam pero napatitig nalang ako sa mensahe ni Mia. Yes, I quited 2 days ago. Naintindihan naman iyon ni Carmen at pumayag naman sya. Ultrasound? Biglang pumasok sa isip ko ang baby ko. Baby ko. Bigla akong tumayo at nagbihis. It's time. Kinuha ko ang susi ng sasakyan at nagdrive papuntang OB ni Carmen.

Not the only one - A wife's pain [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon